**you can count on me like 1 2 3, I'll be there. And I know when I need it...
+63917******* calling...
Sino naman 'to?
"Hello? Sino 'to?"
"Hoy, clumsy girl!" clumsy girl? Ako ba tinutukoy nya?
"Sino ba 'to? Maka-clumsy girl ka naman dyan!"
"Si Gavin 'to..." Gavin? Si Mango Juice?! Pano nya nalaman ang number ko? At bakit sya patawag-tawag sakin eh samantalang kanina lang eh, tinataboy nya ako.
"Hmm...napatawag ka?" try to be nice to him, Jessie. Be polite.
"Pumunta ka dito sa studio, ngayon na. Malapit lang naman yung bahay nyo dito diba?" huh?! Ano daw? Nauubusan na ako ng pasensya dito ah. Kalma lang Jessie.
"Bakit? Anong gagawin ko jan?" yamot kong sagot sa kanya.
"Wag ka na magtanong! Pumunta ka dito or I'll get my driver pick you up. Or maybe I'll ask him to drag you here if you insist not to come." was that a threat?! He's really getting on my nerve! "Isipin mo nalang, kabayaran 'to sa pagtapon mo ng juice sa polo ko. Sana makita mong nagmantsa ang juice sa polo ko!"
"Naniningil ka?! Nakakaubos ka ng pasensya ah! Nag-sorry na nga ako diba?"
"Saying sorry doesn't mean you're really sorry for what you did. No excuses just come over."
"Ayoko, hindi pwe..." toot toot toot. Binabaan ako? The nerve! Grrrr...let's get this over and done with.
Pumara ako ng tricycle, since malapit lang naman yung school at yung tinutuluyan nyang studio "daw". Tinext ko nalang si Mama na aalis ako sandali, tutal may duplicate key naman sya.
Pumara ako sa tabi ng school. 8PM na. Anong nakain nito at pinapapunta ako dito? To think na hindi naman kami close. Kung tarayan nya ako, wagas!
Nakita kong bukas ang gate kaya padabog na pumasok ako dere-derecho. Feel at home lang ako?!
"Ano bang problem..." natigil ako nung makita kong kumpleto ang grupo nila na nasa table. Wala ba 'tong mga magulang? Gabi na ah, walang balak umuwi? Palibhasa kasi mayayaman! Mga walang pakialam sa buhay!
Nakita kong nandun din si Caleb nakaupo, nakatingin sya sakin habang nakangiti.
Nilapitan ako ni Bree at hinila palapit sa dining table.
"Jessie! Sorry we had to drag you here at this late hour, ah. Kasi naman di ka naman nakakain dito and Caleb said hindi kayo kumain sa mall. You just had coffee." magkatabi kami ni Caleb ng upuan. I feel comfortable na with him.
Dave stood up and took a plate for me. Si Red naman, nilagyan ng slice ng pizza yung plate ko. Si Gavin, nakaismid lang sya sakin. Pakiramdam ko para akong virus sa paningin nya.
"And sorry for Gav's arrogance on the phone earlier..." it was Dave. Gusto ko ang sorry manggaling sa bibig ni Gavin.
"Okay lang, mukhang wala naman na akong magagawa dun. Hindi nya naman babawiin yun, eh" I glared at Gavin. He just rolled his eyes against me. Tingnan mo nga naman kung gaano kaarogante 'tong lalaking 'to.
*Someone's calling...Someone's calling...Someone's calling...*
"Si Jannah?! Tol, sagutin mo na baka..." Jannah ang pangalan ng tumatawag kay Caleb? Napansin kong nakatitig lang si Caleb sa phone nya tila nagdadalawang-isip na sagutin yung tawag. Nahinto si Red sa pagsasalita nang mapansin nyang masama ang tingin sa kanya ni Gavin. "Sorry," napayuko na lamang ito tila napahiya.
*Someone's calling...Someone's calling...*
Nakita kong dinecline ni Caleb yung call. Sino kaya yung Jannah na yun?

BINABASA MO ANG
Until we meet again
Teen FictionThis is the very first story I have completed. Hope y'all like it!