Chapter 3

493K 6.4K 442
                                        

Yumiko POV

This is it. Ipinarada ni James ang sasakyan sa garage ng mansion nila. After six months, nakabalik ako rito at aaminin kong ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa alam kung paano ko haharapin ulit si Lance.

Pero tulad ng sabi ko sa sarili ko, kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangang hindi ko ipakita kay Lance na mahina ako. Kahit pa anong klaseng pakikitungo ang ipakita niya sa akin, naka-handa na 'ko. I will be strong, I need to.

I'm expecting to get hurt but at the same time, I'm expecting that he still loves me. Hindi naman siguro basta basta mawawala iyon 'di ba?

"Yumi, let's go na? Baba na." Sabi ni Fancy na nauna nang bumaba sa sasakyan.

My heart is beating so fast.

Damn this heart. No Yumi. You can do it. Be strong.

Huminga ako ng malalim bago pinagpasyahan nang bumaba. No matter what happens, hindi ko ipapakita kay Lance na apektado ako. I'll do everything to get him back.

"Yaaa! I'm really excited Yumi. Starting from now on, you're here again." Sabi ni Fancy habang naglalakad na kami papalapit sa main door ng mansion.

Sinalubong na kami ng mga kasambahay para kunin at dalhin papasok ang mga bagahe ko.

"Manang, paki-diretso niyo na 'yan lahat sa kwarto ni Yumi." Utos ni James.

Alam na 'yon ng mga kasambahay dahil may sarili naman talaga akong kwarto dito.

I gulped as we entered the main door. Halos atakihin ako sa puso nang bumungad agad sa akin si Lance. He is sitting on the couch while watching NBA.

Six months na walang communication, six months na hindi ko siya nakita at ngayon, kayang-kaya ko na siyang abutin. Magkalapit lang kami dahil sa iisang bubong lang kami titira.

Kung noon, napakasaya ko habang nakatira dito, ngayon iba na. Iba na ang sitwasyon namin.

"Oh my! Yumi, you're really gorgeous and oh, so sexy!!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Fancy dahilan upang mapatingin sa gawi namin si Lance.

He's looking at us without emotion, as usual—ike the first time I met him, he's cold.

I gulped again. Ang lakas lakas ng dating ni Lance sa akin. I missed him. Kung sa ibang pagkakataon ay baka tumakbo na ako papalapit sa kaniya saka siya nayakap.

He suddenly stood up at dumiretso paakyat sa taas. In short, deadma ako.

Ano pa bang aasahan ko?

"Hmmp! Reid is kunwari pa! I'm so naiinis talaga to him, Yumi!" Nagmamaktol na sabi ni Fancy.

"Yumi, pasensya ka na kay Bro." Sabi ni James.

"It's fine. There's no reason to be sorry." I smiled at them bago ulit nagsalita. "Pwede bang magpahinga muna ako sa kwarto ko? Jetlag." Pagsisinungaling ko.

Dahil deep inside, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako na hindi ako pinansin ni Lance. Mas matatanggap ko pang sungitan ako kaysa hindi pansinin. At wala man lang akong nakitang reaksyon mula sa kanya. Masaya kaya siya na narito na ulit ako? I doubt it. I am sure, galit na galit siya sa akin.

"Sige, Yumi. Pahinga ka muna. May welcome party mamaya for you. Ako na ang bahalang mag-asikaso." Sabi ni James.

"Thanks."

"Me too! I will help Patrick na lang so you should take a rest muna." Sabi naman ni Fancy.

"Thank you din, Fancy. I'll go upstairs." paalam ko.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon