Chapter 16 -->

67 2 0
                                    

"Ano yan, teh?! Ililibing mo kasama ng namatay mong pag-ibig? Akin nalang baka pwede maisangla." nilayo ko yung maliit na box na tinatangkang agawin ni Josh.

"Che! Wag ka nga dyan! Isosoli ko 'to noh." nasa bench kami ng school ground habang nag-aantay ng next subject. Actually, hindi eh. Si Gavin talaga inaantay ko dito. Dito nya ako madalas puntahan. Ah...15 minutes ago, dapat nandito na sya eh.

"Isosoli daw. Echos mo! Bakit miss mo nagbigay nyan?" napatingin ako sa butterfly earings na nasa loob ng box. Naalala ko yung mga times na magkasama kami ni Caleb. Naging masaya naman ako noon, diba? 

"Namimiss...sa totoo lang, namimiss ko yung friendship namin ni Caleb. Mahal na mahal ko si Gavin, eh. Yun lang ang nararamdaman ko ngayon, Josh. Walang iba..."

"Jessie!!" napatingin kami dun sa sumisigaw. Tumatakdo palapit sa amin si Red at Dave.

"Uy! Bakit ba kayo tumatakbo?" sabi ko nung makalapit na sila. Grabe, hingal na hingal sila!

"Jessie...si Gavin kasi...ano...si Gavin..." ano daw?

"Bakit, Red? Anong nangyari kay Gavin?" parang bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Si Gavin..."

"Hindi daw sya makakapasok ngayon. Sinamahan yung Dad nya, may imi-meet yata na client." napatingin si Red kay Dave. Gulat yung reaksyon nya. Alam kong may mali.

"Dave, nagsisinungaling ka diba? Nasaan si Gavin?" iniiwas nya yung tingin nya sakin. "Dave, anong nangyari kay Gavin?"

"Nasa ospital sya..."

"A-anong nangyari sa kanya? Bakit sya nasa ospital ngayon? P-puntahan natin sya." nangangatal kong sabi sa kanila.

"Friend, sure ka? May final exam pa tayo sa last subject." Hindi ko na naisip yung final exam ko. Ang laman lang ng isip ko ngayon, eh, kailangan kong puntahan si Gavin.

"Josh, pakisabi nalang kay Miss Dela Cuesta, emergency lang." humarap ulet ako kela Dave at Red. "Halika na. Mabilis akong naglakad pero napahinto rin ako nung napansin kong hindi sila sumusunod.

"Bakit mo sinabi?! Sabi nga ni Gavin, wag daw sabihin eh."

"She has the right to know."

"Oo, karapatan kong malaman kung ano nangyayari sa boyfriend ko dahil nag-aalala ako! Kaya tara na!"

Dali-daling sumunod naman yung dalawa. Halos takbuhin namin yung parking lot na pagkalapad-lapad. Habang nagdadrive si Dave, sinabi nyang kay Ate Darlene nya daw nalaman na nasa ospital si Gavin. Nagcollapse daw kagabi.

Kaninang umaga naman, nagpunta sila sa ospital. Gising na daw si Gavin, at sinabing wag daw sabihin sakin yung nangyari sa kanya. Ang unfair! Bakit ayaw nyang malaman ko? Samantalang ako, matalisod lang ako at masugatan, nalalaman nya agad!

15 minute drive lang yung hospital kaya mabilis kaming nakarating. Nauna akong lumabas ng kotse at tumakbo na papasok. Hinabol pa ako ni Red. "Jessie! Room 209 sa 3rd floor!"

Naglalakad ako sa hallway sa 3rd floor, iniisa-isa yung bawat room na madaanan. Room 209, eto na nga yun. Sa pintuan ng room, may sign board kung saan nakalagay ang pangalan nya. Patient: GAVIN MONTENEGRO.

Eto na nga. Gavin, ano bang nangyari sa'yo? At bakit ba ayaw mong ipaalam sakin?

Nanginginig yung kamay ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Itutulak ko na sana pero parang kinakabahan ako kaya binawi ko yung kamay ko.

"Mas magiging okay sya kung makikita ka nya." binuksan ni Caleb yung doorknob para sakin at nauna syang pumasok. I was left shock sa likod ng pintuan. Magkaibigan nga pala sila kaya alam nyang nandito si Gavin sa ospital.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon