Zach POV
"KYAAAAAAAAAAAAAH"
Nabingi kami sa tilian ng mga babae nang pagpasok namin sa multi-purpose hall. Nakita kong lumingon lingon si Collie, tinignan kung may kasunod ba kami dahil sa tilian. Napa face palm ako dahil sa itsura nya ngayon
It's our second day of festival. Walang masyadong nangyare kahapon simula kasi nang sunduin ni Yvo si Luke ay nawalan na ng gana ang lahat at umuwi na lang sa dorm. Tinignan ko naman si Luke at Collie ngayon na magkahawak ang mga kamay habang si Caleb naman ay naka akbay kay Riley
Flashback
"Collie okay ka lang ba talaga?" tanong ko, andito kami ngayong apat sa kwarto ni Collie
"Oo naman!" pagkukunwari nya
Mariin ko syang tinignan, tinatantya ang kanyang reaksyon. You can't lie to us Collie
"sus! Nagseselos yan" singit ni Riley
"Amin amin din huy!" gatong pa ni Ava
Napailing iling ako. Kahit hindi naman magsalita ay normal na makaramdam ng selos. Kahit pa sabihing willing mong ibinigay ang taong mahal mo sa iba, hindi ka pa rin aalisan ng pait at selos
"Oo na! Kayo kaya! Niluwagan ba naman yung kamay ko nang makita lang yung Ex nyang hilaw! Kaya ayun binigay ko na lang sya" kibit balikat na sagot nito
"Nakausap mo na?" tanong ko, seryoso syang napatingin sa akin
"Yup, pumunta sya rito kagabi. Pinaliwanag nya lahat ng nangyari at kung saan sila pumunta" aniya
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Communication and comprehension is the key to a consistent relationship. Pwede kayong mag usap pero wala rin kung hindi kayo nagkakaintindihan.
"Alam nyo? Ayusin nyo yan" si Ava na iniipitan si Riley
"Oo! Tama! Walang mangyayari kung di mo sasabihin ang nararamdaman mo sa kanya" sabat ni Riley
"Para san pa? Okay naman kami. She wants him? Edi kunin nya" natatawang sabi nito "If he wants me, then Yvo can't do anything about it right? Kung ako talaga''
Napatango tango kaming tatlo sa sinabi nya "Trust him Collie"
"Hays! Tama na drama na eh" pagkukunwari nya nang tawa
"Goodnight Flat!" Pang aasar ni Ava kaya nagtawanan kami
Bumalik ako ng sarili kong kwarto para matulog nang pagpasok ko sa kwarto ay ikinagulat ko ang malamig na titig galing sa isang taong pinaka iiwasan ko. Nakatayo sya sa dilim, tiim bagang at madilim ang mukha. This is a surprise? Ang tagal nyang hindi pumunta rito, not that I want him huh.
"Where have you been?" He ask in a mono tone ngunit siguro kapag iba ang nakarinig malamang ay maiihi na sa matatakot
"Why are you here?"kunot noong tanong ko
Oh please lumayo ka sakin, gusto na kitang kalimutan! I decided not to confuse myself anymore. Mas lalo lang akong di makaka ahon kung sisisirin ko pa rin ang lahat ng dahilan sa kanyang bawat ikinikilos.
"I ask first" sabi nya sa isang matigas na ingles
He ate the distance between us habang ako'y patuloy ang paglayo sa kanya. His presence gets all the air to the point where there's nothing left for me.
"Why do you care anyway?" inis kong tanong, tuloy ang aking pag atras hanggang sa maramdaman ko ang pintuang humahalik sa aking likod. Dead end
Bitterness dripped all over my voice that i can almost hear it.