Yumiko POV
"Mag-ingat ka don iha." Sabi ni Papa.
"Yeah." Cold kong sagot. Medyo may galit pa ako kay Papa dahil sa pagma-manipulate ng buhay ko.
"Alam mo namang mula ngayon, hinding-hindi ko na papakialaman ang buhay pag-ibig mo."
Tumango lang ako saka sinakbit na ang bag ko. "I have to go."
"Ingat anak."
Kumaway lang ako at naglakad na. Hindi pa rin ako makapaniwalang after 6 months, babalik na ako ng Pilipinas.
What will gonna happen? Ano kayang sasalubong sa akin doon? Hay. Kinakabahan ako at the same time, natatakot ako sa muling pagkikita namin ni Lance. Sana maging maayos ang lahat.
Sana, mahal pa rin nya ako.
***
Lance POV
"Bro hindi ka ba sasama sa airport?" Tanong ni James.
"Anong gagawin sa airport?" Tanong ko.
"Baka magpapa-gas bro."
Tangina.
"Syempre may susunduin. Ano ba naman Bro. Ngayon na ang uwi ni Yumiko. Susunduin namin sya ni Fancy."
Ngayon na? Bakit bigla akong kinutuban? Tangina. Ayoko siyang makita. Ayoko.
"Kayo nalang." Sabi ko.
"Sige ikaw ang bahala, bro. Dito naman siya titira e."
Napatayo ako. "Ano!?"
"OA ka magreact bro. Joke lang."
Bakit ba ganito ang mga reaksyon ko ngayong nalaman ko na pauwi na si Yumiko?
Tch. Wala akong pakialam. Galit ako. Galit ako sa kanya.
Ano naman kung uuwi na sya? After 6 months? Walang mababago. At walang dahilan para magtagpo pa kami.
"Let's go na Patrick! I'm sure Reid will not make sama. He's so bitter kaya. And he's still mad at Yumi even if there's no reason to be. Hmmp!"
Mula nang umalis si Yumi, naging ilag na sa akin si Fancy. Hindi ko alam kung bakit mas kinakampihan pa niya si Yumiko kesa sa akin na kapatid niya.
"Sige, bro alis na kami. Siguro, kasama na ni Yumi ang asawa at anak niya."
"What did you say?" Tanong ko.
"Wala, bro. Maka-react ka na naman diyan." Humagalpak siya ng tawa.
"Nakakaloko ka na. Tch! Umalis na nga kayo!"
"Still mad yet still affected. Psh! Like errr!" Sabi ni Fancy. Inirapan pa ako ng bubwit.
Tch.
I'm not affected. I don't care about her.
"Sige na. Totoo na 'to, bro. Aalis na kami. Huwag kang masyadong mag-isip ha? Pwede ka naman sumunod." Sabi ni James saka umalis na.
Ba't ako susunod? As if I have reason to go? Mag-iinom nalang ako.
***
James POV
On the way kami ni bubwit sa airport. Natatawa nalang ako kay bro. Affected siya sa bawat sabihin ko about Yumi pero nagmamatigas pa din siya.
"Reid is so GRRRR talaga!" Sabi ni Fancy.
"Bakit?"
"He's pretending kaya that he's wala ng care to Yumi. Like duh! It's so halata kaya that you know!"
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014