Chapter 12 -->

50 2 0
                                    

Two months after...

"Goodmorning, Babe." bati ko pagkasagot ko sa phone. Tuwing umaga kasi tumatawag sakin si Caleb para mag-goodmorning. I find it sweet.

"Babe? Kelan pa naging babe tawag mo sakin, Clumsy Girl?! Mukha ba akong baboy?!" napabalikwas ako ng bangon.

"Gavin?! Ang aga-aga! Maka-clumsy girl naman 'to. O, napatawag ka?" kairita. Kala ko pa naman si Caleb na.

"Eh ako kasi magsusundo sa'yo ngayon, noh! Pinatawag si Caleb ng Dad nya." ano kaya yun? Nagpromise pa naman sya na magbebreakfast kami ngayon ng sabay sa resto.

"Ganun ba? Eh bakit hindi nya man lang ako sinabihan?" nakakatampo talaga. Sa nakaraang dalawang buwan, ganito kami lagi. Magpapromise sya, tapos di matutupad. Minsan nga naiisip ko nalang, may tinatago sya. Kasi pag tinanong ko naman sya, iniiwas nya yung topic.

"Hindi ko alam, eh..."

"Nagpromise pa naman sya sakin na magbebreakfast kami ng sabay ngayon."

"Ganun ba? (he paused) Ganito nalang...magready ka na, tapos tayong dalawa nalang yung magbebreakfast. Ok ba?" ayan na naman sya. He's being nice to me. Bakit ba lagi syang nandyan tuwing wala si Caleb?

"Libre mo?" biro ko.

"Oo naman. Sige na magbihis ka na, aantayin kita dito sa baba." hah? ano daw?

"Baba? Anong baba?" napabangon ako at pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Gavin na nakaupo sa sofa habang hawak yung phone nya. Nakita kong binigyan sya ni mama ng juice.

"Oo, nasa baba ako. Bumaba ka kaya para makita moko."

"Nakikita na kita." tumingin sya sa taas at ngumiti nung nakita nya ako. Binaba ko na yung phone ko. Ewan ko lang pero naexcite ako nung nakita ko sya. Siguro dahil ililibre nya ako ng breakfast. "Wait ka lang dyan, magbibihis lang ako." nakita ko syang tumango.

Pumasok ulet ako ng kwarto at hinanda yung uniform ko. Tapos naligo na ako at nagbihis. Mabilisan nga yung ginawa ko dahil ayoko naman sya pag-antayin.

"Tara na?" tumayo na sya, "Ma, alis na kami!" pasigaw kong sabi sa mama ko, malamang nasa study room na naman sya.

"Okay, ingat, nak!" narinig kong sigaw ni mama.

"Akin na yang libro mo." inagaw ni Gavin yung dalawang libro na hawak ko. Hindi ginagawa ni Caleb sakin 'to :( I know he's sweet, pero ang sabi nya lang sakin, next time malaking bag daw dapat yung dalhin ko. Ni hindi nya nga kinuha yung books ko eh.

Sumakay kami sa kotseng dala ni Gavin. 

"San mo gusto magbreakfast?" hehehe...naggrin ako at humarap sa kanya.

"Jollibee?" 

"Ganun? Kala ko sa turo-turo lang eh!" hinampas ko sya sa braso. "Aray!"

"Ang yabang mo."

Syempre, gusto ko yung nasunod. Nagpark kami sa Jollibee malapit lang sa school. Sabi ko naman sa kanya dapat nagdrive thru nalang. Pero gusto nya daw magdine in eh.

Pagpasok namin ng Jollibee, diretso yung tingin ko sa mga pagpipilian ko. Kaya naman hindi ko namalayan na may nabangga pala ako.

"Hey, watch where you're going." napaharap ako sa babaeng nabangga ko. Malamang buntis sya kasi iba yung itsura nya, yung ilong nya parang nangangamatis at yun tyan nya medyo maumbok. Sa palagay ko 4-5 months. Oh, diba?! Galing ko kumilatis, noh!

"Sorry po,"

"Jannah?" lumapit si Gavin sa amin ng babae at humarap dun sa nabangga ko. Magkakilala sila? Nagpalipat-lipat yung tinging ko sa babae at kay Gavin. Parang narinig ko na yung pangalan na yun, ah. Di ko matandaan kung saan.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon