Jacob's POV
6 na ng hapon nung nagising kami ni James dahil sa pagsigaw ni Tommy, dahil dun ay nanamlay kaming tatlo at mataimtim na bumalik sa subdivision. Paano, nauna na silang umuwi! Sumakay sila sa service tas iniwan ba naman kami? Ni hindi nga nila naalalang iwanan kami ng pagkain. Well, 24 hours naman yung food court. Meron na kaseng night class sa Mortem eh. Dumarami na rin kase ang mga estudyante dito.
Gabi na at heto kami ngayon nilalamok sa daan. Hindi naman madilim ang daan, may mga street lights nga eh. Meron na rin naman mga bahay kahit paano sa paligid kaya hindi ka na maliligaw. Pero wala pa ring bahay na malapit sa subdivison. Takot daw sa sumpa ng Mortem eh.
"Oh guys! Nandito na pala kayo! Hindi man lang kayo nagsabi na ngayon pala kayo uuwi!" Bwenas naman oh, parang insulto yung sinabi ni Markus ah.
"Eh bakit kase hindi kayo nagtanong? Nasa clinic lang naman kami! Bakit mahirap bang pumunta sa clinic?" tanong ko sa kanya
"Hindi naman, pero akala talaga namin doon muna kayo mags-stay? Never mind! Eh si Jaide, kumusta na?" tanong nya
"Hayun, inuuod na yung bangkay nya." deretsahang sagot ni Tommy
"Ano ba! Ayaw ko na nga yang maalala! Nandidiri ako eh!" sabi ko at binatukan si Tommy. Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko sila sa dining area
"Hi there! Nandyan ka na pala. Kain tayo!" sabi ni Yanna kaya ningitian ko na lang sya. Umupo ako sa mesa pero wala pa yung ulam.
"What the! Maria! Where's our ulam!" maarteng sigaw ni Harley. Kung hindi lang ito babae eh, naupakan ko na siguro ito dahil sa kaartehan nya. Pero kahit bangag ako ngayon, nakontrol ko rin naman ang emosyon ko at nakapigil pa ako.
"Saglit, naghihiwa pa nga lang eh!" sigaw naman ni Maria mula sa kusina.
"What? You're so mabagal talaga! Bilisan mo nga! Gutom na ang McQueen!" reklamo ni Harley
"McQueen? Hindi mo bagay! Mas bagay mo yung McKnight! O diba? Bagay na bagay!" pang-asar naman ni Ezekiel kaya napangiti na rin ako kahit papano.
"Ahaha, ang cute nyo naman tignan!" sabi ni Yanna
"Cute talaga ako! Hindi lang cute, pretty pa!" sagot naman ni Harley.
"WAAAAHHHH!!!" nagulat naman kami nang bigla na namang nagsisigaw si Tommy sa pinto ng dining area. "MAY BUHAWI YATA? WAAAAHHHH!!!! ANG LAKAS NG HANGIN NI HARLEY!!!" dahil sa sinabi nya ay binato ito ni Harley ng suot nyang heels. Tumama naman yung takong ng sapatos nya sa noo ni Tommy kaya bumakat ito
"Hahaha! Hayan kase! Kakarating pa lang kase nanggu-good time na agad." sabi ko sa kanya
"Eh sa totoo naman ah! Tsaka ano pa lang ulam natin? Gutom na tummy ni Tommy!" sabi nya at kumandong pa sa akin.
"Urgh! Ano ba! Ang daming upuan oh!" sabi ko at buong lakas syang itinulak.
"Kung makatulak ka naman! Para namang wala akong likod! Tsaka kung makataboy ka naman para namang hindi mo ako niyakap kanina?" medyo namutla naman ako sa sinabi nya. Tama bang sabihin nya yun sa harap ng housemates ko? Edi sasabihin nilang nababadeng ako sa kanya
"Ha? Hindi ah! Yuck! Kadiri ka naman!" sabi ko na lang.
"Anong hindi? Eh nagpasalamat ka pa nga sa akin eh! Tas niyakap mo ako!" napatakip na lang ako ng mukha sa sinabi nya. Kailangang ulit-ulitin yung niyakap ko sya?
"Aww, ang sweet mo namang kaibigan!" sabi na naman ni Yanna kaya napatingin ulit ako sa kanya ng di oras. Nakangiti sya sa akin kaya ningitian ko na rin naman sya.
"WAAAAHHHH!!!" binatukan ko na anamn si Tommy dahil sumigaw na naman sya
"Urgh! Ang sakit ng ears ko! Why are you shouting?" reklamo ni Harley dahil magkatabi lang naman sila.

BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
KorkuAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...