Japan
Yumiko POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lance, wala akong nagawa kung hindi umiyak. Time and space lang naman eh, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na sya mahal. Mahal na mahal ko si Lance.
"Babe.."
Dug, dug..
Dug, dug..
Si Lance. Pero 'diba umalis na sya? Lumingon ako sa may pinto.
O_O
Sh*t. May tumutulong dugo sa may braso nya. Tumayo ako at tumakbo kay Lance. "What happen?" Natatarantang tanong ko.
"I don't know pero fvck, ang sakit." Sabi nya.
Napano 'to. "Samahan na kita sa ospital." Sabi ko. Inagaw ko sa kanya yung traveling bag nya at ipinatong muna sa couch. Paano sya uuwi ng Pilipinas ng ganito ang lagay nya?
"No. No babe. Dito nalang. Ako na ang gagamot. Pahiram nalang ng medicine kit." Sabi nya. Kitang-kita sa mukha nya na nasasaktan sya sa sugat nya. Napa'no ba kasi siya.
"Okay. Ako na ang gagamot. Sit down." Utos ko. Umupo naman sya sa kama ko. Pumunta akong banyo para kunin yung medicine kit na nakasabit dun.
"Hubarin mo yung damit mo." Sabi ko paglapit ko kay Lance. Hinubad naman nya agad yung damit nya. At sh*t. Nakita ko sa taas ng braso nya may hiwa.
"Saan 'to nahiwa?" Tanong ko.
"Ewan ko babe. Nasabit yata dyan sa may labas." Sagot nya.
Sh*t. Nagdudugo talaga. Buti kumpleto ako ng gamit sa medicine kit. Inunang kong punasan ng basang towel yung braso nyang may dugo tapos sinimulan kong dampian ang sugat nya ng bulak na may betadine. "Take care of yourself.." Sabi ko habang ginagamot ang sugat nya.
"I don't know. I can't take care myself without you."
</3
"H-Hindi sa'kin naka-depende ang kaligtasan mo. You should be careful. Tingnan mo ang nangyari.."
Natawa sya ng kaunti. "Sa'yo. Dahil iniingatan ko lang naman ang sarili ko para sa'yo. Para 'di ka mag-alala sa'kin."
</3
Please Lance 'wag kang ganyan. "M-Masakit ba?" Tanong ko. Iniba ko na ang topic.
"Alin? Yung puso ko o yung sugat ko? Honestly, mas masakit pa rin yung puso ko kumpara sa sugat na yan."
T_T
Sh*t. Bakit ka ganito Lance? "Everything happens for a reason." Sabi ko. Oo masakit ang puso nya, pero 'diba dahil din naman yun sa ginawa nya? Bakit? Ako ba hindi nasasaktan? Mas nasasaktan ako dahil kailangan ko syang i-let go kahit mahal na mahal ko siya. Hindi yun gan'on kadali.
"Yeah. Maybe? Basta babe, hindi kita igi-give-up. Hihintayin kita."
Hindi igi-give-up? Kahit ako mismo, nag-give-up na? "W-Why..?"
"Dahil sabi nila, never give up on someone that you can't go a day without thinking about."
Psh. Ayoko ng sumagot sa kanya. Aish. Bakit ba tagos sa puso ko lahat ng sinasabi nya?
"Aww!"
O_O
Napadiin pala pagdampi ko nung bulak. "S-Sorry.."
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
