So I decided to draw Collie, this drawing is just based on my imagination.. kung may kamukha man, coincidence lang
Collie POV
Di ko pa kayang magpakasaya at lumabas dahil ang sakit pa rin. Pakiramdam ko nalumpo ako. Kahit anong pilit nila sa aking lumabas at makihalubilo ay di ko pa rin kaya. Hinihila ako ng aking kama
"Sienna" tawag ni Papa
"Pa" napabangon ako sa kama ko at saka pinunasan yung luha ko
"Gusto mo bang matulog sa kwarto namin ngayong gabi?" aya nya sa akin
Nagulat ako sa kanyng suhestiyon. Napangiti ako at napatingin sa napakagwapo kong ama
"Pwede po ba?" Tanong ko, nginitian nya ako at hinalikan sa noo
"Ofcourse Princess" he gently said
Sumunod ako kay Dad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto. Pagbukas nya sa pinto ay nakita ko si mama na nakaupo sa malaking kama at mukhang malalim ang iniisip.
"Ma" tawag ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin saka tumakbo at yumakap sa akin
"I'm so worried Sienna" yakap nya sa akin
"I'm okay mama" sagot ko
"Mama's here Sienna" hagod nya sa likod ko
"Yehey! Slumber Party!!" biglang pasok ng family ni Luke
"Mom I told you this is not the right time!" inis na sita ni Luke kaya natawa kami
My eyes darted on Luke, seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Ang kanyang ina ay napahiyang tingin sa akim, I smiled shyly at her.
"What? Oh no. I'm sorry" pahiyang yuko ni tita
"No po! Masaya po kapag lahat tayo ay nandito" pigil ko sa pag-alis nila
"You sure, hija?" tanong ni tito kaya tinanguan ko sya
"Opo" nakangiting tugon ko
"Collie" pagpigil sa akin ni Luke
"Yehey!!" masiglang sigaw ni tita
All night was fun. Kwento ng kwento si tita kung gano kakulit si Luke noon at eto naman ako na tuwang tuwa na nakikinig. Habang si Luke ay madilim ang mukha na nakatingin lamang sa akin, mabuti na lang at walang nakakapansin!
"At alam mo ba hija, napaka lapitin nang babae ito noon!" Pagmamalaki ni tita, nagtaas ako ng kilay at tumingin kay Luke
Hindi lang ata noon iyon.
"Kahit naman sa ngayon Furces! Napakagwapong bata naman kasi nitong si Luke" komento ni Mommy
"Aba syempre, sa akin ata nagmana yan" tatawa tawang singit ni Tito Ayzes
Sinabi nyo pa, may baliw ngang ex yan eh. Kamuntik muntikan na kaming oatayin dahil sa kagwapuhan nang anak ninyo. Sa sobrang gwapo ang sarap itago.
"Diba Collie? Napakagwapo ng anak nila tita mo?" Nakangiting sabi ni Mommy, I looked at her, may bahid ng pang aasar ang kanyang mga ngisi.
"Uhm" nablanko nag iniisip ko nang titigan nya ako ng mariin, para bang nag iintay rin ng aking sasabihin
"Opo naman" pinamulahan ako ng pisnge dahil sa pagngisi ni Luke, nag iwas ako ng tingin sa kanyan ngunit ramdam na ramdam ko ang kanyang intensidad
Si Mom naman nagkwento kung gaano kabait at kadisiplinado ang mga tao dito. Walang nakaka angat na kaharian, lahat ay pantay pantay at may pagkakaisa.