Chapter 15

429K 5.4K 497
                                        

Yumiko POV

NAHIYA ako bigla kaya napatakbo ako sa taas. Kung anu ano kasi ang sinasabi ni Lance. He's such a pervert.

My phone rang. I checked it.

"Hello?"

"Come back here. I'll give you one minute. Kapag wala ka pa rito, sisimulan na nating gumawa ng triplets."

Hindi na ako sumagot. Pinatay ko ang tawag at nagmadaling bumaba ng hagdan para bumalik sa salas kung saan ko iniwan si Lance.

Pagdating ko ro'n, naabutan ko si Lance na prenteng nakaupo sa sofa at kakaiba ang ngiti sa 'kin.

I pouted my lips as I walked towards him. Umupo sa tabi niya.

"Bakit bigla kang tumakbo?" Tanong niya.

"Ikaw kasi... kung anu-ano ang sinasabi mo. Ang pervert mo." Sabi ko.

"Tch. Anong pervert do'n?"

"S-Sabi mo kas—" 

"Araw-arawin? What's wrong with that?"

Hindi ba siya naiilang sa sinasabi niya? Ako 'tong nahihiya. Ang awkward kaya!

"Ano ka ba, babe? Araw-arawin? Are you serious?" Hindi ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari?

"Tch. I'm damn serious, babe."

What the hell? Kailangan ko na yatang palagyan ng sampung lock ang pinto ng kwarto ko.

"B-Babe..."

"Oh?"

"Huwag naman araw-araw." Sabi ko. Like hello, baka malosyang ako n'on.

"Tch. Okay. Every other day."

Tumawad pa! "Babe naman, e. Once a month."

"Tch. No."

"Babe! Six months nga ako sa Japan, e. Ibig sabihin ba..." Sinadya kong bitinin ang sasabihin ko. Parang ayoko kasing isipin na ginawa 'yon ni Lance sa kung sinu-sinong babae.

"Kung ano man ang iniisip mo, fuck that. Sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, wala na 'kong pakialam kung matigang man ako."

How sweet. "Iyon naman pala. E 'di kaya mo din 'yon tiisin ngayon."

"No. Kasama kita dito sa mansyon. Akala mo ba, madaling magpigil tuwing gabing magkatabi tayong matulog? Tch. Lalaki ako, babe. I have my own needs."

Bakit ba kasi napunta kami sa ganitong usapan? "Fine, babe. Twice a month."

"No. Thrice a week."

"Babe naman! Twice a week."

"No. That's final. Thrice a week. Okay?" He said before kissing me on the lips.

So kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko? Thrice a week!? OMG. Kinailangan ko pa talagang makipagtawaran sa kaniya like, hell, can we just do it when we feel like doing it?

"Enough with this kung ayaw mong gawin kong araw-araw."

"No, you can't do it, babe. Pagod ka sa trabaho, papasok ka pa sa school minsan. Kahit once a week nalang." Baka magbago pa ang isip nya. Hoho!

"I can manage, babe." he smirked at me.

"No babe. You can't. Mahirap 'yon. Mas mabuti kung magpapahinga ka na lang pag-uwi mo 'di ba?" I gave him a sweet smile.

"I said, I can manage. Okay lang na mapagod ako basta ikaw ang dahilan." Nag-smirk pa sya bago kumain ng brownies.

What the hell. 

"Problem, babe?"

"Wala." Sagot ko.

"Sino nga pala ang gusto mong mapaglihiian, babe?"

"Si Katniss, babe. Yan oh. Iyong bida. Si Katniss Everdeen. I really like her eyes." I just like the color of her eyes.

"Sige, babe. Papupuntahin ko sya dito sa mansyon 'pag naglilihi ka na para araw-araw mo siyang makita."

"Babe, naman. Hollywood actress sya. Hindi mo siya basta basta pwedeng mapapunta rito 'no!"

He pinched my cheeks. "Gagawin ko lahat para sa 'yo."

"Gusto mo, ikaw nalang ang paglihiian ko, babe?" Nakangiting tanong ko.

"Hm, yeah, better. Sige babe. Ako na lang."

"Pero h'wag na pala. Baka maging masungit ang anak natin." Natatawang sabi ko.

"Tch. Gwapo naman."

"Oo na. Gwapo ka na."

"Bakit, hindi ba babe? Swerte mo, gwapo ang asawa mo. Si Enrique? Damn, kuko ko lang sa paa 'yon. Si Trigger? Ingrown ko lang 'yon sa kuko."

Tindi magbuhat ng sariling banko. "Oo na lang."

Inilapit ni Lance ang mukha niya sa mukha ko. Kaunti na lamang ay magdidikit na ang mga labi namin. "Look at me, babe."

Hindi ako makagalaw. Na-estatwa ako habang nakatitig kay Lance. "W-Why...?"

"Look at me and you'll see your future husband."

Kahit gaano talaga kasungit si Lance, may sweet side pa rin siya. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na iyon naituloy dahil himalikan niya na ako.

"Yaaaaaaa! So PDA!"

Kusa kaming naglayo ni Lance nang marinig ang boses na iyon ni Fancy.

"Istorbo ka. Umakyat ka na sa kwarto mo!" Sigaw ni Lance.

"Whatever,Reid! You're so nakakainis na! Yumi, go to Trigger na nga!"

"You, little witch!"

Gawain na talaga ni Fancy na asarin si Lance. Si Lance naman, ang daling ma-inis.

"Huwag ka ngang masungit, babe." Sabi ko.

"Tch." Nakasimangot pa rin siya.

"Babe..."

Tumingin lang siya sa akin. Nakakunot ang mukha niya. 

I leaned in and kissed him. "I love you."

His lips suddenly curved into a wide smile. "I love you too, babe. Shall we make a baby?"

"Babe naman!"

"I want it now." Seryosong sabi niya.

"No."

"Fine. Basta thrice a week."

Pinaalala pa talaga. "Oo nalang. As If I have a choice?"

He laughed. "You look tense babe. Para namang hindi pa natin nagagawa ang bagay na iyon."

"Ang wild mo pa nga nu—"

"Lance Abellano!!!!" suway ko sa kaniya.

Tumawa siya ng malakas. Gustung-gusto talaga na naaasar ako.

"What's the matter, babe?"

"Tigilan mo nga 'yan saka huwag na nga nating pag-usapan 'yan."

"But babe, I really want to have a baby."

"You must be kidding me."

"No, I'm not, babe. Do you want me to show you just how much I want to have a baby?"

"What are you saying?" I asked.

"We'll make love."

Hindi na ako sumagot sa halip ay tinilian ko siya. 

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon