Chapter 20 --> "The Sweet Ending"

99 3 0
                                    

Siguro nga, hindi man ngayon, sa susunod na buhay natin, Gavin, maging tayo ulit. Kapag nangyari yun, sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na mawawala sa buhay ko.

Pasukan na naman. Sa tuwing mapapadaan ako sa bahay na nasa tabi ng school gate, nakakaramdam ako ng lungkot. Naiisip ko, ano na kayang ginagawa ni Gavin ngayon? Nakarecover na ba sya?

"Kayo jan, Bumblebee at Optimus Prime, sa palagay nyo ba nakalimutan na ako ng amo nyo? Kasi ako, hindi ako nakakalimot. Nandito parin sya sa puso ko."

"Sa palagay ko, di ka mawawala sa puso nya." nagitla ako sa nagsalita sa likuran ko. Umikot ako para makita, hoping na si Gavin yun. Nakaramdam ako ng matinding disappointment nung si Dave ang nakita ko sa likuran ko. "Disappointed?"

"Sorry, akala ko lang si...ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Papasok na. Sasabay sana ako sayo pero mula nung makita kita hanggang sa makarating ka dito sa bahay na 'to, nagsasalita ka mag-isa. Are you really used to thinking out loud? That's dangerous, haha." biro nya. Talaga bang nagsasalita ako mag-isa.

"Niloloko mo ba ako?" Binigyan ko sya ng isang What-The-Heck look.

"Hindi kaya. Akin na yang libro mo. Mukhang mabigat eh." mula nung umalis si Gavin papuntang LA for his surgery, si Red at Dave, lagi nila akong inaalagaan. Hindi nila ako iniwan mag-isa. Ganun din si Bree, Caleb at Jannah. Jannah and I are good friends now.

"Congratulations, graduates!!!" Si Red, Dave at ako, graduate na. Sa wakas! Tapos na ang pagsusunog namin ng kilay.

Tatlong taon na rin pala mula nung umalis si Gavin. Kumusta na kaya sya ngayon? Naiisip nya pa kaya ako? May iba na kaya syang mahal ngayon?

"Wala pa!" si Ate Darlene pala. "Do you always do that? Thinking out loud? That's dangerous, huh." natawa ako sa sinabi ni Darlene. "What's funny?!"

"Pareho kasi kayo ng sinabi ni Dave."

"Really?!" parang nagsparkle bigla yung mata nya. I knew it. Gusto nya talaga si Dave.

Dalawang taon pa ang lumipas pero hindi talaga nila ako tinantanan. Minsan annoying na yung pagbubuntot sakin ni Red. Fishy nga masyado, eh. Ayaw nilang magkaboyfriend ako. Minsan, may nanligaw sakin sa trabaho, pinagbantaan ba naman! At etong si Red, tagapagmana ng isang malaking kompanya, pero heto nagtyatyagang magtrabaho sa kompanyang pinapasukan ko.

"Red, kinukutuban na talaga ako sa mga kinikilos mo, eh. May tinatago ka ba sakin?" I threw a 'subukan-mong-magsinungaling' look at him.

"A-ah, ha? Ako? May tinatago? Wala ah!"

"Eh bakit ka nagha-high pitch?!" may nakapagsabi kasi sa akin na kapag ang lalaki, nagha-high pitch kapag nagdadahilan, ibig sabihin, nagsisinungaling sya. Kaya lang kahit anong gawin ko, ayaw parin talagang umamin ni Red. Pinagpilitang wala syang tinatago.

Hinatid ako ni Red pauwi after ng shift namin. Gusto nya lang daw masiguro na safe akong makakauwi. Hindi naman ako naghihinalang baka may gusto sakin si Red. Para na kasing magkapatid ang turingan namin. At saka hindi ganun si Red. Hindi sya magtetake advantage sa kahinaan ng tao.

"Anak! Anak!" sigaw ni Mama yun! Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay para malaman kung bakit nagsisisigaw ang nanay ko.

"Ma? Anong nangyari?!" nakita ko syang titig na titig sa TV kaya out of curiousity, tiningnan ko kung anong palabas na pinapanood nya. News? Anong interesting sa news at napapasigaw pa si Mama? Binasa ko yung headline.

'GAVIN MONTENEGRO, THE SON OF MONTENEGRO GRP OF COMPANY'S SON, IS BACK FROM LA TO MARRY HER PINAY GIRLFRIEND'

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib pagkabasa ko ng headline na yun. May girlfriend na pala si Gavin. Naka-move one na sya. Diba dapat maging masaya ako para sa kanya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon