The Bunny Mascot

937 30 15
                                    

Author's Note:
Guys paalala lang, kung totoong tao ang mga na-encounter ninyo sa Baryo, dito mga kathang isip na lang. Mga imbento lang na mga pangalan. Kaya kung kayo man ito, congratulations dahil sikat ka na! At welcome na rin sa Mortem Academy!!! At siyempre good luck na rin sa mga hamon mo sa buhay! Nyahahaha...

One more paalala, kung sa Baryo sandamakmak na twists ang na-encounter natin, dito naman sa MC:RFTTT ay tone-tonelada at sako-sakong twists ang ating makikita. Kaya what are we waiting for? Lets get it on!!!

- - - - -

Sa pinakamalalim na bahagi ng dagat, ay nakatira ang isang napakagandang sirenang nagngangalang Butandina. Pero wala syang kinalaman sa kwentong ito... Hahaha, ito na nga lang...

- - - - -

Publishing Office:

"B-boss sorry po!" Bungad na sabi ni Sarah pagpasok nya sa office ng CO Publishing Company president

"Oh, Miss Villaraiz! Kakarating mo pa lang nagso-sorry ka na agad? Ano bang problema mo? Nakapunit ka ba ng papel? Wag kang mag-alala, piso lang ang isang papel pero hindi na kita sisingilin! Hahaha!" bahagyang natawa na rin si Sarah sa sinabi ng presidente pero nananaig pa rin ang kanyang kaba

"Hehe, k-kayo talaga boss! P-palabiro ka pa rin!" nauutal na sagot ni Sarah

"Bakit ka ba kinakabahan? Bakit ka nagso-sorry? Wag mong sabihing aalis ka na dito? Tandaan mo kung hindi dahil sa akin at sa company ko hindi ka makakapagtrabaho at hindi mo maiaahon sa hirap ang pamilya mo!" biglaang seryosong tanong ng presidente. Kahit nanginginig, inabot pa rin ni Sarah ang folder sa presidente.

"Resignation letter??? Bakit??? Alam mo naman sigurong ikaw lang ang pinakapinagkakatiwalaan kong journalist ng kompanyang ito kahit ikaw ang pinakabata? Hindi ka maaaring bumitiw sa pwesto! Alam kong alam mo kung gaano kalala ang kaya kong gawin para mapabagsak ka at ng pamilya mo!!!" sigaw ng presidente sabay hampas sa kanyang mesa

"B-boss! S-saglit lang! B-basahin nyo po muna yung nasa papel!" sabi ni Sarah at itinuro ang kanyang letter. Kahit naiinis ay binasa pa rin ng presidente ang papel. Ang naiinis na mukha ay napalitan ng bahagyang pagngiti sabay tingin kay Sarah

"Ms. Villaraiz! Nagpapaalam ka para mag-aral? At sa Mortem Academy pa? Wag kang umalis! One million pesos per month!" diretsahang offer ng president

"O-o-one million??? P-p-per month??? Seryoso ka boss?" hindi makapaniwalang tanong ni Sarah

"Sa isang kondisyon... Every week kang magbibigay ng balita tungkol sa Mortem Academy! Kahit ano... Kahit anong ikakabagsak at ikakasira ng paaralang yun! Gawin mo ang lahat kahit pa buhay mo ang kapalit! Tandaan mo, one million per month sa pamilya mo." paliwanag ng presidente kaya walang anu-ano ay inabot agad ni Sarah ang kamay nya sa presidente

"Deal!!!"

- - - - - 

Maria's POV

Pagkapasok ko pa lang ng Mortem, kapansin-pansin na na nakatingin sa akin ang lahat ng estudyante. Yung iba tinatawanan ako, yung iba iniirapan ako, at yung iba naman kung anu-ano pang sinasabi sa akin. Ano bang masama sa akin? Maganda naman ako ah! Buhaghag nga lang ang buhok ko, malapad ang noo ko, naka-eyeglasses dahil nanlalabo na ang mga mata ko. Wala namang masama doon diba? Tapos yung suot ko naman pinaghandaan ko pa para sa first day. Long sleeves na floral na fitted na pang-itaas. Pinatungan ko pa ito ng maliit na sleeveless na jacket na hanggang beywang lang. Tapos three sisters na palda na hanggang tuhod. Tapos mataas na heels na hiniram ko pa sa tita ko. Maganda naman yung heels ko kase may dalawang naglalakihang ribbon. Anong masama sa akin? Dahil ba bayong lang ang bag ko?

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon