Katie's POV
Sabado ng umaga, badtrip akong lumabas ng bahay dahil sa nightmare ko. Buti na lang at wala na si Mimi nang nagising ako. Akala ko magigising na naman ako sa slapping alarm clock ko. Aba, ilang araw na rin nya akong sinasampal habang tulog! Buti na lang talaga at umalis sila ni Yanna ngayon. Actually kagabi pa nga eh. Sinundo sila ng CNN kagabi para daw sa isang TV guesting ni Yanna.
Siyempre bago ako lumabas ay nag-make up muna ako. Hindi yan mawawala sa everyday routine ko.
"Oy! Ganda natin ah! Saan party?" tanong ni Jasmine na nakasalubong ko sa labas.
"Graduation party! Sama ka?" sarcastic kong sagot tsaka sya ningitian.
"Hahaha! Ikaw talaga!" sabi nya at hinampas ba naman ako sa braso? Ouchy yun ah! "Pero maiba tayo bes, bakit ka nga ba naka-make up at cocktail dress ngayon?" oh kita nyo? Kaya ako ang center of attraction ngayong araw eh. Para maiba lang din. Wala na kase si Yanna kaya sa akin na ang atensyon ngayon. Nakita ko pa nga si Harley na ang sama ng tingin sa akin. Gusto yata na sya ang maganda?
"JS Prom!" sarcastic ko ulit na sagot at nagtungo na sa bakanteng bench.
"WAAAAHHHH!!!!" sigaw ko kaya nagsitinginan sa akin ang mga tao. "Bakit?" taas-noo kong tanong sa kanila kaya nagsiiwasan rin agad
"Huhuhu, yung kuko kooo!!!" mangiyak-ngaoyak kong bulong sa sarili ko nang makitang malapit nang mabura yung kulay nya. Dahil nakahawak rin ako ngayon ng maliit na bag, siyempre para complete package na, inilabas ko mula sa bag ko yung pangkulay ng kuko ko pero bago ko pa man yun nabuksan ay hinila ako ni Ryan papasok sa bahay ko.
"Urgh! Anuba Ryan! Bakit mo ba ako dinala dito?" medyo kinakabahan ko nang tanong kase kami lang dalawa ang tao dito ngayon.
"Hubarin mo yang damit mo!" walang emosyon nyang utos sa akin ni Ryan
"HA???" sigaw ko kaya tinakpan nya ako sa bibig. Nagpumiglas ako pero masyado syang malakas para sa akin.
"Wag ka ngang maingay! Basta hubarin mo na lang damit mo!" dahil doon ay mas lalo na akong kinabahan. Nung time na binitawan na nya ako, tumakbo na agad ako sa pinto para lumabas kaso sinipa nya ito kaya nasarhan ulit. Lumapit pa sya dito at ni-double lock.
"Teka lang! Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakayakap na ako sa katawan ko.
"Para hindi ka na makalabas! Bilisan mo na kase, tanggalin mo na damit mo!" mahina nyang utos sa akin habang nakasandal ang kamay sa pinto.
"Baka naman pwede pa itong pag-usapan? Virgin pa ako uy!" nawawala tuloy ng di-oras ang kaartehan ko at lumalabas ang pagkalalaki ko nito. Anubayan Ryan!
"Teka? Virgin? Anong sinasabi mo Katie? Wala naman akong gagawin sayo ah. Dinala lang kita dito para sabihing magbihis ka. Samahan mo ako sa bar. May sasabihin lang ako kay tita." hindi naman agad nag-sink in sa utak ko yung sinabi nya kaya naiwan akong nakatulala sa kanya.
"S-so... H-hindi mo ako gagahasain?" nanginginig kong tanong kaya natawa sya
"Hahaha, ano ka ba? Hindi noh! Bakit naman kita gagahasain? Ginagalang kita tandaan mo yan. Kaya bilisan mo na, samahan mo ako sa bar." dahil doon ay natawa na lang ako ng pilit dahil napahiya ako doon ah. Paakyat na sana ako nang may naalala
"Nga pala Ryan, sa bar rin lang naman tayo pupunta bakit hindi na lang ganito ang isuot ko? Para naman diretso party na tayo!" sabi ko sa kanya
"Katie naman. May sasabihin lang ako saglit. Tsaka nakasara bar nila tita kapag umaga." sumimangot naman ako tsaka padabog na umakyat.
- - - - -
"Ate Lia, nandyan po ba si tita?" tanong ni Ryan sa isang pokpok na nakaupo sa mismong mesa habang nakabukaka sa lalaking kaharap nya. Like duh? Hindi man lang ba sya aware na makikita sya ng ibang tao dito?

BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
HorrorAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...