Tricky Parasitic Task

277 18 2
                                    


Jacob's POV

Pagkatapos ng riddle na yun, alam kong takot na lahat ng mga kaklase ko kaya bilang presidente, minabuti kong mag-house-to-house para i-lift up ang mga kaklase ko

"Guys, wag matakot! Galaw-galaw! Hala, anong oras na! Magsibihis na guys!" siyempre sa bahay ko muna inuna na manermon. Aba't anong oras na nakuha pa nilang magmukmok?

Lumabas na ako at nagtungo sa house U. Aba naman! Naka-lock? Wag nilang sabihing apektado sila sa sinabi ng bunny mascot?

"GUYS!!! ANO BA!!! ANONG ORAS NA!!! LUMABAS NA NGA KAYO DYAN!!! JAMES!!!" sigaw ko sa labas habang kinakalabog ang pintuan nila

"Ano ba! Umagang-umaga!" sigaw rin James mula sa balcony nila sa taas. Teka nga, ibig sabihin totoong tulog pa sila? Na hindi nila narinig yung sinabi nung bunny mascot?

"Teka? Tulog pa kayo?" nagtataka kong tanong

"Oo! Tulog pa kaming lahat! Ang-aga-aga!" sigaw nya

"Oh? Osha! Bumaba na kayo dyan at anong oras na! At anong maaga? Bumaba kayo bilis!" sigaw ko sa kanya kaya padabog syang bumalik sa loob. Narinig ko pa nga mula dito na ginigisng na nya ang mga kasama nya.

Dumiretso naman ako sa house B at nakita kong ready to go na sila.

"Oh, guys! Mabuti naman at nakaayos na kayo. Good job guys! DI gaya sa tatlo pang bahay na kailangan pang sigawan." sabi ko sa kanila habang nakasandal ang balikat ko sa gilid ng pinto nila.

"Yeah I know! Ako pa ba na leader nila?" pagmamayabang ni Markus

"Hoy, ano sa tingin mo ang ginawa mo? Lahat kami dito kusang gumising at nagbihis. Kami pa nga nagluto eh. Ikaw anong ginawa mo? Bagong gising ka pa nga lang eh." pambubuking naman ni Sabrina kaya natawa na lang ako. Wala akong time na makinig pa sa pagtatalo nila kaya minabuti kong pumunta na lang sa house E.

"Marco? Are you ready to go na?" tanong ko sa kanya nang makita sya sa sala nila.

"Yes, all set na kami." sagot nya naman. Nakita ko ring ready na ang lahat pero ang napansin ko ay si Katie na parang wala sa sarili.

"Marco anong nangyari dun?" tanong ko at itinuro si Katie

"Ewan nga namin. Takot yata sa bunny mascot? Simula kase kaninang nagbigay na naman ng riddle yung bunny mascot hindi na yan mapakali." sabi nya kaya tumango-tango na lang ako.

"SIge, sumunod na rin kayo ah. Parating na yung bus natin."

- - - - -

"Hoy, kanina pa akong dada nang dada dito! Nakikinig ba kayo?" tanong ni sir De Vera. Tama nga, nandito na kami ngayon sa room pero wala namang nakikinig sa kanya maliban na lang kina Bernardo at Ezekiel. Wala kase kami sa sarili mula nung narinig yung riddle. May mga nagsusulat pero hindi tungkol sa lesson. Tina-try kase nilang sagutin yung riddle.

"Hindi!" matamlay na sagot ni Sabrina kay sir.

"Ano??? Kanina pa akong salita ng salita dito hindi man lang kayo nakikinig? Humanda kayo! Maglabas kayo ng yellow paper!" sigaw ni sir De Vera

"Eh kung ayaw namin?" tanong naman ni Harley na nakatingin lang sa bintana.

"Mamili ka Harley! Maglabas ng papel? O lumabas ka na ng silid?" tanong ni sir De Vera. Wala namang emosyon na lumabas nga ng silid si Harley

"O kita nyo? Pilosopong babae! Kaya sa mga hindi interesado sa lesson dyan, pwede na ring lumabas." dahil sa sinabi nya ay nagsilabas naman ang mga kaklase ko hanggang sa ako na lang ang natira. Pati sina Ezekiel at Bernardo nakilabas na rin. Kaya no choice ako kundi lumabas na rin pero bago ako nakalabas ay tinawag muna ako ni sir 

Mortem's Curse: Revenge from the Test TubeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon