Yumiko POV
NARITO kami sa mall ni Lance. Bigla na lang siya nagyaya sa mall.
Hating hati rin kasi ang oras niya. Bukod sa nag-aaral pa siya, sinimulan na ring i-training siya sa company nila. Ako naman, parang hindi ko pa feel pumasok ulit. Almost two weeks na ang nakaraan at magaling na din ang binti ko. Nakakalakad na ulit ako ng maayos.
For the past few days, wala namang kakaibang nangyari, si Lance busy na rin talaga sa kompanya nila. Sweet na siya lagi at doon pa din siya natutulog sa kwarto ko.
"Babe, saan mo gustong kumain?" Tanong ni Lance.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad dito sa mall. Ilang babae na rin ang nakasalubong namin na hindi maiwasang tumingin kay Lance. Sa gwapo ba naman ng soon to be husband ko.
"Anywhere." Sagot ko.
"Sige. Mag-CR lang ako sandali tapos kain na tayo. Hintayin mo ako dito." Paalam ni Lance.
Tumango ako bilang sagot. Naiwan ako dito sa may labas ng papuntang CR. Nakatayo lang ako.
Maya-maya ay may lumapit na dalawang lalaki sa'kin.
"Hi Miss. Nag-iisa ka? Tara, join ka sa'min." Sabi nung isa.
"Oo nga Miss. Siguradong mag-e-enjoy ka." Segunda ng isa.
Psh. Mataray ako baka nakakalimutan nyo? "Stop talking to me." Sabi ko.
"Aba, spokening english pala 'to brad. Ayos 'to!" Sabi nung isa.
Poor people. Spokening? WTF. Inirapan ko nalang sila.
"Pakipot pa si Miss oh. Ang ganda mo pa naman."
"Go away." Mapanganib na sabi ko. Malapit na'ko mapuno sa mga 'to.
"Ano ka ba Miss. Sumama ka na kasi sa'min."
Hinawakan nya ako sa braso. Damn. Hawakan na nya ang lahat, wag lang ako.
"Do--"
Handa pa naman sana akong sipain sa 'precious one' itong lalaki na'to pero wala, naunahan nako. Sino paba?
"Hindi ko pinapadapuan sa lamok ang asawa ko tapos ikaw na kutong lupa hahawak sa kanya? Sawa ka na ba sa buhay mo!?" Sigaw ni Lance.
Syempre, mawawala ba naman ang famous line nya?
"Sorry po!" Sabi nung lalaki. Patakbo na sila.
"Tch. Duwag pala." Sabi ni Lance saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ikaw.."
Kumunot noo ko. "Ha?"
"Wag ka na nga masyadong magpapaganda 'pag lalabas tayo. Tch. Bwisit na mga yun. Lakas ng loob lumapit sa'yo. Ni wala pa sila sa kuko ko sa ka-gwapuhan."
Sige Lance. Magbuhat ng sariling bangko. "Oo nalang babe."
"Why? Totoo naman eh. Basta babe ha? Wag ka na masyado magpapaganda. Tch. Napapahamak ka eh. Ayoko ng hahawakan ka ng iba. Akin kalang. Pag-aari kita."
Possessive. Pero okay lang. Kinikilig naman ako 'pag ganyan si Lance. Kasi 'pag ganon, alam kong nagseselos sya.
Hinawakan na nya ang kamay ko saka kami naglakad na papuntang kakainan namin.
"Yumi."
Napatitig ako bigla sa nakasalubong namin. Si Trigger. Two weeks na din kaming 'di nagkikita. Ayaw kasi ni Lance na dumalaw sya sa mansyon. Ewan ko ba, ang init init ng dugo nya kay Trigger. Wala namang ginagawang masama yung tao.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay kay Lance. Baka kasi biglang manuntok.
"T-Trigger.."
"Let's go babe." Sabi ni Lance.
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
