**Jessie's POV**
I'm so happy...lalalala...I am happy!
Monday na naman po! Kinain ko yung almusal na hinanda sakin ni Mama at umalis na papuntang school. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, narinig kong may sumisitsit.
"Pst..."
Umikot ako para makita kung sino yung sumisitsit.
"Gavin? Anong ginagawa mo dito?"
"Bumili lang ng ballpen dyan sa tindahan. Naalala ko malapit ka nga pala dito noh?" tuluyan na itong nakalapit sa akin at sabay na kaming naglakad.
"Huh? Eh, may tindahan ng school supplies sa tapat ng bahay nyo, dito ka pa nakarating." may pagkaweirdo talaga sya.
"Eh wala namang Panda dun, eh. Puro HBW yung meron. Ito nga yung gusto ko, eh. Ganito kasi yung sa classmate ko." tinaas nya pa yung ballpen na nabili nya.
"Para ka talagang bata. O sige na, tara na! Ilibre moko pamasahe." pasakay na sana kami ng trike nang bigla na naman syang humirit.
"Hala! Wala pala akong dalang pera. Iaw muna taya ah," tinulak nya ako papasok ng trike at tumabi na sya sakin. "Manong, sa Bradford po tayo."
"Sige sir. Ang ganda ng girlfriend nyo ah!"
"Maganda talaga!" tumingin sya sakin at nag-grin. I looked away. Ang awkward eh. "Hindi ka sinundo ni Caleb ngayon?"
"Nope, kailangan nya daw kasing pumunta ng Batangas eh."
**Gavin's POV**
I woke up early today. Siguro 5:30AM, eh, 8AM pa yung klase ko. Para namang malelate pa ko eh paglabas ko ng bahay ko, gate na ng school.
Tinawagan ko si Bree, pero out of reach. Si Caleb naman, di sinasagot. Eh kung si Red at Dave naman, malamang tulog pa yun. Nambabae na naman yung dalawang yun kagabi, eh.
Ah, si Jessie! Kaya lang pag tinawagan ko sya, ano naman sasabihin ko? The F?! Bored na ako! Di na ako makatulog! Naligo nalang ako at nagbihis ng uniform. Sabay nag-almusal na din ako. Buti nalang may cereal kaming nabili si Jessie nung naggrocery kami. Kinuha ko rin yung isang garapon ng Coco Jam mula sa kitchen cabinet ko at pinapak ito. Bored parin ako T_T.
Naglakad-lakad ako sa labas. Konti palang yung mga estudyanteng nakikita kong pumapasok ng school. Maaga pa kasi.
Puntahan ko na nga lang si Jessie sa bahay nila. Pag punta ko sa kanila, naalala kong nawala ko pala yung ballpen ko. Nganga na naman ako nito mamaya sa school. Kaya nung nakita ko yung tindahan sa tapat ng bahay nila Jessie, bumili ako ng pen.
Medyo 30 minutes akong nag-antay sa kanya at nung nakita ko na syang naglalakad... "Pst..."
"Gavin? Anong ginagawa mo dito?" Nakataas na kilay nyang tanong sakin. Ang cute nya para syang tuta, wahahaha. Anu ba yun?! I-compare ba sa tuta. Ewan ko nga ba kung bakit ako naku-cute-an sa kanya. Siguro dahil kakaiba sya.
"Bumili lang ng ballpen dyan sa tindahan. Naalala ko malapit ka nga pala dito noh?"
"Huh? Eh, may tindahan ng school supplies sa tapat ng bahay nyo, dito ka pa nakarating." toinks! Alam ko yun, noh. Act stupid, Gavin, para di ka mahalata. Mahalatang ano?
"Eh wala namang Panda dun, eh. Puro HBW yung meron. Ito nga yung gusto ko, eh. Ganito kasi yung sa classmate ko." tinaas ko yung ballpen na nabili ko para ipakita sa kanya.
"Para ka talagang bata. O sige na, tara na! Ilibre moko pamasahe." hehe, evil smile.
"Hala! Wala pala akong dalang pera. Iaw muna taya ah," tinulak ko sya papasok ng trike para di na makareact. "Manong, sa Bradford po tayo."

BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!