Hangin' by a Moment

306 13 0
                                    


Maria's POV

Ano ba yan bes! Nabubuang na ang lola nyo bes! Nakakagimbal naman kase yung riddle na yun. Anong ibig sabihin ng sinabi nyang pambungad kuno na riddle sa amin? Ano bang gamit nun sa buhay ko? May libre bang napkin kapag nasagot mo yun?

"Ano mga bes? Balik linis na. Mamaya na natin problemahin yang riddle na walang kwenta!" sigaw ko sa kanila, pero deep inside naguguluhan na talaga ako.

"Guys, ano sa tingin nyo ang pinupunto nung bunny mascot sa pulley?" tanong ni Jacob

"Baka naman may malalim na dahilan kung bakit pulley?" sagot ni Katie na nasa isang bench lang na nakaupo habang naglalagay ng cuticle sa kamay

"Eh ano sa tingin mo?" tanog ni Jasmine na katabi lang nya

"Baka naman tali?" sagot ni Katie kaya binatukan ito ni Jasmine

"Gaga, malamang! Ibig naming sabihin baka may mas malalim pang meaning yung pulley!" sigaw ni Jasmine

"Aba malay ko sa inyo! Sa inyo na yun. Sinagot ko lang naman yung itinanong nyo! Tsaka kung makabatok ka! Tignan mo yung nails ko! Lumagpas na yung kulay!" reklamo ni Katie

"Eh yung sinabi nyang say it slowly, say it softly? Ano naman kaya daw yun?" tanong rin ni Marco sa tabi ko. Narinig naman ito ni Tommy kaya sya ang sumagot

"Maybe he/she's horny. Baka gusto nyang wag mag-ingay. You know, girls prefer slowly and softly. Mild, not wild!" sagot nito

"Yan ngang bunganga mo!" sigaw ni Markus at binato si Tommy ng sapatos. Natumba naman sa sahig si Tommy kaya to the rescue ang iba.

"Hoy tanga! Gumising ka! Ikaw Markus! Bakit mo sya binato?" sigaw ni James

"Teka, teka! Wag ka ngang maingay! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari?" tanong ng papatayong si Tommy

"Di mo maalala? Binato ka ni Markus ng sapatos!" sagot ko sa kanya

"Talaga? At sino ka naman? Tsaka bakit ako binato ni Markus ng sapatos?" inosente nyang tanong kaya napatingin ako kay Marco

"Ganyan yan, kapag nawalan na ng epekto ang nahithit nya nakakalimutan na nya lahat ng katangahang nagawa nya." bulong nya sa akin

"Ako si Maria Makabebe. Transferee." pagpapakilala ko na lang kay Tommy. Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa tsaka tumawa. Ok, as expected...

"Bakit mo nga pala ako binato pare?" tanong nya kay Markus.

"Eh paano, tanga-tanga ka! Nag-open ka ba naman ng topic about s*x? Na mas gusto ng mga babae sa mild lang." sagot ni Markus

"Talaga? Sinabi ko yun?" gulat na tanong ni Tommy

"Hayan, epekto ng drugs mo! Tigilan mo na kase yan!" sita ni Jacob

"NO!!!" malutong na 'no' lang ang isinagot ni Tommy tsaka umalis na.

"Anyare dun?" tanong ko na lang tsaka humarap kay Marco. 

"Guys! Listen! May tinext si sir. Mag-review daw tayo dahil may exam daw bukas." pagsingit ni Jacob

"Exam? Bukas? Agad-agad? Tungkol saan daw?" tanong ni Nicole

"Physics, pages 1-86. Algebra, pages 1-97." nagulat naman kaming lahat sa sinabi nya

"Seryoso sya? Lahat ng yun? Akala ba nya ganoon lang kadali yun?" sigaw ni Nicole

"Yun yung sabi nya eh." kibit balikat na sagot ni Jacob

"Aba't hindi na makatao yang ginagawa ng baboy na yan! Ang pagkakaalam ko sa ibang eskwelahan prelim, mid-term, semi at finals lang ang examinations! Bakit itong si baboy na kamukha ni Chocoleit dinagdagan pa ng starter exam?" reklamo ni Sabrina

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon