Yumiko POV
NARITO na ako sa kwarto ko sa mansion. Pagkatapos ng nangyari sa bar kina Lance at Trigger kanina ay umuwi na rin ako. Nag-insist pa si Trigger na ihatid ako pero tumanggi ako. May dala naman akong kotse.
Ewan ko ba pero parang gusto ko ng kausapin si Lance nang masinsinan tungkol sa pag-alis ko six months ago. Ang tanong, maniwala kaya siya sa akin? Alam ko kasing 'pag sinubukan ko siyang kausapin, baka hindi niya ako pansinin.
Pero ngayon, maglalakas loob na 'ko. Tutal may mahal naman ng iba si Lance. Gusto kong sabihin sa kanya lahat lahat. At kung maaari, gusto ko ring malaman kung sino iyong bagong minamahal niya.
Kahit ang sakit sakit sa akin, wala naman akong ibang choice kung hindi tanggapin 'yon.
Lumabas ako ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Lance sa kwarto niya. Mula nang umuwi ako dito, hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan dahil unang uwi ko palang ay pinakitaan na niya ako ng cold treatment niya.
Nag-aalangan pa akong kumatok. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano 'to gagawin but I have to.
"What are you doing here?"
I gulped when I see Lance standing beside me.
"C-Can we talk?"
"Get inside." Sabi niya saka binuksan ang pinto ng kwarto niya. Nauna na siyang pumasok. Mukhang kakauwi lang niya. Did he sleep at his woman's place?
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto niya saka isinara ang pinto.
Itong kwartong 'to... narito lahat ng masasayang memories namin ni Lance.
Damn myself. Naramdaman ko na naman iyong panggigilid ng luha ko.
Umupo ako sa couch habang hinihintay si Lance. Dumiretso kasi siya ng bathroom. Nilibot ko iyong tingin ko sa buong kwarto. Walang nabago. Iyon na 'yon pa rin.
Napatingin ako sa gawi ni Lance nang lumabas siya mula sa walk-in closet niya. He's now wearing his shorts and sando. Kumuha siya sa mini ref niya ng beer in can saka siya umupo dito sa couch.
"What do you want to talk about?" Cold na tanong niya.
I cleared my throat bago sumagot. "A-About us."
"What about us?"
Hindi ako tumitingin masyado sa mga mata ni Lance na kaharap ko lang.
"Babe..." How I missed this endearment. Mahal na mahal ko si Lance, sobra. Miss na miss ko na siya.
"Huwag na h'wag mo na akong tatawaging ganyan." Cold na sabi niya.
I just want to say it for the last time. "Okay..."
"May sasabihin ka pa ba? Dahil kung wala na, pwede ka ng umali—"
"Meron pa, Lance. Meron pa." Awat ko sa kanya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob kanina para rito.
Pinipigilan ko na nga ang pagtulo ng luha ko. I need to stay strong.
"Go on, hangga't nasa mood pa akong makinig."
"Lance. Six months ago..."
"Ayokong pag-usapan 'yan." agad na sabi niya.
"Please. Please Lance, hayaan mo akong magpaliwang. Kahit ngayon lang." Pagmamakaawa ko.
"Fine."
"Lance, ayokong iwan ka noon. Ayoko, kasi mahal na mahal kita at nangako ako na hindi ako bibitaw. Pero nilagay nila ako sa gipit na sitwasyon. They gave me choices. Kapag hindi ako umalis papuntang Japan, sisirain nila ang kompanya niyo. Sasaktan ka nila. Hindi sila titigil hanggang hindi kayo mapabagsak. A-Ayokong mangyari 'yon nang dahil sa akin. Ayoko..."
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
