Zach POVNaimulat ko ang mga mata ko at nagising sa realidad na nasa Kingdom of Elements pa rin ako. Tamad na tamad akong bumangon at maghanda para sa pagpasok sa ORDINARYONG school namin. Matapos mangyare yung kahapon ay pinayagan na kaming lumalabas. Panibagong araw na walang ability at buhay pa kami. Nakakagulat diba?
"Zach" napalingon ako kay Collie na nakahiga rin gaya ko
"Oh?" tanong ko
"Luto ka na" pag puppy eyes nya pa. Do i look like a maid here?
"Andyan naman mga dwarfs ah" sagot ko nang maamoy ang mga putaheng niluluto.
"Eh mas masarap ka magluto eh" reklamo nito na pupungas pungas pa dahil sa maagang paggising.
"Eh katamad" saad ko at pumikit na nararamdaman ko na naman ang antok
"Zachary"
"Teka? Parang pamilyar yang boses mo" para kasing narinig ko na noon, san nga ba? Hindi ko lang maalala kung saan
"Magandang binibini" ah! naalala ko na yung lalaking boses na yan! Sya yung sa ability test! Hindi ako maaaring magkamali sya yun!
"Bakit ba di ka nagpapakita?" Inis na tanong ko
"Makikita mo rin ako, wag kang excited. Alam kong gwapo ako pero di pa toh ang tamang oras para makita mo ako" ang yabang!
"Tss Diba panaginip ko toh? Ibig sabihin di ito totoo? Kaya kong kontrolin?" tanong ko
"Ako ang nag-control nito, andito lang ako para balaan ka"biglaang pagseseryoso nito. Maging ako ay kinabahan at nangatog ang tuhod.
"Bakit?" tanong ko
"Malapit na lumabas ang abilidad nyo, kapag dumating ang araw na iyon, gusto kong kontrolin mo ang emosyon mo pati na rin ang sa mga kaibigan mo. Hindi lang pahamak ang dala nito, pati kamatayan ay maaring mangyari. Ito'y lubos na makapangyarihan . Hatid nito'y kapayapaan ngunit sa maling paggamit, ito'y kamatayan" nakakakilabot nitong sabi. Bakit kasama ang mga kaibigan ko?
"Kelan?" tanong ko
"Malapit na" huling narinig ko mula sa lalaking boses
"Master Zach! Master Zach!" nagising ako sa tawag sakin ng mga dwarfs
"hm?" ang komportable ng higaan ko ayoko nang tumayo
"Late na po kayo Master!!" Ngunit sa narinig ay napabalikwas ako ng tayo
9:45?!
"Asan sila Collie?!" natatarantang tanong ko
"Umalis na po master" natataranta na rin yung mga dwarfs
Ang babait talaga! Iniwan ba naman ako?! Shit! I have 15 mins left! Eh sa paglalakad pa lang aabot na ng 10 mins!
"Urgh! Bwisit!" sigaw ko tsaka dumiretso sa banyo para gawin lahat ng ritual ko sa buhay! Di ako aabot!