Hinatid ako ni Joshua sa tapat ng bahay ni Gavin. Ewan ko ba sa vaklush na 'to! Excited much! Di makapag-antay ng Monday.
Hmmp...si Gavin, na-mimiss ko sya pag nawawala sya sa paningin ko. Nalulungkot ako pag di nya ako kinakausap. Kinikilig ako sa mga ginagawa nyang pagpapa-cute sakin. Diba ibig sabihin lang nun...gusto ko sya?
Hooo! Kaya ko 'to. He cares for me, right? Sa tingin ko naman magiging madali 'tong confession ko. Pero bakit dumadagundong ang puso ko sa kaba! Ayoko ng ganitey!
Manginig-nginig ako sa pagdodoorbell. Isa...dalawa...tatlo, pero walang sumasagot o bumubukas. Sinuot ko yung kamay ko dun sa gate pero may padlock. Mukhang wala sya dito. I feel relieved. Pero disappointed at the same time. Ang gulo ng pakiramdam ko ngayon!
Umuwi nalang ako. Wala naman akong mapapala kung magstay ako dun. Baka dun sya matutulog sa bahay ng parents nya.
Pag-uwi ko, diretso ako sa study room ni mama. "Ma, pagamit ng computer mo, ah." nung nakita kong tumango si mama, hinila ko na yung swivel chair palapit sa computer table.
Binuksan ko yung email ko. May laman ang inbox ko?
'Meet me at the park tomorrow at 11AM. Sorry, hindi ko na kayang maghintay ng isa pang taon. - Cocoy'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Pano nya nalaman yung email address ko?! Magrereply sana ako, pero parang hindi ako sigurado dito, eh.
Natulog na ako ng maaga. Luckily, sa kabila ng pagdagundong ng silly heart ko, eh nakatulog naman ako.
7AM palang, gising na ako. O diba, ang aga! Nag-breakfast na ako, then naligo at nagbihis. Di ako excited sa meet up namin ni Cocoy, noh! Magsisimba ako kaya maaga ako nagready! Kala nyo, excited ako?! Hindi! Hindi ako excited na makita ang first love ko!
Awiiii, ano na kayang itsura nya ngayon? Gwapo parin kaya sya gaya nung bata pa kami? Maganda parin kaya yung boses nya?
Ano ba yan!? Parang nakalimutan ko yung kamuntikan kong pagconfess kay Gavin kagabi! Saka ko na isipin yun. I'll deal with Cocoy first. Kailangan nyang malaman na hindi ko na matutupad yung promise ko sa kanya dahil...dahil...may mahal na ako...si Gavin.
Tiningnan ko yung relos ko, 10:48AM. Shoot! Natagalan sa pagsermon si father. Buti malapit lang yung park dito sa church. At exactly 11:01AM, nasa park na ako.
Nakarinig ako ng music background sa park. May mga teenagers din na sumasayaw.
Nasaan si Cocoy? Ano ba yan, di man lang nya sinabi kung anong kulay ng damit nya. Eh di sana madali ko syang makikita.
Naglakad ako palapit sa bench sa tabi ng punong mangga. Dito kami unang nagkita, so malamang dito rin kami ulet magkikita.
Naupo ako sa bench. Then after few seconds, napalitan yung rap music ng isang memorable song.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Yung boses na yan...sigurado akong alam ko kung kanino yan. Hinahanap ko yung taong kumakanta, pero hindi ko sya makita. Tumayo ako at nagpalingon-lingon. May lumapit sakin na bata. Inabot nya sakin yung hawak nyang pulang lobo.
"Ate, sayo nalang po 'to."
"Salamat." tapos tumakbo na yung bata palayo.
?Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula?
Maya-maya may isa na namang bata na lumapit sakin at nag-abot ng rose.
"Ate para sayo po."
"Thank you. Ang sweet mo naman." hinawakan ko sa chin yung baby boy. Ang cute nya kasi, eh.
"Di po sakin galing yan. Dun po kay kuya!" tinuro nya yung lalaking nakatayo sa di kalayuan. May hawak itong microphone at malapit sa isa pang lalaking naggigitara naman.
?Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon?
Naka-plain white shirt sya, then nakalong sleeves na checkered rolled up to his elbow. Tapos nakajeans lang sya at sneakers. Nakabonnet din sya which made him look more gwapo.
Binigay nya yung microphone sa isang guy then walked towards me. Waaahhh...and now we're less than one meter away!!! Itsura ko...(".) (.") (".) (.") (".) (.")...Seriously! Di ako mapakali!
"Tin, I've been waiting for this moment to come. Finally, hindi ko na kailangang magkunwari sa tuwing magkikwento ka tungkol sa childhood sweetheart mo." he smiled.
"Gavin? Joke 'to, diba? Prank ba 'to?" Nagpalingon-lingon ako na parang may hinahanap. "Dave? Red? Bree? Pwede na kayong lumabas!"
"This is not a joke nor a prank. This is reality. This is destiny, don't you think? Bilang si Cocoy, gusto kong tuparin yung promise na binitawan ko sayo 7 years and a half years ago." so ako pala ang tinutukoy nya dun sa voice recording na pinarinig sakin ni Red?
"Totoo ba 'to? Ikaw ba talaga si Cocoy?" nag-nod sya habang naka-smile. Hindi ako makapaniwala! Nasa harap ko ngayon ang childhood sweetheart ko!? At ang mas nakakabigla pa dun, sya si Gavin! Lord, kaya ba hindi Nyo hinayaang matuloy yung confession ko kagabi, dahil dito? Eto na ba yung sinasabi nilang destiny?
"Pwede ko na bang tuparin yung promise ko sayo?" hinawakan nya yung kamay ko and took a step towards me. Ngayon isang ruler nalang ang pagitan namin.
"Bakit di mo sinabi sakin agad? Alam mo na pala." I pouted my lips and met his eyes.
"I had to make sure na okay ka na, I mean totally moved on ka na kay Caleb bago ko sabihin sa'yo."
"And?" I threw him my most flirty look.
"And since you're fully recovered and still...ahmm...single, siguro dapat...ahm...tayo na?" should I say yes? But he's not sure! I guess.
"Siguro?"
"No...I-I mean, baka lang kagaya ko, eh, may nararamdaman ka na rin sakin. Kung okay lang sana sa'yo...But if you're not yet ready...willing ako na...mag-antay. Handa akong dumaan sa proseso, I mean, panliligaw? Kahit first time kong gagawin 'to, susubukan ko. Gagawin ko makakaya ko...para"
"Handa na ako."
"Huh?"
"Ayaw mo?" binawi ko yung kamay ko na hawak nya at nagkunwaring nagtatampo.
"Ah, no! I just wanted you to say it again."
Humarap ulet ako sa kanya at ngumiti.
"Sabi ko, gusto kong maging girlfriend mo. Gusto kita, Gavin!" niyakap nya ako ng mahigpit. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Pakiramdam ko may nagpifiesta sa loob ng puso ko. May nagpaparty, dumadagundong ng matindi eh.
"Thanks for making me happy. I love you, Jessie. I love you."
BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!