Jacob's POV
Dahil nga sa sanib-pwersa naming lahat na pilitin si sir De Monio, este sir De Vera, napapayag namin syang wag munang mag-lecture ngayon. Pero ang kundisyon nya ay pumadito muna sa aming subdivision at para makabisado na rin ang lugar na ito.
"Teka, ano ba ito? Subdivision ba talaga ito o ito na ang Payatas? Duh! Bakit puno ng basura? Tapos ano itong mga ito? Basag na TV?" maarteng tanong ni Katie
"17 years na po kasing hindi nagagamit. Mula po kase nung nagsara ang cursed section, ipinasara na rin po itong subdivision." sagot ni mamang driver. Inutos rin kase kanina ni sir De Vera kay mamang driver na samahan muna kami dito pansamantala.
"Pagmamay-ari ng Mortem ito diba? Bakit hindi nila naisip na linisin o ipalinis ang lugar na ito? Para naman kahit papano magkaroon ng buhay kahit walang tao." sabi ulit ni Katie tsaka sumama na sa iba
"Tama, tsaka wala bang pulubi dito sa lungsod? Mayaman ba talaga lahat ng tao dito? Bakit wala man lang kahit isang pamilya ng pulubi ang nagtatangkang manirahan dito?" napakibit-balikat na lang yung driver sa sinabi ni Shane. Oo nga pala, si Shane.
"Hey Shane. Ayos ka lang ba? Sorry sa inasal nung guro namin kanina ha? Mukhang nabigla ka yata na bigla ka nyang pina-enroll dito sa Mortem." sabi ko na lang dahil paano ba naman itong si sir, naligaw lang naman si Shane pero inilista na agad nya sa record nya?
"Hindi ako masyadong okay. Pero tinitignan ko pa rin ang brighter side para hindi ako malungkot. Tumigil kase ako ng pag-aaral at mas ginusto kong mag-travel. Blessings na rin siguro ito dahil ito na ang sign na dapat kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral." ningitian ko na lang sya sa sagot nya. Buti pa ito, positibo sa buhay
"Diba ikaw ang president nila? Iiwan ko na sila sayo ah, may kailangan pa kase akong gawin. Bahala ka nang magpalinis dyan ha? Basta kung anuman ang kailangan nyo bukas lagi ang storage. Kompleto kami sa gamit." sabi nung driver at nagmadali nang umalis. Ako naman nagtungo na lang sa naka-assign na bahay sa akin at naabutan ko na nga ang housemates ko na nagkakagulo, lalo na itong si Tommy
"Roses are red, well that is true. But violets are violet, not fcuking blue. HAHAHAHA!!!" sigaw nya sabay tawa kahit hindi naman nakakatawa kaya binato ko sya ng unan na mula sa sofa
"*cough *cough ANO BA YAN!!! Anong akala mo sa akin? Childrens? Na kailangang pulbusan?" reklamo nya dahil puno nga ng alikabok yung unan na ibinato ko. Sobrang tagal na nga talaga at ang kapal na ng alikabok sa mga gamit. Punong-puno pa ng agiw ang kisame. Tas meron pang maitim na something na nakadikit sa sahig na mukhang dugo? Aba ewan ko! Kaya naman tinawag ko na yung iba para maglinis.
"Guys, maglinis na kayo dito sa bahay. Pupunta lang ako sa labas. Sa labas ako maglilinis ha? Behave!" sabi ko sa kanila
"Maka-behave ka naman! Ano tingin mo sa amin? Toddler?" sigaw ni Tommy. Tignan nyo ito, magkatabi na nga lang kami pero sinisigawan pa rin ako
"Yang utak mo kako! Pang-toddler. Basta kayo nang bahala dito ah!" sabi ko ulit
"Sure thing. Aakyat na ako para maglinis ng kwarto natin." pagpresenta ni Yanna
"Wag na idol! Ako na lang. Diba allergic ka sa kung anuman? Ako na lang." sabi naman ni Maria.
"Ookay..." medyo nag-aalangang sagot ni Yanna dahil sa nahihiya syang umoo.
"Sa labas na nga rin ako. Hindi para maglinis ah! Magpapahangin lang. Ang baho ng bahay nyo! Babalik na lang ako kapag malinis na." sabi ni Harley at lumabas na. Hindi ko na rin naman sya pinigilan. Hindi ko rin naman sya masisisi kung ayaw nya sa mabaho at madumi. Babae eh
"Ate Maria, ako na lang maglilinis dito sa ba ah! Ikaw na lang sa taas." sabi ni Ezekiel
"Ate? Sino? Ako? Kuya ako! Pero sure. Ikaw Tommy, samahan mo naman ako oh." sabi naman ni Maria
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
HorreurAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...