The Vacation Continues

501 19 22
                                    

Maria's POV

Ewan ko kung anong mararamdaman ko ngayon? Masaya ba ako kase nalasing ako agad nung gabing yun at nakaligtas ako at ng iba kong kasama sa tear gas? O malulungkot ba ako kase nasa kritikal pa rin ang iba naming kaklaseng nabiktima? Pero kanina kinausap kami ng doctor. Sabi nya nagising na daw si Marco pero hindi pa daw pwedeng dalawin sa kwarto nya kase masyadong delikado. Baka makadala lang daw ng mga mikrobyo. Mahirap na daw baka mas lumala ang sitwasyon nya. Maselang sakit pa naman daw ang makalanghap ng tear gas. Kaya heto, namamasyal kaming mga girls! 

"Ano? Nage-enjoy ba kayo girls? Gusto nyo ilibot ko pa kayo sa amin?"

Hulaan nyo kung sino yung nagtanong?
a) Lucas
b) Sir De Monio, este De Vera
c) Shane

Ang sagot guys ay... none of the above! Si Shane, kasama rin namin ngayon. Medyo alam na nga rin nya ang pasikot-sikot dito eh. Alam nyo na, tourist! Nakapunta na daw kase sya dito. Pero hindi sya yung nagtanong kung nag-enjoy daw ba kami. Si Lucas ba kamo? Nakaw, hindi rin. Sa tingin nyo nagtatagalog yun? Baluktot dila nya sa pagtatagalog. At diba nga, isa rin sya sa nabiktima ng tear gas ng bunny mascot? Edi malamang nasa loob sya ngayon ng hospital? Last choice, si sir De Vera. Kasama rin namin sya dito sa America kaso nagpaiwan sya sa hospital. Meron kaseng isang floor sa hospital na walang pasyente kaya doon na kami pinatira nung may-ari. Nagpaiwan si sir doon kase may ka-cyber sex, este may ka-video call daw sa Pilipinas. Important meeting daw eh. Bahala nga sya. Nasa vacation kami pero naiwan naman sa Pinas yung utak nya!

Ngayon, hulaan nyo kung sinong nagsabi nun. Clue? Lalaki sya. Isa pang clue? ZC ang initial s nya. Kilala nyo naman na siguro? SIge na nga. Kasama namin ngayon si tito Zandrex. Sya pa nga ang nagpadala sa mga kaklase ko dito mismo sa America. Sosyales diba? Libre lahat. Saan ka pa? Ang bait pala sa personal ni tito Zandrex! Nakakainlove pa! 32 years old na sya kaso parang 23 lang nya. Seryoso, ang gwapo nya bes! Jusko po Rudy! Magkakasala na naman ako. Napakamatipuno pa ng katawan. Basta perfect package na. Lume-level na kay Lucas! Hahahaha! Basta makalaglag panty ang lahat ng meron sya.

"Pwede po mamaya na lang? Ang ganda po maglaro dito sa snow eh!" anubayan, parang bata naman itong si Katie! Ako hindi? Hahahaha, gumawa rin kaya ako ng snowman! Ang saya kase!

"Hahaha, ilang araw na ba kayo dyan? Dalawang linggo na yata kayo dyan?" matawa-tawang tanong ni tito Zandrex habang nakaupo sa swing sa gitna ng garden ng hospital. Tama nga, nandito lang kami sa garden ng hospital buong stay namin mula pa noong nakarating kami dito. Eh paano, ignorante sa snow! Hahahaha, ni hindi na nga namin nagagawang mamasyal o mag-shopping man lang. Kaya nga niyayaya na kami ni tito Zandrex na mamasyal.

"Eh ang sarap ng snow eh!" napangiwi naman ako dahil kinakain nga ni Jasmine yung mga snow!

"Yuck! Bakit mo kinakain yung snow?" sigaw ko sa kanya sabay bato sa kanya nung ulo ng ginawa kong snowman.

"Oh chill Maria. Edible naman yung snow eh." napatingin naman ako ng di oras kay tito Zandrex

"Sure ka?" tanong ko

"Yeah, alam mo ba na ang kauna-unahang ice cream ay gawa sa snow? At alam mo ba na ang kauna-unahang flavor ng ice cream ay orange flavor? At alam mo ba na ang kauna-unahang kumain ng ice cream ay isang emperor? Ang kwento lang nun, nag-request yung emperor ng isang kakaibang dessert na magugustuhan nya. Kaya hayun, dahil umuulan noon ng snow at umiinom ng orange juice ang isa sa kanyang mga alipin, napagdesisyunan nya na subukang paghaluin ang snow at ang iniinom nyang orange juice at yun ang ibinigay nya sa emperor. Nagustuhan naman yun ng emperor kaya nagpagawa sya marami at doon na nagsimula ang ice cream history." pagkwento ni tito Zandrex. Grabe habang nagsasalita sya nakatitig lang ako sa kanya

"Anong tingin mo sa amin? Nursery? Lakas maka-story telling ah!" pambabara naman ni Sabrina

"Ang hot kaya! Este, ang cute kaya!" sagot ko kay Sabrina napatingin anman ako kay tito Zandrex at tinawanan lang ako. Nahalata nya yata? Hahaha, edi mahalata nya. Malandi ako eh. Hahaha, inamin?

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon