Chapter 8

492K 5.9K 1.5K
                                        

Yumiko POV

SA HALIP na matuwa ako, nainis lang ako. 

"Sinong nakiusap sa iyo para gawin 'to?" Cold kong tanong kay Lance.

Hindi niya ako mahal. May mahal na siyang iba. Tapos ngayon na na-aksidente ako, babalik siya sa dati at magiging maayos ang pakikitungo sa akin.

"Walang nag-utos sa akin."

"Then why, Lance? Bakit ka narito? Bakit bigla mong sasabihin ang ganyan, na kesyo babawiin mo na 'ko? Dahil ba na-aksidente ako? Naaawa ka sa akin?"

"No, hindi."

"Hindi ko kailangan ng awa mo, Lance. Umalis ka na. Hindi naman na kita guguluhin 'di ba? Sinabi ko na 'yon kagabi. Nangako ako..."

"No, babe. Please let me explain."

"Anong ie-explain mo? Na naaawa ka sa akin kaya babalikan mo ako? Kaya bigla mo akong tatawagin ulit na 'babe' na sa pagkakaalam ko ay pinagbawal mo sa aking itawag sa iyo 'yon kagabi? Lance, alam mo? Hindi ko kailangan ng awa mo. Tinatanggap ko na unti-unti na hindi mo na ako mahal, na may mahal ka nang iba kaya sana umalis ka na. Umalis ka na, Lance."

"Hindi ako aalis dito. Mahal na mahal kita Yumiko."

Bakit siya ganito? Hindi ko naman siya kayang tiisin pero naiinis ako. Bakit biglang ganito siya? Ayoko munang magpadala sa kanya. 

"Lance, please umalis ka na."

"Hindi ako aalis dito." Pagmamatigas nya.

"Ano bang nakain mo, Lance ha? Sinabi ko na, huwag mo akong kaawaan! Kakayanin ko naman na kalimutan ka, e! Just give me time. Kaya sana huwag ka nang magpakita sa akin! Dahil ako, hinding-hindi na ako magpapa—"

He kissed me. After 6 months, ngayon ko lang ulit naramdaman iyong totoong halik ni Lance. Hindi ko magawang magalit. Hindi ko siya magawang itulak. 

Tumugon na ako. Tumugon na ako sa halik niya. Bakit ganito? Tina-traydor ako ng sarili ko? Nagmamatigas na ako pero bakit isang halik niya lang, kuha niya agad ako?

"I really love you, babe." Sabi niya pagkatapos niya akong halikan.

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to? Hindi ko din alam, baka panaginip lang 'to.

Umiiyak pa din ako. "Umalis ka na..."

"Hindi ako aalis. Babantayan kita. Masakit ba 'yong binti mo?"

Ayoko munang narito si Lance. Alam kong ginagawa nya 'to dahil naaawa lang sya sakin. "Hindi. Hindi masakit. Okay na ako kaya umalis ka na." Cold ko pa ring sabi pagkatapos ko siyang hayaang halikan ako.

Hindi ko kayang agad-agad ay maniwala sa sinasabi nya ngayon. Ayokong umasa. Kanina lamang ay kasama niya sa restaurant ang babaeng mahal niya. Paano niya nagagawang magpanggap ngayon? Sigurado akong nakiusap sa kaniya si James na magign maayos ang pakikitungo sa akin.

"Babe..."

"Stop it, Lance!" Sigaw ko. May paghihinakit sa boses ko. Umiiyak na naman ako. "K-Kung sino mang nakiusap sayo na gawin 'to, hindi mo sya kailangang sundin. Hindi mo kailangang mag-pretend na mahal mo ako Lance dahil nag-desisyon na 'ko! I will give up on you! Sinabi ko 'yon kagabi 'di ba?"

"No. Please. Don't give up on me." Sabi nya saka hinawakan ang kamay ko.

Bumitaw ako sa kamay nya. "Napatunayan ko na kagabi na hindi mo na 'ko mahal Lance. Nagmakaawa na ako sa 'yo. Lumuhod pa nga ako e, hindi ba? Pero walang nangyari. Sinabi ko na sa 'yo, kahit hindi mo na ako mahal, okay lang sa 'kin basta d'yan lang ako sa tabi mo, basta ikaw pa rin ang fiance ko pero binalewala mo ako, tinaboy mo 'ko, ayaw mo na sa 'kin. Hindi mo na ako mahal. May mahal ka nang iba. Umalis ka na." Napahagulhol nalang ako. Sobrang sakit 'pag naaalala ko iyong kagabi na nag-usap kami sa kwarto nya.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon