Another Clue

110 3 2
                                    

Author's NOTE:
Kung sa nakaraang chapter, sa mga babae ang nakakitaan natin ng clue (na bahala kayo kung papaniwalaan nyo), dito naman bibigyan ko rin kayo ng mga kahina-hinalang sides ng mga lalaki. Actually ginagawa ko po ito hindi para madaliin ang kwento. Ginagawa ko lang po ito para ma-confuse kayo! Hahahaha, sharowt! Basta basahin nyo na lang po.

Marco's POV

"Ang lamig talaga dito sa Tagaytay!" narinig kong sigaw ni Tommy. Nakaidlip kase ako.

"Tanga! Anong Tagaytay? Mainit ngayon doon! Nandito kaya tayo ngayon sa Baguio!" sigaw rin ni James. Teka, bakit sila nandito? Magaling na ba sila? Pero wala pa rin akong balak na dumilat kase napakabigat pa rin ng mga talukap ko at nais ko pang matulog.

"Ang tatanga nyo talaga! Nasa hospital lang tayo dito sa malapit sa Mortem! Tignan nyo oh! Naka-aircon tayo!" sabi naman ni Jacob

"Hey, I can feel it. We are not in the Philippines! It is not aircon by the way. It is a heater that shapes like an aircon." dahil sa sinabi ni Lucas ay napamulat na rin ako finally. Hindi ko na matiis ang ingay nila eh.

"Wag nga kayong maingay! Alam nyong may nakatulog eh! Oo, wala tayo sa Pilipinas! Nandito tayo sa America! Happy? Pwede nang matulog ulit?" sigaw ko at nagtalukbong na ng kumot.

"Pakiulit nga sinabi mo?" utos sa akin ni Noel kaya umalis na naman ako mula sa pagkakatalukbong ko

"Ano? Nasa America nga tayo! Paulit-ulit? Yan yung sinabi sa akin kahapon nung doctor!" sigaw ko sa kanya

"OMG!!! Nasa America tayo? First time kong makapunta dito!" masiglang sigaw ni Noel

"Oh tapos? Ano naman? First time ko rin naman ah! Wag mo ngang ipalandakan na napaka-ignorante mo!" sigaw ko sa kanya kaya unti-unti nang nawala ang ngiti ni Noel tsaka umiwas na ng tingin

"Sorry Noel. Masakit lang talaga ulo ko. Tapos dumagdag pa ang ingay nyo. Sorry talaga." sabi ko at pumikit ulit pero nagsalita naman si kambal

"Hoy Marco! Wag ka ngang masungit dyan! Hindi mo bagay! Role ko yan eh! Aagawan mo pa ako ng ugali? Stick to your role nga!" sigaw nito kaya napadilat ulit ako

"Nag-sorry na nga diba? Ano pang gusto mo?" sigaw ko sa kanya

"Hoy, kailan mo pa ako natutunang sagut-sagutin ha? Anong ipinagmamalaki mo?" sigaw sa akin ni Markus

"Natuto lang ako ng kusa. Dahil na rin siguro sa past experiences natin. Noon ngang nasa bahay pa tayo diba ikaw lagi ang nasusunod? Ikaw gusto ni mommy, ikaw gusto ni daddy! Ako naman laging masama sa mga mata nyo diba? So ngayon, why not na hindi ko totohanin ang tingin nyo sa akin? Try ko nga ring maging bad boy!" sagot ko. Wala eh, nadala na ako. Paano kase, ako laging nakikitang masama noon sa bahay

"Aww, nakakaawa ka naman! Nagpapaawa na naman yung good boy namin oh! Kung alam ko lang naman na ginagamit mo lang yang paawa effect mo noon kaya napunta sayo si Yanna!" nag-init na talaga ang dugo ko sa sinasabi nya

"Para sa iyong kaalaman, hindi ako gumamit ng paawa effect para makuha si Yanna! At isa pa, hindi ko sya kinuha, kusa syang lamapit sa akin kase nahihirapan na sya sayo! Eh paano, ginagamitan mo lagi ng santong paspasan! Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yung pampu-pwersa mo sa kanya noon sa kama!" sigaw ko sa kanya kaya natahimik sila lahat sa kwarto. 

"My God, Marco! Kailan ba matatapos sayo yang issue na yan? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na hindi ko ginalaw si Yanna!" sigaw din nya

"Guys, saglit lang! Tama na yan! Nababasag na tainga ko eh." mahinahong pagpigil sa amin ni Ryan. Nasa pagitan kase namin sya.

"Oo, sabihin na nating hindi mo nga sya nagalaw! Pero Markus! Pambabastos pa rin ang nagawa mo! Binastos mo pa rin si Yanna!" sigaw ko

"Teka, stop muna guys! Nasa hospital po tayo!" mahinahon pa ring pagsaway ni Ryan

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon