Zach POVPagmulat ng mata ko ay wala na si Ava sa kanyang kamay! Shit natakasan ako! Ang aga aga!
"Kalalabas lang ni Ava" sabi ni Collie na nagbibihis din
Nagmadali akong tumayo at kinuha yung jacket ko para lumabas. Di pa sya nakakalayo! Sinundan ko lang sya ng sinundan hanggang sa makarating kami ng Multi-purpose hall! Hindi nya ako naramdaman man lang!
"Morning" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang litaw ni Fise sa tabi ko
"M-Morning, kanina ka pa?" tanong ko at tumango naman sya. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid, this is not really good.
Nakaupo si Georgina na nakapadekwatro pa. Tinakpan ko yung bibig ko para di makagawa ng anumang ingay. She's really crazy! Para sa lalaki gagawin nya ito? At ang pumatay! That is just plain stupid! Where is her class? Halatang halata na desperada
Ava POV
Kung sakaling mamamatay ako ngayon, nag-iwan na ako ng note sa kama ko para masabi sa kanila lahat ng habilin at gusto kong sabihin sa kanila. Atleast I face it alone. Hindi damay ang mahal ko sa buhay. They're my family, I can't afford to see them hurt or bled because of me.
"Hi my dear!" lumapit sya sakin at nagbeso. I alert myself sa maaari nyang gawin
"Anong kailangan mo? I am here now!" tanong ko
"Simple. You. Out. Of. My. Fuckin. Way" tinuro nya pa sakin ng maarte. Kinilabutan ako sa bawat pagsambit nya ng mga salita. Her head is out of control! She's fucking crazy!
"Alam mo? Ikaw yung pinakatanga na nakilala ko" pagngisi ko sa kanya na halata namang kinainis nya at alam kong anumang oras ay gusto nya na kong tapusin
"Shut up!" Nahihibang na sigaw nya
"You're so obssess to that playboy and it makes you blind huh? How about the innocent life of the girl you killed?!" Sigaw ko na ikinangiti nya.
"Oh you already know your future darling" her laugh is really creepy! Creepy as hell!
Naglabas sya ng thorns at sumugod ito sa akin, agad naman akong tumakbo palayo pero di ko pa rin naiwasan ang madaplisan sa braso at sa binti! That hurts. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa mga sugat na natamo. Naglabas uli sya ng maraming thorns at dahil mahina na yung binti ko ay marami nang tumama sa akin. Ramdam ko ang hapdi ng mga sugat ngunit nagpatuloy ako sa pagtakbo.
"Aww!" napangiwi ako sa sakit dahil sa may bumaon na isang thorn sa gilid ng binti ko. Lakas loob kong hinugot ito at lumabas ang mga dugo! Sh*t! This is bad!
May gumagapang na mga sanga sa may binti ko at nararamdaman ko ang pagtusok ng mga maliliit na tinik nito sa balat ko kaya agad kong nilabas yung dagger ni Zach! Oo kay Zach yan! Pinutol ko yung mga halaman na yun pero napuluputan pa rin ako sa paa. Ramdam na ramdam ko ang bawat tinik na mas lalong bumabaon sa aking binti. Madaming sariwang dugo ang bumabalot ngayon sa aking katawan.
"Aww!" muli kong daing dahil sa mga tinik na tumusok sa paa ko! Ang sakit! Puro dugo na ang damit ko at ganun din ang mga paa ko. May mga galos na rin ako sa mukha at di ko alam kung hanggang saan na lang yung itatagal ko. Nanlalabo ang mga paningin ko, No! Ava kaya mo toh
Lalo pang dumiin yung pagkakapulupot ng halaman na may tinik sa paa ko! Namamanhid na yung paa ko sa sakit! Inihagis ako nito sa pader at ramdam ko naman ang dugo na dumadaloy mula sa ulo ko. Dinig na dinig ko ang halakhak ni Georgina ngunit nanlalabo na ang mga mata ko.
"Please" pag mamakaawa ko, di ko na kaya
May bumubulusok na matulis na halaman papunta sa direksyon ko na handang sumaksak sa akin, ginamit ko ang natitirang lakas ko para makaiwas pero nadaplisan pa rin ako sa binti
"Argh!" ang hapdi talaga!
