Maria's POV
Gabing-gabi na at feeling ko maghahating gabi na pero nandito pa rin ako ngayon sa isang bench sa harap ng bahay namin at umiiyak pa rin. Kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng nangyari.
"Oh, Maria. Bakit gising ka pa?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Marco
"H-hindi ako makatulog bes." sagot ko na lang "Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya.
"Nakita kase kita mula sa balcony ng kwarto namin. Kaya pinuntahan kita." sagot nya
"Bakit ba ganoon na lang ang care mo sa akin? Paano na lang si ate Yanna" dahil sa nadala ako ng emosyon, hindi ko na nakokontrol ang mga nasasabi ko.
"Ok, good night!" bati na lang nya at umalis na. Saktong pagtayo nya ay ang pagdating naman ni Ryan na mukhang pagod pa.
"Oh, bakit gising pa kayo? Matulog ka na sa bahay nyo Marco. Ikaw rin." tukoy nya sa akin "Diba ikaw si Maria? At diba iisa bahay natin? Tara na, pasok na tayo. Gabi na nandito ka pa rin sa labas." mabait naman pala itong si Ryan. Kung titignan mo kase parang ang seryoso nya. Tas noong una ko syang nakitang late kahapon hindi man lang sya makangiti. Baka pagod lang talaga sya?
"Diba naayos mo na schedule mo? Ano, naka-exam ka ba kaninang tanghali?" tanong ko sa kanya
"Yeah, grabe ang hirap! Physics at Algebra sabi ni sir pero Rizal naman ang ipina-exam? Hahaha!" sagot nya sa akin
"Hahaha, kaya nga. Ilan ba nakuha mo?" tanong ko
"Naku, wag mo nang tanungin! Nakakahiya talaga!" sabi nya at inakbayan na ako papasok ng bahay
"Sige na! Kami nga rin ambababa ng nakuha namin!" pangungumbinsi ko sa kanya
"Sige na nga. 47 nakuha ko." napanganga naman ako sa sinabi nya
"HUWAWW!!! NAKAKUHA KA NG 47???" OA kong tanong sa kanya
"Oh bakit? Ang baba kaya! Out of 200, 47 lang nakuha ko. Anong nakakagulat dun?" tanong nya
"Eh pinakamataas namin kanina 11 lang. Tapos ito namang si Sabrina zero lang nakuha. O diba?" medyo napahiya naman sya sa narinig
"Ganoon ba? Hehehe." sagot na lang nya at pumasok na kami. Isasara ko na sana ang pinto nang makita ko si Marco na nasa labas pa rin ng bahay nila na nakatingin sa amin. Mukha syang malungkot pero paki ko? Ano ba sya sa buhay ko?
"Nga pala Ryan, kumusta trabaho mo sa bar ng tita mo?" tanong ko sa kanya pagpasok ko sa bahay
"Heto, nakakapagod. Ang hirap pa naman ng schedule ko." sagot nya habang naglalagay ng gamit sa ilalim ng paglagyan ng TV
"Ano nga palang trabaho mo sa bar? Dancer? Entertainer?" tanong ko sa kanya
"Ha? Ano? Hindi ah! Waiter ako dun!" natawa naman ako ng malakas sa naging reaksiyon nya
"Hahahaha! Grabe ka naman maka-re..." di ko pa natatapos ang sabihin ko nang bumaba mula sa kwarto nila si Jacob na mukhang nabulabog ng malakas kong pagtawa
"Guys, dis-oras na ng gabi naghaharutan pa kayo dyan! Ikaw Ryan, magbihis ka na. Mukhang pagod ka sa trabaho. Ikaw naman Maria, bakit gising ka pa? Matulog ka na nga rin. Ang ingay mo! Pumasok ka na sa kwarto mo!" pagsita nya at bumalik na rin agad sa kwarto nila
"Hayan, sige pumasok ka na! Magsho-shower muna ako." sabi nya at papasok na sana sa CR nang pigilan ko sya
"Saglit, pwedeng sumama?" ewan ko kung bakit nasabi ko yun
"Huh???" gulat nyang tanong
"Ah, eh. Wala wala! Kalimutan mo na lang!" sabi ko at tatakbo na sana nang ako naman ang pigilan nya.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
TerrorAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...