Chapter 13 -->

44 1 0
                                    

6AM --

Arrrggghhh, ang aga pa! Pero hindi na ako makatulog. Kinuha ko yung phone ko mula sa bedside table ko. Nagpunta sa photos. Browse-browse lang nang madaanan yung picture namin ni Gavin. Napa-giggle ako. Parang ang bait-bait ng itsura nya. In fairness, ang gwapo nya talaga.

Nagbrowse-browse pa ako ulet hanggang sa makarating sa picture namin dalawa ni Caleb. Sa pagkakatanda ko, si Joshua ang kumuha ng picture na 'to. Naglalakad kami nun habang magkahawak ng kamay. Nakatingin sya sakin habang nakangiti. I missed him :(

Naalala ko yung papel na binigay sakin ni Gavin kagabi. Kinuha ko iyon sa bedside table ko. Mukhang 30 minutes away lang naman 'to mula sa labas ng village. 

Nag-ayos ako para pumunta sa address na binigay ni Gavin. I'm assuming na bahay ni Caleb yun. Bakit naman sya magbibigay ng address sakin out of the blue, diba? Especially na ang topic namin that time was Caleb. 

Nagtrike ako pa-highway, then bus papunta dun sa village na nakalagay sa papel. Halos magkandaligaw-ligaw pa ako, buti magaling ako magtanong. Tinuro ako dito sa bahay na may green na gate. Actually, yung gate nila, hindi covered yung loob. So mula sa labas, kita ang mismong bahay. 

Simple lang yung bahay, pero maganda. Sinilip-silip ko yung bahay, hesitant na magdoor bell dahil ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung sino yung nasa loob ng bahay. 

Iginala ko yung mga mata ko sa paligid nung bahay mula sa kinatatayuan ko sa labas ng gate. Napatakip ako ng bibig nung makita ko yung mukhang couple sa garden.

Yung guy nakaluhod habang hinahawakan yung tyan ng babae at nakadikit yung tenga nya. Para syang may pinapakinggan. Mukhang heartbeat or pagsipa ng baby kasi malaki na yung tyan ng girl. Masaya sila...nagtatawanan. Napahawak ako sa dibdib ko...habang yung isang kamay ko nakatakip parin sa bibig ko. Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko. Luha...

That guy happened to be...Caleb. Eto ba ang ibig sabihin ni Gavin? Pano nagawa sakin ni Caleb 'to? Nangako syang babalikan nya ako. Yung pangakong yun...buhay parin ba? Sa nakikita ko mukhang masayang-masaya na sya kay Jannah.

Napalingon si Caleb sa direksyon na kinaroroonan ko kaya agad akong tumakbo at nagtago sa likod ng pader. 

Akala ko...mahal nya ako. Sinungaling sya! Gusto ko silang sigawan pero wala akong lakas ng loob. Wala akong magawa kundi sumandal sa pader na 'to at umiyak nalang. Ang tanga-tanga ko para maniwala sa kanya na babalikan nya pa ako.

At ang malas nga naman, nakiramay ang ulan sa nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko rin magawang tumakbo palayo, o sumilong man lang. Napayuko nalang ako at hinayaang magpakabasa sa ulan.

Naramdaman kong huminto yung pagtulo ng ulan sa ulo ko. May payong?

"Sa payat mong yan malamang madali kang tatablan ng sakit." tiningnan ko yung nagsalita at niyakap habang humahagulgol. "Hey, mababasa yung damit ko!" 

Mas inisip nya parin yung damit nya. Tss...hindi sya si Gavin kung hindi sya magyayabang at magpapaka-arogante.

"We should go. They might see us here." inakbayan nya ako at inalalayan papunta sa kotse nya. Nagdrive kami papunta sa bahay nila Bree.

Syempre, shocked si Bree pagkakita sa amin. Lalo na sa basang-basa kong damit.

"Anong nangyari sa inyo? Did you guys had a fight?!" agad nya akong nilapitan at inusisa.

"No, can you get her a towel and clothes na rin kung meron, please?"

"Sure." Bumalik si Bree na may dalang towel at damit, white printed shirt at denim short. "Now, mind telling me what happened? Para naman hindi ako nanghuhula dito?"

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon