Ava POV
"Our next battle is Princess Ava and Prince Luke!" Gulat kong tinignan si Luke na ngumisi lamang
Tumayo sya at naunang pumunta ng stage. Mukhang madilim at seryoso ang mukha nya ngayon, magiging punching bag pa ata ako
Nagtilian ang mga trainees na halos dumagundong na ang buong hall. Lalo na ng makita si Luke na nasa stage na.
"Goodluck Luke! I will cheer you" Sigaw ni Yvo na akala mo sya ang girlfriend! Haliparot!
Tinignan ko si Collie na nginitian ako at tinanguan. Is that a sign?
"Babe sabihin mo lang sakin kapag sinaktan ka ni Luke ah? Ililibing ko ng buhay yan pag nagkataon" kumindat pa ang isang haliparot!
Sa akin lang kumindat pero buong hall ang kinilig! Andami talagang kalahi ni Yvo dito. Pumunta na ko sa stage para harapin na ang lalaking nananakit kay Collie. Inirapan ko sya ngunit wala lang sa kanya iyon at ngumisi pa!
"Battle Start!" signal ni Headmaster
Agad syang nagbato ng malalaking water balls kaya lumipad ako para iwasan iyon. I made air blades made out of thin air that is quickly attacking him. Naiwasan nya lahat ng iyon na walang kahirap hirap. Bumaba ako ng stage at patuloy syang pinatamaan ng air balls
He attack with large amount of water, kaya agad bumaha sa loob ng stage. I immediately took flight, para iwasan ang tubig na iyon, little did I know, may buhay pala ang tubig! Sinusundan ako kahit san ako lumipad.
Kinuha ko ang oxygen content ng tubig, it evaporates into thin air na syang ginawa kong air blades at ibinato sa kanya. Namangha ang mga manonood at narinig ko ang pag cheer nila.
Naglabas ako ng Air tornado with matching air blades na syang ipinatama sa kanya. Iwas sya ng iwas at kapansin pansin ang galing nya rito! Ni hindi man lang sya nasugatan o kahit nadaplisan. Nilunod nya ang aking tornado blades kaya ang resulta? A whirl pool chasing me!
Iwas lang ako ng iwas hanggang sa matamaan ako nito sa binti at nagkaroon ng malalim lalim na sugat!
"FUCK YOU LUKE! SIRAULO KA AH!" dinig kong galit na galit na sigaw ni Lucas. Napatingin ang lahat sa kanya kaya napa face palm na lang ako. Nakakahiya Lucas!
Natapos ang laban at nanalo ang wala man lang daplis o sugat! Lecheng Luke yan! Lunurin ko sya sa inidoro, kasama yang Yvo!
Sinalubong sya ni Yvo at pinunasan ang pawis nito. Napatingin ako kay Collie na walang ginagawa kahit ano! Pahikab hikab lang at walang pakialam kahit may higad na yapos ng yapos kay Luke.
"Are you hurt Babe?" agad na salubong sa aking ni Lucas. Nakipagkamay sa akin si Luke at civil ko lamang syang nginitian. Nakabuntot sa kanya si Yvo na peke akong nginitian. Ha! The nerve of that whore?!
"Intense Battle! Let's move on to our next battle, Princess Collie vs Mr Fise!!" Maligayang anunsyo ni Headmaster Zeus
Collie POV
Muli na namang dumagundong ang buong hall sa sigawan nang tumayo si Fise. Walang kaduda duda na sya ang tinitilian! Nang tumayo ako ay nangibabaw ang mga sipol at pag cheer ng mga lalaki
Natawa ako sa mga reaksyon at kumaway. Tinignan ko si Yvo at agad na nginisian, maganda ang katawan mo Yvo pero kung pagtatabihin tayo ay malamang kawawa ang confidence mo.
Inirapan nya ako kaya mas nginisian ko pa sya, insecurity hits hard right? Mamatay ka sa inggit.
"Lakas" Zach murmurred kaya kinurot ko sya sa braso, napa angil sya sa sakit at saka tumahimik