Third Person's POV
"SI TOMMY??? / AKO???" sabay-sabay na tanong ng lima nang sinabi ng bunny mascot na nasa kamay ni Tommy ang kapalaran nilang lima
Oo Tommy, ikaw nga. Are you ready?
Tanong ng bunny mascot
"Of course! I am born to be ready!" sarcastic na sagot ni Tommy tsaka ngumisi
"Tommy wag! Ipapahamak mo ba buhay namin? Bunny mascot, kung sino ka man! Pwede bang ako na lang ang humarap sa hamon mo?" sigaw ni Jacob
Uh-uh! Hindi pwedeng mag-switch! Tsaka wag ka ngang mangialam sa daloy ng laro ninyo! Pinapangunahan mo ba ako Jacob?
Tanong nung bunny mascot kaya natigil na lang si Marco at yumuko.
Tommy, makikita mo sa iyong harapan ang iyong apat na kasamahan na nakatali sa isa't-isa at tanging ikaw lamang ang makapagpapaalis sa kanilang apat mula sa pagkakatali. At ikaw Tommy, ang isang pares ng posas iyo nang suot sa iyong kanang pulso, samantalang ang isang pares naman ay nasa poste na may taas na 20 feet. Ngayon ang iyong hamon, meron ka lamang 30 minutes para makaalis sa posteng iyan sa pamamagitan ng pag-akyat dito. Once na nakaalis ka na, kailangan mo ring tulungan ang apat mong kasamahan para makaalis sa kanilang pagkakatali dahil kung hindi, isang malaki at mahalagang kahon ang mahuhulog mula sa itaas nilang apat.
Napatingala naman ang apat sa kani-kanilang tuktok at nakita nila ang isang napakalaking kahon na gawa sa kahoy sa bawat pares na nakatali.
Timer starts now...
Umalingawngaw naman sa loob ng silid ang napakalakas na tunog ng timer na nasa may pader.
"TOMMY, BILISAN MO!!! UMAKYAT KA NA!!!" sigaw nang sigaw ang apat habang pabawas nang pabawas ang oras na nasa timer.
"Hindi ko kaya! Madulas!" sagot naman ni Tommy
"Anuba! Kayanin mo yan!" sigaw ni Marco
"Eh hindi ko nga kaya. Ang dulas kaya!" sagot ulit ni Tommy
"Naku naman Tommy! Pwede bang i-apply mo muna sa balat mo yung gaspang ng ugali mo para naman makaakyat ka!" sigaw ni Jacob
"Kung makalait ka naman sa ugali ko Jacob! Di naman ganoong kagaspang ugali ko hindi gaya ng..."
"Hindi gaya ng ugali ko???" galit na tanong ni Jacob na may halong pagbabanta
"Gaya ng semento!" sagot ni Jacob tsaka umirap pa.
"Tommy, please lang! Umakyat ka naman na oh. Isipin mo na lang na fries yang poste mo!" pagmamakaawa ni Maria
"Fries?" nakangiting tanong ni Tommy na medyo nabubuhayan na ng loob.
"Oo nga! Isipin mo na fries lang yang poste!" sigaw ni Maria. Nagulat naman ang apat nang bigla na lang kagatin at dilaan ni Tommy ang poste sa tabi nya
"Yuck! Bakit ang tigas ng fries? At bakit lasang kalawang?" tanong ni Tommy
"Ay tanga! Ibig naming sabihin isipin mo fries yan para maakyat mo!" sigaw ni Jacob
"Eh hindi ko nga inaakyat ang fries! Kinakain ko sila!" sigaw rin ni Tommy
"Kung hindi ka rin tanga ano? Tignan mo nga! Halos nakakalahati na yung oras mo! Paano na kami? Sige ganito na lang. Kung makaakyat ka dyan, sayo na lahat ng fries natin sa ref. Hindi lang yun. Sayo na rin lahat ng fries sa storage natin." sigaw ni Jacob
"Talaga?" medyo tulala pang tanong ni Tommy dahil hindi sya makapaniwala sa narinig.
"OO NGA!!! BILISAN MO!!! KUNG HINDI MO PA NAGAWA YAN, ISINUSUMPA KO NA MAGKAKATULUYAN KAYO NI RICA!!!" sigaw ni Jacob

BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
HorrorAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...