Ava POV"Magluto ka na" utos ni Mayson kay Zach. Close?
Lahat kami nakatunganga ngayon sa mesa, lahat ay kumakalam ang sikmura. May tinatawag din kasing off ang mga dwarfs. So basically wala sila ngayon at wala rin kaming makain.
"Inuutusan mo ko?" naiiritang utas ni Zach, ayaw kasi ng inuutusan nyan eh. Please lang Mayson manahimik kana nang may makain na. Kumakalam na ang sikmura ko!
"Zach! Dali na gutom na kami oh!" nagsusumamong si Riley na halong mangiyak ngiyak na. Konti na lang rin mag mamakaawa na ko kay Zach!
"Zach naman eh! Gutom na kami oh!" si Caleb na nakikiusap na rin
"K. Fine" walang nagawang pagsuko ni Zach, tumayo sya at isinuot ang apron. Finally! Nabuhay ang dugo ng lahat. Maging si Collie na nakasubsob na sa mesa at napa angat ng tingin.
"Hay sa wakas!" pagdiriwang ni Caleb
"Di nyo ko tutulungan?" Mataray na tanong ni Zach
Wala nga palang marunong magluto sa amin! Nagkatinginan kaming pito, di alam kung anong gagawin.
"Marunong ako!" prisinta ni Lucas. Napairap ako sa masigla nitong pagtayo. Tignan ko lang kung uubra ka kay Zach tsh shameless cassanova!
Pati ba naman si Zach? Pagkatapos saking manglandi si Zach naman?! Oh im not jealous! Nakakatapak lang talaga ng Pride. How could he do that? Well maybe thats his specialty. Bakit pa ba ako magugulat
"Cut this" bigay ni Zach kay Lucas ng meat. Pinapanood lamang namin sila at sa bawat pagngisi ni Lucas ay tsaka namang pagkulo ng dugo ko
"Yes ma'am" magiliw na sabi nito. I rolled my eyes
Nagpatuloy sila sa pagluto ng iba't ibang putahe. Nakangisi si Lucas hanggang sa matapos. Kainis! Mabilis silang natapos dahil ginamitan nila ng mas malakas na apoy na kontrolado naman ni Zach.
"Yum! Fried Rice, Omelette at Chicken teriyaki! Ang galing nyo guys!" sigaw ni Riley nang magsimula nang tikman lahat ng putahe
This is delicious! The chicken teriyaki is tender and it just melts in my mouth! Muntik nang mawala ang inis ko kung hindi lang may sumabat sa aking tabi.
"Musta? Ako nagluto nyan" kindat nya sakin, tusukin ko mata mo eh!
"Tss, kasama mo kaya si Zach" sabay inirapan ko sya
"Nagseselos ka babe? My baby is jealous" What?! Marahas ko syang tinignan
"Kapal mo. Don't talk to me di tayo close" pag isnab ko sa kanya
Nang natapos kumain ang lahat, naligo at naghanda kami para sa panibago na namang araw ng training. Sabay sbaay kaming naglakad sa hallway. Pansin na pansin ang tinginan ng mga tao sa paligid. I even saw some familiar faces. Yung dating nambully sa amin ay halos hindi na makatingin ngayon
"Today we'll teach you some battle skills" maawtoridad na sabi ni Luke habang nakapamulsa pa
"Yes!" Pagdiriwang ni Lucas. Bakit excited tong babaerong toh?
Nakarating kami ng battle field at hinila na agad ako ni Lucas palayo. Inis na inis naman ako dahil sa pagdidikit ng balat namin! Maliligo ako ng alcohol mamaya?
"Ano toh?" tanong ko sa kanya nang bigyan ako ng isang matalas at puting Sword. Its heavy and deadly.
"Follow my every move"