Chapter 1

596K 7.5K 959
                                        

After six months..

Philippines

Lance POV

Fuck. Lasing na naman ako. Ilang buwan na akong palaging lasing. Ginawa ko nang bahay ang bar ni Ken.

"Tama na yan Lance." Sabi ni Luke.

"Oo nga, tama na. Parang napapabayaan mo na sarili mo, brad." Sabi ni Ken.

"Kayo kaya ang iwan ng taong mahal na mahal niyo? Ha?" bulyaw ko sa kanila.

Yumiko Hayashi—ang babaeng mahal na mahal ko, noon.

Dahil ngayon, galit at hinanakit na ang nararamdaman ko para sa kanya. Pagkatapos niyang sabihing hindi niya ako minahal? Fuck! Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko noon. She's my life. She's my everything. Pero ginago niya ako. Hindi ko siya mapapatawad. Hinding-hindi.

"Hi,honey."

Damn. Tuwing narito ako sa bar, iba't ibang babae ang lumalapit sa akin. At oo, hinahayaan ko silang landiin ako pero hanggang doon lang iyon. Kailanman, hindi ko sila  ikinama. Hindi ako ganoong lalaki lalo na't may babaeng nagmamay-ari ng puso ko.

Hindi na ako sumagot. Umupo sa kandungan ko ang babae saka ako hinalik-halikan sa bandang leeg ko.

I like their companies. Nag-e-enjoy lang ako para kahit papaano ay hindi ko maisip iyong sakit na ginawa sa akin ni Yumiko.

Mahal na mahal ko siya pero hindi ko siya kayang patawarin.

"Hey. Stop that." Suway ni James—kapatid ko. Kakarating niya lang dito sa bar.

As usual, narito siya para sunduin ako. Mula nang umalis si Yumiko, sa mansion na tumira si James para mabantayan ako.

"Lagi mo nalang akong pinipigilan landiin si Lance. Hindi naman siya nagrereklamo." reklamo ng babaeng nasa kandungan ko.

"Basta tigilan mo na 'yan si Bro. Lasing na 'yan."

My brother acted as if he's my girlfriend. Damn it, para akong batang binabantayan niya nag bawat kilos. He even come here at the bar to fetch me up.

Hinalikan ako ng babae. Hinayaan ko lang sya. "Got to go. See you around honey." Sabi nya saka ako kinindatan pagka-alis sa kandungan ko.

"Tara na, Bro."

"Tama 'yan James. I-uwi mo na 'yang si Lance. Lasing na naman 'yan. Try mo ngang ikulong minsan. Araw araw nang nag-iinom." Sabi ni Oliver.

"Fuck you!" mura ko.

"I love you, too." Sagot ni Oliver.

Nagtawanan ang ibang kaibigan ko. P'wes ako, hindi natatawa.

Tumayo na ako. Para namang makakatanggi ako kay James. Alam kong hindi ako titigilan ng kapatid kong 'yan hanggat hindi ako sumasama pauwi.

Inalalayan niya ako. "Alis na ako mga, Brad."

"Sige lang!" sagot nila.

Nakarating kami sa parking area saka sumakay sa kotse ko. Taxi lang ang sinasakyan ni James kapag susunduin ako dito sa bar dahil alam niyang may dala akong kotse. Siya na ang nagmaneho.

Nang makasakay na kami ng kotse ay nagsimulang magmaneho si James.

"Bro."

Sumandal ako sa upuan dahil may hilo akong nararamdaman. 

"Hm?" Hindi na ako tumingin sa kanya.

"Si Yumi..."

Fuck. Tuwing maririnig ko ang pangalan niya, bumibilis ang kabog ng dibdib ko. "Ayoko nang makarinig ng tungkol sa kanya." Sabi ko.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon