The Nightmare

244 15 2
                                    

Katie's POV

Napakahimbing pa ng tulog ko nang makarinig ako ng nakakapangilabot na kaluskos at mga yabag. Naalimpungatan naman ako kaya bumangon na ako sa pagkakahiga. Nagulat naman ako nang wala ako ngayon sa bahay. Nasa isang silid ako na napapalibutan ng metal na pader. 

"KATIE!!!" napasinghap naman ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Halatang galit na galit ito kaya hinanap ko na agad ang labasan.

 "KATIE!!!" Papalabas na ako nang may sumigaw ulit ng pangalan ko. Dahil sa gulat, nagkamali ako ng tapak palabas sa silid kaya nahulog ako mula dito. Tumama naman ang tuhod ko sa bakal na nasa baba ng silid. 

"KATIE!!!" dahil doon ay tumayo na agad ako kahit pakiramdam ko ay nabalian ako sa tuhod. Nakita ko ring dugo-dugo na ang tuhod ko na umaagos hanggang sa paa ko pero pinilit ko pa ring tumayo para makatakas dito. Nang medyo nakalayo na ako, nakita kong lumang train pala ang pinanggalingan ko at riles pala nito ang nabagsakan ko.

"KATIE!!!" dahil doon ay napatingin na naman ako sa pinanggalingan ko. Laking gulat ko nang makita ko ang bunny mascot sa di kalayuan ng train. May hawak syang itak habang naglalakad papalapit sa akin. Hindi lang basta lakad, mabilis na lakad kaya tumakbo na ako palayo. 

Saan ba ako pupunta? Puro talahib lang ang nakikita ko sa paligid. At sakto pang umuulan kaya putik lahat ng madadaanan. Takbo lang ako ng takbo pero bumaon ang isa kong paa sa malalim na putik. Minadali ko itong tanggalin at nagawa ko naman, kaso malapit na sa akin ang bunny mascot. Tatakbo na sana ulit ako nang nadapa naman ako sa riles ng train kaya naabutan na nya ako

"Saan ka pupunta Katie?" tanong nya at hinila na ang paa ko.

"WAG! WAG MO AKONG HAWAKAN! BITAWAN MO AKO! PAKAWALAN MO NA AKO PLEASE!!!" pagmamakaawa ko habang umiiyak. Palag ako nang palag pero hindi ko makayanan dahil sa sobrang lakas nya. Kinakaladkad nya ako pabalik hanggang sa

*PAK

Boom! Panaginip lang pala. Pero sino ito? Bakit naghihila ng paa at bakit nananampal ng tulog?

"Mimi naman oh! Bakit ka ba nananakit dyan!" sigaw ko sa kanya tsaka binato ng unan

"Pasuk na pu kasi tayu!" sinamaan ko naman sya ng tingin tsaka padabog nang lumabas. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Waste of time.

"Ati, kaen na pu kayu!" nasa likod ko pa pala si Mimi at tinulak nya ako patungong kusina. Urgh! Anuba! Kailan ba ako titigilan nito?

"Good morning Katie! Kumain ka na ba?" bati sa akin ni Marco nang nakangiti

"Obvious ba? Kakabangon ko lang diba?" napakamot na lang ng batok si Marco sa sinagot ko.

"Ati, naglotu pu aku ng breakdance para sa aten. Omopu na pu kayu ati!" sabi nya kaya umupo na rin ako pero tinaasan ko pa rin sya ng kilay.

"Nagluto ka ng breakdance? Baka naman breakfast?" tanong ko sa kanya kaya nagtawanan na ang mga tao sa mesa.

"Hahaha, kayu naman pu!" sabi ni Mimi at hinampas ba naman ako sa balikat? Mas lalo namang nagtawanan ang mga kasama ko kaya napataas ang kilay ko. Tumingin naman ako sa orasan sa pader at... 

"Teka! 5:30 pa lang ah! Bakit mo ako ginising? Ang aga mo naman akong ginising! Tsaka kung makasampal ka kanina akala mo naman kung late na ako!" reklamo ko sa kanya

"Hehe, suri na pu!" hindi ko na lang sya pinansin at nagsandok na ako ng makakain. In fairness ang dami nitong niluto ni babaita. Libre kase supply ng pagkain kaya kahit gaano karami kunin mo sa storage ayos lang.

"Ano ba kaseng nangyari kanina?" tanong ni Jerome. Medyo natigil naman ako dahil naiilang pa rin ako na kausapin sya. Eh kase naman diba? Youngest rapist sa bansa!

