Chapter 8 --> Date with Crush

60 1 0
                                    

MONDAY

Shoot! 7PM na! May 30 minutes pa ako para maghanda. 10 minutes na pagligo, 5 minutes sa pagbihis, 5 minutes sa pag-aayos (suklay and a little bit of make up), 10 minutes sa pagkain kasama na pagtoothbrush. At ready na akoooo! Kinuha ko yung backpack ko at lumabas and whoops, who's that guy wearing shades!

"Caleb?"

"Hey," sinalubong nya ako at kinuha yung backpack ko na noo'y nakasabit lang sa kaliwang balikat ko.

"Uy, ako na magaan lang naman." pero hindi nya binigay sakin yung bag ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Sinabi sakin ni Gavin yung nangyari sayo nung friday. Eh baka kasi balikan ka ng mga lasenggong yun kaya sinundo na kita." iginiya nya ako hanggang sa passenger seat ng kotse nya.

"Thank you, nag-abala ka pa. Hindi na babalik yun, natakot na sa bugbog na inabot nila kay Gavin."

"Mabuti naman," nagdrive na sya papunta sa school. Pagdating namin, hinatid nya pa ako hanggang sa room namin. Saka nagpaalam na, "Hey, Jess, kita nalang tayo mamaya sa rehearsal ng play."

"Okay, see you!" nginitian ko sya.

2PM, kailangan ko nang pumunta sa auditorium. Pagpasok ko sa auditorium, nandun na sila lahat sa stage. Nakakahiya ako nalang pala ang kulang. Paimportante lang, nyahaha.

Nagform sila ng circle using yung mga monobloc chairs.

"Okay, guys. We will start with script reading. So you, Jessie, Caleb and Gav, you'll read the script as if you're doing the acting already ha! The script writer is open for suggestion in case you find some lines awkward or whatever. Okay let's start."

Gavin (Anthony): I will do everything in my power to take you away from Carlo. I love you, and I already told you that a million times.

Awtsi nakakailang, eye to eye contact with Mango Juice, I don't think I will survive a minute looking straight to his eyes. But i couldn't look away. I think I'm stuck.

Suzie (Jessie): And I told you a million times as well that you shouldn't ruin my relationship with Caleb...(what? Did I really mention Caleb? Or did I say Carlo?

"Jessie, Carlo dapat hindi Caleb." si Ate Eunice, napagalitan tuloy ako. Sorry carried away. Hopia (hoping) ako na may relationship talaga between me and my crush. Ayiii...

Haay, salamat naman. After 4 hours natapos din ang script reading. Nakita kong nauna nang umalis si Caleb at Gavin. Si Gavin, akala ko naman close na kami. Pero after ng rehearsal, hindi nya man lang ako pinansin. Hmmp...kala ko may kabaitan din sya sa katawan. Wala naman pala.

Paglabas ko ng auditorium, nakita ko si Bree sa may poste ng ilaw sa tabi ng auditorium. Parang may inaantay sya?

"Ui, Bree. Anong ginagawa mo jan?"

"I'm just waiting for Gav. He asked me out kasi, eh. Friendly date daw namin, just the two of us."

"Ah, eh nauna syang lumabas sakin, eh."

"Yeah, kinuha nya lang yung car sa parking lot at dadaanan nya ako."

"Ah, okay. So, mauna na ako, ah! Ingat kayo sa friendly date nyo." she waved goodbye at me.

Friendly date daw. If I know, ibang date yan, something deeper than a friendly date. Hmmp...kunwari pa 'tong mga 'to. I was talking to myself while walking towards the school's main gate. Para akong nababaliw, hahaha. Ah pano naman kasi talaga namang ang panget ng move ni Gavin. Friendly date?! Sino pa kakagat sa ganyang style sa panahon ngayon? Hahaha, grabe...iba sya dude! Ibang iba! Style nya bulok.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon