Ryan's POV
"Anong oras na ba? Bakit wala pa sina Marco?" tanong sa akin ni Katie habang nagpapapak ng mani. Oops, masyado yatang green pagkakasabi ko? Basta kumakain kaming lahat ngayon dito sa house T. Ang luwang kase ng bahay nila. Dito namin ngayon kinakain yung napakadaming pinauwi sa amin ni nanay. Shinare ko na sa lahat kase masyadong marami para sa amin lang ni Katie.
"Malay ko? Weekend ngayon baka naman gumala sila o di kaya baka umuwi na sila?" sagot ko
"Imposible, hindi uuwi sa amin ang kapatid ko. Taga-Bicol pa kami. Mauubos lang oras nya sa biyahe kung ganoon." sagot naman ni Markus
"O baka naman hiniram nila yung service natin tas nag-road trip sila?" medyo nanghinayang naman ako sa sagot ni Jasmine. Sayang naman kung ganoon.
"Hindi naman siguro nila magagawa yun. Lalo na si Jacob. Sya ang president kaya hindi sya papatag na sumama. Kung sasama man sya, hindi rin yun papayag na maiiwan tayo." sabi rin ni James.
"Hindi naman malayo ah! Alam mo kase fafa James, nakakapagod maging president. Eh baka naman nag-flysu na sila talaga sa Bicol." sabi naman ni Rica
"Imposible ngang mamngyari yun Rica! Antagal kaya ng biyahe mula dito hanggang sa amin. Uubusin lang sila ng oras." sagot ni Markus
"Bakit? Nasubukan mo na bang maging presidente?" tanong ni James
"Yeah, once. Isang taon lang naman. Hindi ko kase nakayanang mag-handle ng madaming bakla! Nakaka-burn ng eyebrow! Yung federation kase namin ang daming echuserang beki! Hay, I don't want to remember na! Nakakasira ng beauty!" sagot ni Rica kaya binato ito ng tinidor ni James.
"Anong sabi ko sayo? Diba wag kang babakla-bakla, ha!" sigaw ni James
"Ahem, sir yer sir!" matigas na sagot ni Rica sabay salute pa kaya natawa ako. Hindi nya bagay maging lalaki. Naka-make up pa sya na hiniram kay Katie tas lalaking magsalita? Hahaha
"Anong pangalan mo?" maotoridad na tanong ni James.
"Rica Ignition!" sagot nya sabay tili kaya natawa ako.
"Anong pangalan mo?" ngayon ay may halo nang panggigigil ang tanong nya na animo'y gusto nang manuntok anytime.
"Ricardo Ignacio Jr." matigas na namang sagot ni Rica
"Good! Ngayon ang mga lalaki, hindi nagsusuot ng make up. Pumasok ka sa CR bilis! Maghilamos ka doon!" utos ni James
"Sa CR talaga? Hindi ba pwedeng sa kusina na lang? Mas malapit kaya tayo sa kusina!" malambot ulit na sagot ni Rica.
"Buburahin mo yang make up mo o buburahin na kita sa mundong ito?" tanong ni James
"Heto na! Heto na diba? Papunta na sa CR! Heto naman!" sabi ni Rica at umalis na. Pagkapasok nya ay nagpatuloy na kami sa pakikipagkwentuhan hanggang sa bumalik na si Rica
"Oh, tignan mo, ang pogi mo pala kapag walang make up!" sabi ni James
"Sabi ko na nga ba eh. Hindi lang pala ako ang bakla dito. Pati pala si James. Kaya naman pala gustong ipatanggal yung make up ko kase naaakit rin sya sa akin! Hahaha!" dahil doon ay nagtawanan kami pero natigil rin nang ibagsak ni James ang kamay sa mesa.
"Wag mo nga akong gawing bakla Ricardo! Ginagawa ko lang ang nararapat sayo! Magkaibigan ang mga daddy natin kaya obligasyon kong bantayan ang kapakanan mo!" sigaw ni James.
"Oh sya, tama na pare!" matigas na sagot ni Rica kaya natawa na lang ulit kami. Pero yung palihim at pasimpleng ngiti para hindi na mag-init ang ulo ni James
Umupo si Rica sa pagitan namin ni Sabrina tsaka bumulong
"Bwisit naman yang James na yan oh! Panira ng moment!" bulong ni Rica
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube
HorrorAng kwentong ito ay ang book 2 ng kwentong BARYO... Kaya kung hindi nyo pa nababasa ang Baryo, you better read it bago nyo pasukin ang kakaibang mundong ito. Bagong patayan, bagong killer, bagong characters, bagong pamamaraan ng pagpatay at bagong m...