Chapter 9 -->

45 1 0
                                        

Grabe, gabi na pala ako nakatulog. Ayan tuloy, 10AM na ako nagising. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Baka si Caleb...

From: Mr Mango J. Arogante

'Hoy, clumsy girl! May pagkain ka ba sa bahay nyo? I'm hungry!'

Ano daw kamo? Nagugutom? Ang aga-aga mambulabog nito wala naman kabuluhan yung sinasabi.

To: Mr Mango J. Arogante

'Bket? Wla k bang pgkain s bahay mo?!'

--

From: Mr Mango J. Arogante

'U think I'm gonna ask u if I do have one here?!'

--

To: Mr Mango J. Arogante

'May maid k ah! Bkit d k magpabili?'

--

From: Mr Mango J. Arogante

'Nalulungkot kz ako :( Gus2 ko kmain ng may ksbay ngaun T_T'

--

To: Mr Mango J. Arogante

'So gus2 mu mkikain d2 pra sumaya k? anu ako clown mu?'

--

From: Mr Mango J. Arogante

Mom and Dad are busy, Caleb, Red and Dave are busy as well. And worst, Bree is busy. You're the only one left :( Anu pkakainin mu b ako jan s inyo? Cge nah!

--

Naawa naman ako. Loner?! Nalulungkot sya? Siguro walang time yung family nya sa kanya. Sige na nga, wala naman masama kung pakakainin ko sya dito sa bahay, eh.

"Ma?"

"Oh, gising ka na pala. Kumain ka na. Nasa mesa na yung pagkain, pupunta lang ako sa tita mo."

"Okay, ah, Ma. Ano pong pagkain?"

"Nagluto ako ng Bacon, may fried egg na rin at yung paborito mo, pandesal at coco jam."

"Okay," bumeso ako sa mama ko na paalis. "Ingat po."

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko.

--

From: Mr Mango J. Arogante

'Wui! Di na nagreply? Ganyan ka, ah!'

Ay, oo nga pala nakalimutan ko mag-reply.

--

To: Mr Mango J. Arogante

'Alm mu nmn bahay nmin, db? Bket di ka pumunta d2?'

In less than a minute tumunong yung doorbell. Sino kaya yun? Sinilip ko sa bintana yung lalaking nakatayo sa gate at dali-dali akong tumakbo palabas para pagbuksan ng gate.

"Oh, kakareply ko palang nandito ka na agad? Teleport?" sabi ko habang binubuksan yung gate.

"Nope, kanina pa ako nasa labas ng gate nyo."

"Ha? Eh bakit hindi ka nagsasabi?" napakamot lang sya ng ulo at nauna pa sakin papasok.

"San yung kitchen nyo?"

"Di ka naman gutom noh?"

"Ee, walang food sa house ko. Si Manang Josie kasi hindi nag-grocery." umupo na ito sa upuan na nasa dining table at kumuha ng pandesal. "Uy, Coco Jam favorite ko 'to! I would trade my soul for this!" tuwang-tuwa sa coco jam?

"Bakit? Hindi mo ba kayang mag-grocery mag-isa?" sabi ko habang kumukuha ako ng plate at utensils for him.

"Hindi eh." parang batang sagot nya. He let out a sigh, "I really can't live alone."

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon