Houses T.U.B.E

523 20 11
                                    

Maria's POV

Pagkatapos ng napanood na video, nagkatinginan kaming lahat maliban kay Sabrina na masama pa rin ang tingin kay Ashley

"Hey! Wag mo nga akong tignan ng ganyan! Wag mong sabihing pinagbibintangan mo na naman ako na ako yang bunny whatsoever na yan!" taas kilay na tanong ni Ashley

"Eh bakit nagu-guilty ka manang?" tanong naman ni Sabrina

"Eh tignan mo nga yang mata mo! Kung makatingin ka akala mo naman kung nambibintang!" sigaw na rin ni Ashley

"Tignan ko mata ko?" tanong ni Sabrina at nagduling na parang tinitignan ang mata nya kaya napataas na lang ako ng kilay sa kanya "Sorry hindi ko makita! Dyan ka na nga! Tara na guys!" dagdag ni Sabrina at lumabas na. Wala na kaming nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya.

Sa room, nasilip ko sa bintana na nasa loob na si sir.

"Sabrina! Hinay-hinay lang! Nasa loob na si sir." paalala ko sa kanya kaya bigla syang humarap sa akin

"Pakialam mo ba? Close na ba tayo?" tanong nya sa akin sabay sipa ng pinto. Sakto ring nakita namin si sir na nakatingin na sa amin

"Ano? Tatayo na lang kayo dyan habambuhay?" tanong sa amin ni sir kaya natawa si Sabrina 

"Ang tanga ng isang tao kapag nakatayo lang sya habambuhay sa iisang area! Ano sya, pinaglihi sa mannequin? Doon na rin ba sya kakain, matutulog, magpapakasal, mabuntis at umiri? Ang tanga nun sir kung alam mo lang!" sabi nya at pumasok na. Pumasok na rin naman kami at papaupo na sana ako nang tawagin ako ni sir

"Teka sino ka? Estudyante ka ba dito?" tanong ni sir

"Opo sir. Fresh and new!" sagot ko sabay peace sign. Sasagot pa sana si sir nang nagsitilian ang mga babae sa loob at labas ng room.

"Oh my gosh! My boyfriend is here!" sigaw ni Rica at tumakbo na palabas pero hinila ito pabalik ni Harley 

"Gaga! Akin sya! Kami partner dito!" sigaw ni Harley at inunahan nang lumabas. Natanaw ko naman kung sino ang pinagkakaguluhan kaya pati ako ay napatili na rin.

"WAG NGA KAYONG MAINGAY!!!" sigaw ni sir pero hindi namin ito pinansin. Nakitakbo na ako sa labas para makita kung sino sya

"OMG!!! Ang wafu mo talaga Renz!!!" Sigaw ni Rica. Renz pala pangalan nya?

"Sino yang si Renz? Bakit ang gwapo nya?" tanong ko kay Marco habang niyuyugyog ang baso nya. Kung pwede nga lang mapunit ang labi ko kanina pa napunit dahil sa sobrang ngiti

"Sya si Renz. Kung si Harley ang campus royalty, si Renz naman ang campus heartthrob. Type mo?" ewan ko kung guni-guni ko lang, sumimangot ba sya? Basta gwapo si Renz. 

"Hi guys!" natulala naman kaming lahat nang makita sya sa personal. SI YANNA CONCEPCION!!!

"HI YANNA!!!" sigaw namin at yayakapin na sana sya nang harangin sya ng PA nya yata?

"Huy mga ati mga koya! Bawal pu lomapet kay madam! Sinsitib ang balat ni madame!" napataas naman ang kilay naming mga babae sa sinabi nya. Kung ako hanggang rooftop lang ang kilay ko, hetong war freak na si Sabrina hanggang ulap na ang kilay

"Bawal? Edi sayo lang yang amo mo! Lamunin mo!" sigaw ni Sabrina pero tumawa lang si Yanna

"Ano ka ba Mimi, ayos lang. Group hug nga guys!" woah! Ang bait pala nya sa personal! Sya pa lumapit sa amin. At ang pinakamalupet, sya pa talaga nag-volunteer na lumapit sa amin. Nakakatuwa lang. Hindi ko na naman tuloy namamalayan na hinihila ko na naman yung sleeves ng polo ni Marco. Bakit ba kase sya tabi ng tabi sa akin? Hayan tuloy sya ang napagdidiskitahan ko.

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon