Chapter 39 ∞ Confidential

297K 4.6K 1K
                                    

Yumiko POV

I'm here alone at the park. Dito ako nagpahatid sa taxi. Saan ba'ko pupunta? I don't know. Si Lance, sya lang naman ang kailangan ko.

Paano kung 'di naman talaga ako buntis? Paano kung nagkamali lang naman 'yung doctor? Kasi dun sa Japan, negative 'yung result eh. Hay naguguluhan na'ko. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari 'yun at bakit nangyayari 'to. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko.

I dialled James's number. Good thing at sinagot nya agad 'yun dahil nakakaramdam na'ko ng pagka-hilo.

[Yumi?]

 

"Sunduin mo'ko dito sa park please.." Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nangyayari 'to. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat pero hindi eh, ramdam na ramdam ko 'yung sakit.

[May nangyari ba?]

 

"Basta sunduin mo nalang ako.." Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

[Okay. I'm coming. Wait for me.]

*toot toot*

Pinatay ko na ang tawag. Si James, lagi syang andyan para sa'kin. Isang tawag ko lang. Andyan agad. Kahit papaano may nagpapahalaga pa pala sa'kin. Pero ang sakit pa din eh. Si Lance lang ang kailangan ko para mawala ang lahat ng sakit sa dibdib ko.

Patuloy akong umiyak. Hanggang sa maramdaman ko na parang..

BLANK.

-

James POV

Kaka-park ko lang ng kotse ko. Bumaba agad ako para puntahan si Yumiko. Ano kayang problema na naman nila ni Bro? Umiiyak siya kanina nung tumawag eh. Malakas ang pakiramdam ko na nag-away sila ni Lance. Ay nako si Bro talaga, di na nagbago.

Nilibot ko ang tingin ko sa park nang mapansin ko ang babaeng nakahiga sa isa sa bench sa di-kalayuan. Inaninang ko 'yun at literal na nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino 'yun.

Sh*t. "YUMI!" Sigaw ko saka tumakbo palapit sa kanya. Sh*t. Wala syang malay. Dala nya ang maleta nya? Ibig sabihin umalis sya sa mansyon? Damn. Kelangan ko siyang dalhin sa hospital.

Kinarga ko agad sya papunta sa kotse ko bago ko isinunod ang maleta niya. Pinulot ko pa 'yung phone niya na mukhang nalaglag. Buti pala nakarating agad ako dito. Dahil kung hindi, posibleng may mga loko dyan na pagsamantalahan sya. Langya naman kasi si Bro. Ano na naman bang pinag-awayan nila? Kaka-engage lang nila ah. Tch.

--

St. Lukes Hospital

Fvck. Kakatapos lang i-check-up si Yumi. Hinihintay ko nalang syang magising. Andito sya sa isang kwarto. Hindi imposible 'yung nalaman ko mula sa doctor na kalagayan ni Yumi pero bakit sila nag-away ni Bro? 'Diba dapat matuwa sila? Di'ko ma-gets. Kelangan kong malaman ang nangyari.

"L-Lance.."

Napatayo agad ako nang marinig ko ang boses ni Yumi. Nagising na siya. "Yumi."

"J-James.."

"Bakit 'di mo sinabi? Tch. 'Lika na. Sa condo ko ka muna mag-stay. I-kwento mo sa'kin ang nangyari." Sabi ko saka sya niyakap nang makita kong magsisimula na naman siyang umiyak. "Everything will be alright."

--

Yumiko POV

"Okay. I will keep that. Don't worry." Sabi ni James sa'kin.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon