Yumiko POV
PAGKATAPOS ng paninigaw ko kay Lance dahil sa pagiging pervert niya, sumuko din ako. I let him stay here in my room. Matutulog kami ng magkatabi for Pete's sake.
Pesteng magic word na 'yan. Lagi na lang bukambibig.
Steady lang ang pagkakahiga ko dahil sa injured kong binti. Nakapatong iyon sa malambot at malaking unan. Ang sakit kasi 'pag nagagalaw. Sana naman gumaling din 'to agad. Ang hirap ng hindi nakakapaglakad.
"Babe..."
Para akong kinikilabutan kapag tinatawag akong 'babe' ni Lance. Hindi na kasi ako sanay. Hindi pa din ako makapaniwala na ngayon, nagiging sweet na ulit siya sa akin tapos ang bait niya pa. Parang noong mga nakaraang araw lang, tinataboy niya ako.
"Tulog na ko."
"Paano ka nakapagsalita kung tulog ka na? Tch."
I just rolled my eyes.
"I'm sorry," he said in his low tone voice. "I'm sorry for being such a jerk. For hurting you, for pushing you away from me. I'm really sorry. Umaasa ako na maibabalik pa natin iyong dati."
Nanubig ang mga mata ko. Bakit ganito si Lance. Bakit ba siya ganito?
"You love someone else." sabi ko habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
"How many times do I need to tell you that you're still the one I love. Ikaw lang, noon pa."
"Sinabi mo 'yon sa harap nina Papa no'ng tinanggihan mo iyong arranged marriage." Sabi ko. Hindi ako tumitingin sa gawi niya sa tabi ko.
Kusa nang tumutulo ang luha ko. Everytime we tried to talk like this, nasasaktan talaga ako.
"Sinabi ko lang iyon dahil galit ako sa'yo. Dahil sa pang-iiwan mo sa akin six months ago." Seryoso niyang sabi.
"It's not a valid reason, Lance. Kahit galit ka sa akin, you shouldn't told me that you love someone else dahil may mga instances na baka maniwala ako, na baka 'yon ang tumatak sa isip ko. Katulad ngayon, paulit-ulit na nagpa-flash sa isip ko kung paano mo sinabi na may mahal ka nang iba. Sobra akong nasaktan, Lance. That's why I decided to give up on you."
"And that's why I am asking for your forgiveness. It's my fault. I know. Lagi kong pinapagana iyong galit ko. Hindi ko iniisip 'yong mararamdaman mo. I'm really sorry, babe. Please forgive me?" Sabi niya saka tumagilid na sa 'kin.
He reached my hands. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Please babe. Ibalik natin 'yong dati. I want us to be okay."
"I don't think I can do that. Masyado na 'kong nasaktan. Madali sa akin na kausapin ka, pansinin ka, pero ang patawarin ka? Hindi ko alam, Lance. Hindi ganoon kadaling magpatawad." I said while my tears are falling.
"I understand. Kaya kong maghintay hanggang mapatawad mo ako. But please, hayaan mo lang ako dito sa tabi mo. Let me take care of you. Let me stay beside you."
"I don't think so." Sabi ko saka huminga ng malalim. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko nang mabawi ko ang kamay ko mula kay Lance. "I want to sleep."
Actually, hindi naman ako ina-antok. Hindi ko nga alam kung makakatulog ako ngayon dahil katabi ko si Lance.
"Okay, let's sleep." Sabi niya saka ako hinalikan sa labi.
Napakislot ako sa halik niyang iyon pero huli na para magreklamo.
"Goodnight, babe. I love you." Sabi ni Lance.
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romansa│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
