Yumiko POV
ANG sakit ng ulo ko. Mariin akong napapikit habang bahagyang sinasabunutan ang buhok ko. Naparami rin kasi ang inom ko kagabi. Wala naman akong napala, nasaktan lang din ako.
Tumingin ako sa digital clock sa side table. Ala-una na ng tanghali.
Dumako ang tingin ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Yumi!" Malakas na sigaw ni Fancy mula sa labas.
Bumangon na ako saka pinagbuksan ng pinto si bubwit. "Yes?"
"Your father is here. They are in the libray with Papa. So they made me utos na tawagin ka."
Narito na si Papa at Papa ni Lance? Agad-agad? Nakapag-usap na ba sila? Are they planning to...
Parang deja vu. Nangyari na 'to dati. Iyong pinatawag ako kay Fancy papunta sa library. Iyon ang time na pinutol nila iyong engagement sa pagitan namin ni Lance.
"Okay." Sagot ko saka isinara na ang pinto.
I did my morning routine ako saka nagpalit ako ng damit. Umupo ako saglit sa kama.
I could clearly remember what happened last night. Wala na talagang pakialam sa akin si Lance. I kissed him pero tinulak niya lang ako. Ganoon na ba niya ka-ayaw sa akin?.
Nasasaktan ako pero kasalanan ko rin naman. Sa ngayon, hindi ko siya susukuan kahit alam kong parang wala na siyang pagmamahal na naitra para sa akin dahil mahal na mahal ko siya. Ayokong mapunta sa wala ang sakripisyong ginawa ko. Mababawi ko siya—sana.
Tumayo na ako saka lumabas ng kwarto ko saka dumiretso ng library. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.
Si Papa, si Tito at si... Lance?
"Iha!" bati ni Mr. Abellano.
"Anak." Sinalubong ako ni Papa ng yakap. Ngumiti lang ako.
Nakipagbeso pa ako sa Papa ni Lance saka umupo sa tabi ni Papa. Ngayo'y magkakaharap kami.
"Siguro ay nagtataka kayo na ipatawag namin kayo dito." Panimula ng Papa ni Lance.
Tumango-tango lang ako. Napapatingin ako kay Lance. Nakikinig lang siya. Walang emosyon. Cold. Tahimik.
Ibang-iba na siya sa Lance na minahal ko.
"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, gusto naming malaman ninyo na i-a-arrange ulit kayo for the second time around. Alam naman namin na mahal niyo ang isa't is—"
"No."
Parang may tumusok sa puso ko sa pagtanggi ni Lance. Ipinako ni Papa sa akin na hahayaan niya akong magdecide kung sinong pakakalasan ko pero alam niya namang si Lance ang gusto kong pakasalanan kaya siguro naisip nilang ipagkasundo ulit kami.
"What do you mean, son?" Tanong ni Mr. Abellano.
Tumingin sa akin si Lance. Direkta sa mata. Walang emotions. "Hindi ba dati, nag-request naman si James na siya nalang ang ipakasal niyo kay Yumiko? Mas mabuti kung siya nalang ngayon. Huwag ako, 'Pa."
Ang puso ko... nadudurog.
"Pero iho, mahal ninyo an—"
"May iba na akong mahal. At kung maaari 'Pa, ayokong makasal sa babaeng hindi ko gugustuhin na makasama habang buhay."
I felt the trembling of my lips. Nanggigilid ang luha ko. May mahal na siyang iba? Kaya ba ganito ang treatment niya sa akin pati kagabi? Kaya ba wala na siyang pakialam sa akin?
BINABASA MO ANG
MY 2: The Vow (EDITING)
Romance│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