"Ginigising nya kase ako kanina. Sabi nya papasok na tayo. Tapos sinampal ba anman ako habang tulog?" sagot ko nang nakayuko dahil naiilang talaga ako. Narinig ko naman syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya ng di oras. Tumawa na rin naman ako ng pilit tsaka bumalik na sa pagkain ko.

"Maleban pa kasi dun ati, naketa pa ketang parang benabangongot kaya senampal keta. Anu bang napanagenepan mu ati?" natigil naman ako sa pagkain nang maalala ko yung napanaginipan ko. Grabe! Super nightmare!

*WAPAK

"Aray ko, nakakarami ka na Mimi ah!" reklamo ko nang batukan na naman nya ako.

"Ati! Tenatanung ka ne koya Birnardu kong anu daw napanagenepan mu!" sabi nya. Ito yung ayaw ko eh, nababagabag na naman kase isipan ko sa lecheng nightmare na yun.

"Alam mo Mimi, mukhang kailangan mo na talaga ng speech instructor! Hindi lang ulo ko sumasakit sayo eh, pati panga ko nadadamay kapag naririnig kitang nagsasalita! Tsaka ayoko nang pag-usapan, natatakot ako eh." sabi ko na lang tsaka kumain ulit.

"Ikwento mo na. Alam mo ba sabi nila na kapag ikinukwento daw sa iba ang panaginip hindi daw yun nagkakatotoo?" tinignan ko naman ngayon si Renz na ngayon lang nagsalita. Bihira ko lang kase yan marinig magsalita tapos kakausapin nya ako? Snob yan kaya nagtaka ako ngayon sa inaasal nya. Baka no choice naman sya dahil kami ang na-assign nyang housemates?

"Sige na nga. Basta nagising na lang ako na nasa lumang train na ako. Tapos hinabol pa ako nung bunny mascot sa maluwang na talahiban. Basta yun na yun! Pero parang wala naman yata akong naririnig na train dito sa atin?" sabi ko sa kanila.

"Waa nga, pero meron sa kabilang baryo. Tumawid ka lang sa highway tas dire-diretso. May train station doon pero wala nang gumagamit mula pa noong world war 2. Kasali rin kase yung station na yun sa mga nasakupan ng mga dayuhan." sagot naman ni Bernardo kaya mas kinabahan ako. Baka may chance nga na mangyari yun sa akin. Pero naikwento ko na yung panaginip ko sa kanila kaya umaasa na lang ako sa sinabi ni Renz na hindi daw yun matutuloy

"Oo nga! Malapit lang yun sa amin noon. Alam mo bang ang daming nagpaparamdam na mga sundalo doon kapag gabi?" hindi ako interesado sa multo Jaide! Anubayan! Nakuha pa nya yung isingit! "Sakto rin yung sinabi mo Katie. Talahiban nga yung paligid ng lumang train station na yun." nagtaasan namn ang mga balahibo ko sa sinabi ni Jaide. Nawalan tuloy ako ng gana. Tumayo na ako at papasok na sana sa CR para maligo, nang tumugtog na naman ang cup song sa speaker ng bahay kaya napako ako sa kinatatayuan ko.

Good morning Mortemistas! Dahil sa sobrang bored na ng inyong lingkod, parang gusto ko na ulit pumatay.

Pinagpawisan naman ako ng todo sa narinig.

Pero dahil gusto kong magkaroon ng thrill ang life, isang riddle na naman ang iiwanan ko sa inyo! Listen to my words:

So get out, get out, get out of my head
And fall from my hair instead!!!

Get the singular word from the solved riddle,
Put a curved line from the first letter,
And that is the answer on this sort of puzzle...

Pagkatapos nun ay tumugtog ulit ang cup song kaya dali-dali na akong pumasok sa bahay at para na rin makaiwas sa riddle na yan...

Author's Note:
Sorry po wala po ulit namatay dito. Pero promise po meron na po sa susunod na chapter! Sino sa tingin nyo po ang killer? Comment down po!!! Tsaka I'm so happy na nakikita ko pa rin dito sa comment box ng Mortem's Curse ang mga nagco-comment dati sa comment box ng BARYO!!! Salamat sa patuloy na suporta guys!!! At sa mga bagong readers, paalala lang na may book 1 pa po itong Mortem's Curse. Ito nga ay yung BARYO! Yun lang po, salamat ulit guys!!! Labyuol!!!

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon