Wala akong idea kung sino ba si Jannah sa buhay ni Caleb. Sino nga ba si Jannah? Para kasing 'di mapatae sa gulat si Mango Juice eh. Hmmp...interesting pala buhay ng mga 'to eh.
Tapos na kaming mag-dinner. Si Caleb, nagmamadaling umuwi kaya hindi nya raw ako mahahatid. It's 8:30PM, maaga pa naman, di pa ganun kadelekadong umuwi.
I faced Bree, Red and Dave but not that Mango Juice! "Thank you sa dinner, guys ah. Na-appreciate ko talaga."
"You're part of the group now!" aww...sweet naman ni Dave. Bahagya nya akong niyakap to welcome me daw sa group nila.
Sumunod na umalis si Red dahil may katagpo daw sya, bagong babae na naman. Si Dave naman, magliliwaliw daw, at si Brianna, magpapa-good shot sa Dad nya para bilhan sya ng bagong phone na latest model daw ng Apple. iPhone 5 yata yun.
At ako, naiwan kasama yung aroganteng si Mango Juice.
"Uuwi na ako. Hindi ka pa ba uuwi?" i asked him politely.
"Nope, i live here." nakita kong kinuha nya yung susi ng kotse nya sa may kitchen counter. May lakad si kuya?
"Okay, sige na. Uwi na ako. Palabas na ako ng pinto pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak ng braso ko.
"I don't like you, but I don't want you to go home alone. Konsensya ko pa pag napagtripan ka dyan sa labas. Tara sakay na sa kotse ko." sinama nya ako sa kotse ko at ipinagbukas ng pinto.
"Ayaw mo pala sakin, wag mo na ako ihatid!" hindi ako sumakay, instead, tinalikuran ko na sya para maglakad pauwi, may sakayan naman ng trike sa kanto eh. But he insisted, hinawakan nya yung kamay ko at hinila papasok sa kotse. Nung makaupo na ako, ikinabit nya yung seatbelt ko at pumasok na rin sya at umupo sa driver's seat.
"Ang kulet mo. Sumunod ka nalang! Nakakairita ka eh." ini-start nya na yung kotse nya.
"Nakakairita? Ako pala nakakairita? Eh ikaw nga 'tong mayabang dyan eh!"
"Ibinilin ka sa akin ni Caleb. I don't want him to think that I'm an unreliable friend." ah, kala ko naman concern na sya sakin. Pogi din naman 'tong lokong 'to eh. Salbahe nga lang. Matangkad, ang ganda ng kutis, yung mata nya, bilugan. Yung hair nya?! Ay 'te, lakas maka-Daniel Padilla. Kung didikit ako sa kanya, magmumukha akong personal maid nya.
Pinatakbo nya ng mabilis yung kotse, "ahhh...ano ba, gusto ko pang mabuhay, noh! Bagalan mu naman yung takbo!" Mas lalo nya pang binilisan yung takbo. Maldito talaga diba?!
Hindi sya nagsasalita, mukhang focused sa pagpapatakbo ng mabilis. Malakas ang loob! Di nya ba alam na may kasama syang babae sa sasakyan?!
"Wait, hindi ito yung daan papunta sa bahay namin, ah!"
"Bakit alam ko ba bahay nyo?!" sa wakas nagsalita din ang loko!
"Nagtanong ka ba?! Kumanan ka, nandun yung bahay namin! Ay hindi-hindi. Dito...dito itabi mo. Dito na ako bababa." tinatapik ko sya para ihinto nya yung kotse.
"Okay, okay sandali. Di moko kailangan tapikin!" hininto nya naman yung kotse. Uto-uto! Hindi naman ito yung bahay ko eh. Malayo pa dito!
Bumaba ako at inantay kong paandarin nya yung kotse. Nung makaalis na sya, naglakad na ako pauwi. Nag-abang ako ng trike, pero after 10 minutes of waiting, still there's no sign of trike approaching. Nagdecide akong maglakad nalang pauwi, 20 minutes kung lalakarin papunta sa bahay. 9:20PM na, siguro may mga bukas pang tindahan at maliwanag pa sa daan.
Naglakad ako and I'm half way na mula pinaglakaran ko papunta sa bahay. Nadaanan ko yung tindahan na bukas at maraming lalaking nakatambay at nag-iinuman. Sa palagay ko mga mid 20s na sila. Hmmp...mga batugan, laklakan ng laklakan imbes magsikayod!

BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!