Farewell Party

219 10 1
                                    

Third Person's POV

10 na ng gabi at wild na wild na ang mga estudyante ng cursed section. Naglasing lang naman kase sila mula nung namatay si Jerome.

Gumawa lang naman kase sila ng kanilang mini bar sa mismong basketball court na pinangunahan ni Lucas na president, ni Ryan na maraming alam sa mga bar, at ni Timothy na sagot na lahat ng kakailanganin mula alak hanggang tent.

At kasalukuyan, naiwan na lang sa loob ng tent/mini bar ang lahat ng mga lalaki dahil lasing na ang mga babae. Maliban na lamang kina Sabrina at Jasmine na sanay na sa mga party. Pati si Tommy ay hindi rin naglasing dahil hindi sya umiinom ng alak. Nasa gilid lang sya na kumakain ng sandamakmak na fries.

"Alam mo sis, nakakabangag itong araw na ito. Akalain mo yun, pasimpleng nakuha nung bunny mascot si Jerome habang magkakasama tayo?" pag-uumpisa ni Jasmine

"Hay naku! Wala naman akong pakialam sa Jerome na yan! Buti nga namatay na sya!" sagot ni Sabrina

"Ay grabe! Bakit ganyan ka magsalita? Ano bang nakain mo? HARSHmallows??? Ang harsh mo naman bes!" sabi naman ni Jasmine

"Totoo naman ah! Ano? Hintayin mo pang gahasain ka nya bago ka magreklamo? Ayos na yun na namatay sya agad! Salot lang naman sya dito sa Mortem eh." sabi ulit ni Sabrina

"Uh-uh! Dyan ka nagkakamali Sabrina! Alam mo bang bumabait na si Jerome?" pagsingit ni Marco

"Talaga lang ah! Paano mo naman nasabi?" tanong ni Sabrina

"Malamang, ibinuka nya bibig nya! Kung hindi ka rin tanga Sabrina noh? Heto fries, pampalipas-katangahan." sabi ni Tommy

"Wag ka ngang pilosopo! Iyong-iyo na yang fries mo!" naiinis na sigaw ni Sabrina kaya umalis na si Tommy dala ang isang malaking bowl ng fries.

"Mukhang mas lasing pa sya kesa sa atin ah? Hindi naman uminom ng alak!" sabi ni Jasmine

"Ganyan yang si Tommy! Basta may fries na yan nakakalimutan na nya lahat. Kaya wala ring pinagkaiba kapag nakahits sya at naka-fries sya." sagot ni Marco

"Eh balik nga tayo sa tanong ko! Bakit mo naman nasabing bumabait na si Jerome?" tanong ni Sabrina

"Eh sa bahay namin, pinipilit nyang makihalubilo. Pinipilit nyang ibaba ang pride nya para lang makipag-usap namin. Tumutulong sya sa lahat ng gawaing bahay. For short, masipag naman sya eh. Pinagsisisihan na nya lahat ng nagawa nya. Pinipilit na nyang magbago para lang malinis ang reputasyon nya. Tapos namatay sya na hindi man lang nya nararamdaman ang acceptance mula sa atin? Alam nyo ba kung gaano yun ka-rude para sa kanya? Buti na lang sa bahay namin nararamdaman nya yun kahit papano." natahimik naman si Sabrina sa sinabi ni Marco

"Oh natahimik ka ngayon?" tanong ni Marco

"Nah! Do I look like I cared? Pareho lang pala ang takbo ng isip namin ni bunny mascot. Asshole pa rin ang tingin namin sa kanya. Sumasakit ulo ko sa inyo!" sigaw ni Sabrina at lumabas na sa tent.

"Hahaha! Nalasing na siguro si katangahan! Hahaha!" binato naman ni Marco si Tommy ng kutsara dahil sa sinabi nito.

"Marami pang fries doon sa table. Kumuha ka na lang doon." sabi ni Marco

"Okay! So hindi pa tapos ang party?" tanong ni Jacob na kakapasok lang.

"Yeah! Come on and join us here." sabi ni Lucas na syang nagpapaka-bartender sa counter.

"No thanks. Hindi ako umiinom. Fries na lang. Tommy hati tayo dyan sa bowl mo!" sigaw ni Jacob.

"Ayoko nga! Ang dami sa mesa eh. Kuha ka doon." sigaw rin ni Tommy sabay talon sa mesa nila Jasmine at Marco at doon sya naupo.

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon