Chapter 7

490K 6.5K 1.8K
                                        

Lance POV

KAGABI, nang mag-usap kami ni Yumiko, she told me that she really loves but I am still mad at her. Hindi niya alam kung gaano kasakit iyong pinaramdam niya sa akin noong iniwan niya ako.

Galit ako kagabi, oo. Pero at the same time nasasaktan ako na makita siyang ganon. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Fuck.

Naniwala naman ako sa kanya kagabi, naniwala ako sa mga sinabi nya, galit palang ako kaya ayoko munang ipakita sa kanya na naniwala ako. Hindi ko pa siya ganoon napapatawad.

Pero tangina. Narito ako sa isang italian restaurant at nakita kong hinila nang lalaking ume-epal si Yumiko palabas.

Itong babaeng kasama ko, nakilala ko lang sa bar. I asked her out dahil nakita kong umalis sa mansion si Yumiko kanina. Nakakabadtrip lang dahil ayos na ayos siya. Masyado siyang maganda ngayon at mukhang masaya kanina nang nakita ko kaya naisipan kong sundan siya. Isinama ko si Cassandra hindi para pagselosin si Yumiko kung hindi para mayroon akong dahilan para pumasok rin sa restaurant na 'to. Fuck.

Iyong lalaking iyon, sino ba siya sa akala niya? Tangina niya. Anong karapatan niyang makipag-date kay Yumiko?

"Hey, are you okay?" Tanong ni Cassandra.

"I have to go." Sabi ko.

"Pero hindi pa tayo nagsisi—"

"I said, I have to go." naglapag ako ng pera sa mesa. "Thanks for this day." Sabi ko saka iniwan na siya sa restaurant.

Kailangan kong masundan si Yumiko. Saan ba pumunta 'yon. Tangina. If she knew that I cried last night after we talked... Parang hindi ko matanggap na pinapalaya na niya ako. Naniwala siya na may mahal na akong iba. Tangina, kasalnan ko rin naman.

Paglabas ko ng restaurant ay napansin ko agad ang kotseng nakaparada sa tapat, nakababa ang bintana ng kotse at nakita ko ang lalaking kasama ni Yumiko.

Dumako ang tingin niya sakin kaya bumaba siya ng kotse saka sumandal doon. Lumapit ako sa kanya.

"Si Yumiko."

Ngumisi sya. "Tinatanong mo ako kung nasaan si Yumiko? You're making me laugh, dude. Ang pagkakaalam ko, tinataboy mo siya tapos ngayon hahanapin mo? Sira ulo ka ba?"

Ginagalit ako ng tanginang lalaking 'to. Hinigit ko siya sa damit niya. "Huwag na huwag mo akong kakalabanin dahil baka mapatay kita. Nasaan si Yumiko?!" Sigaw ko.

"Umalis na. May dala naman siyang sasakyan. Ang sabi niya sa akin, gusto niyang mapag-isa. Kaya hinayaan ko muna siya kahit sa totoo lang, ayaw na ayaw ko siyang hinahayaan dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Kung alam mo lang kung gaano siya nasasaktan sa treatment mo sa kanya."

Huminahon ako saka siya binitawan.

"Hindi pa kami ganoon katagal magkakilala ni Yumiko pero handa akong protektahan siya mula sa mga taong nananakit sa kanya. At ikaw iyon. Alam mo bang pinipilit niyang ngumiti kahit nasasaktan na siya?! Pinipilit niyang okay lang siya kahit hindi na niya kaya ang sakit?! Galit ako sa iyo dahil sa ginagawa mo kay Yumiko pero ikaw ang kailangan niya. Mahal na mahal ka ni Yumiko. And I fucking hate that."

Fuck.

"Saan siya nagpunta?" Tanong ko.

Gusto ko siyang sundan. Gusto siyang kausapin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang makasama ulit. Gusto kong iparamdam ulit sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Wala siyang sinabi. Basta hayaan ko lang daw muna siya."

Damn it! Nagsisi ako bigla. Hindi ko na kayang magpanggap na walang pakialam sa kanya. Ayoko nang magalit sa kanya. Ayoko na. Tangina.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon