Yumiko POV
Kakauwi ko lang dito sa mansyon. Maaga akong umalis kanina para bumili ng ticket papuntang Japan. Sad to say, bukas pa ang schedule ng flight ko. Bukas ng umaga.
Si Lance, di nya ako pinupuntahan dito sa kwarto ko. Ano pa bang aasahan ko? Ayaw na nya nga akong makita di ba? Gusto na nya akong mawala.
Masakit. Mahirap tanggapin na akala ko magiging okay na kami. Akala ko, magiging masaya na kami. Pinag-uusapan na nga namin yung tungkol sa pagbuo ng pamilya eh.
Labag sa loob ko ang gagawin kong pag-alis ko pero kailangan eh. Napapagod din akong ipagsiksikan ang sarili ko kay Lance.
"Yumi!"
Napatingin ako sa pinto nang biglang pumasok si bubwit. "W-Why?" Pinahid ko agad yung luha ko.
"What happen? I ask Reid kung nasaan ka. But he answered me that you're gonna leave this house na. Why? What happen?"
I sigh before answering her. "Gusto na nyang umalis ako sa buhay nya.."
"What? That Reid. I will make sabunot him talaga! He's so nakakainis! Arrghh! Yumi don't go please? Make palamig nalang muna the ulo of Reid."
Umiling ako. "Ginawa ko na lahat. Nagmakaawa na'ko sa kanya. Ayaw na nya sa'kin. Napapagod na'ko Fancy. Pagod na pagod na'kong masaktan. Ngayon ko mas na-realize na, kahit pala mahal na mahal ko si Lance, dadating din sa puntong ganito, yung mapapagod na'ko."
This time. I saw Fancy crying. "Don't make paniwala kasi kay Reid. I'm sure he doesn't want you to go. He loves you Yumi. Don't make him iwan."
"Kahit ayoko syang iwan.." I paused for a while. "Siya na mismo ang nagtutulak sa'kin na iwan sya." I burst out crying. Ang sakit sakit. Akala ko tapos na yung pag-iyak ko magdamag kagabi. Hindi pa din pala. Ang sakit sakit. Sh*t.
"Yumi.. I know Reid is always making you iyak. But I'm begging you, don't leave him. Don't leave us.."
"I don't want but I have to. I'm sorry."
Lalo syang umiyak. "Yumi naman eh! Please naman! Don't make him iwan.."
"Ssh. Stop crying okay? I will miss you bubwit. Kailangan natin tanggapin na hindi kami ni Lance ang para sa isa't isa." Oo, pinipilit kong tanggapin na wala na. Wala na kami ni Lance. Wala ng pag-asa pa.
"No. I know you're destined with each other.."
Niyakap ko si Fancy saka inalo. Ako, patuloy pa din sa pag-iyak. "Stop crying.."
"Nakakainis! I'm so galit na talaga to reid. It's his fault! Because of his pride! Arrghhh! GRRRR sya! Yumi, please call me often when you're there na sa Japan."
"I will." Sabi ko. "Hm, sige na fancy. Gusto ko sanang magpahinga."
"Okay. I will make usap din si Reid. I know he will make you pigil." Tumayo na sya.
Hindi na'ko sumagot sa sinabi nya hanggang sa makalabas sya ng pinto. Naiyak na naman ako. Sh*t na luha kasi 'to.
Sobrang sakit na pakawalan ang taong minahal ko ng buong-buo. Alam kong wala na akong magagawa. Wala na. This is the end. This is really the END.
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014