"Aww such a pity face" umakto pa syang naaawa
Unti-Unting nanlalabo ang mata ko pero ramdam ko na kumikilos yung katawan ko! Hindi ko na alam yung nangyayare!
Fise POV
Hawak ko sa kamay ko si Zachary kahit sobrang init nya at napapaso na yung kamay ko! I'm worried! Wala akong pakialam kung masunog pa yung kamay ko basta wag lang mapahamak si Zachary.
Biglang humangin ng malakas kaya napatingin ako sa direksyon nila Ava. I-Is that Ava?! No! Hindi sya yan! nag-iba yung kulay ng mata nya at lumutang sya! Bumulusok sya papunta sa harap ni Georgina na gaya ko ay gulat na gulat rin. Sinakal nya si Georgina at inihagis sa pader, kitang kita ang bakas ng isang tao sa pader. Nagpalabas si Georgina ng halaman na may matatalim na dulo tsaka ito pinapunta kay Ava pero naiiwasan nya lang ito ng walang kahirap hirap!
"Aray!" napadaing ako sa sakit ng mas lalo pang uminit yung kamay ni Zachary at nag-iba na rin ito ng kulay ng mata! Red! Ibinalibag nya yung kamay ko na pulang pula at saka naglakad papunta sa tabi ni Ava
Biglang bumalibag yung pinto at pumasok sina Riley at Collie na mukhang hindi rin sila ang may kontrol sa katawan nila. Napatingin ako sa gilid ng hall at namataan ko doon yung Apat na Royalty na tahimik na nanonood maliban kay Prince Lucas na puno ng galit sa mata at di mapakali
"Ha! Nagsama-sama pa kayo! Akala nyo matatalo nyo ko?! Porket hawak nyo ang apat na elements?! Hahahaha nagpapatawa kayo!" parang baliw na nagsasalita si Georgina
Nagpakawala si Georgina ng mas malalaking thorns na may lason sa mga dulo, lumipad si Ava para iwasan yun, gumawa ng malaking barrier si Riley na gawa sa bato para protektahan ang mga kaibigan. Sunod na umatake si Zachary ng Fire balls na iniwasan lang ni Georgina, agad namang nagbato ng mga thorns si Georgina at nadaplisan si Zachary sa braso! Napatayo ako at tinignan naman ako ng masama ni Mayson pero wala akong pakialam! Gumawa ako ng kulungan na gawa sa shadow at kinulong roon si Georgina na nagsisisigaw
"Ano ba! Fise wag ka makialam rito!" sigaw nya
Lumabas na rin yung apat mula sa gilid na ikinagulat ni Georgina.
"Aww" mukhang bumalik sa katinuan si Zachary na halos matumba ngunit naalalayan ko habanh nawalan naman ng malay ang tatlo
"Are you okay?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya, nakita kong dumugo yung sugat nya
"Elemental Princesses" napatingin kami sa nagsalitang si Luke
"Kailangan natin silang madala sa infirmary!" wala sa sariling nasabi ko
Inalalayan ko si Zachary na tumayo pero di sya nagpatulong at tumayo sya ng mag-isa. Binuhat ni Luke si Collie , si Lucas ay ang nagbuhat kay Ava at nag-aalinlangan naman buhatin ni Caleb si Riley
Nanginginig ang tuhod ni Zachary habang naglalakad dahil sa panghihina, nang akmang bubuhatin ko na sya ay may nakauna saakin! Mayson, tinignan nya ko na parang nagtataka
"Buhatin mo si Georgina" utos nya at wala naman akong nagawa kundi buhatin ang wala na ring malay na si Georgina
"Hoy ano ba! Kaya ko nga maglakad! Ibaba mo ko!" reklamo ni Zachary
"Shut up" banta ni Mayson
"Ibaba mo na ko" utos ni Zachary
"Di mo pa kaya" seryosong sabi ni Mayson
"Pag sinabi kong kaya ko, kaya ko"ulit pa ni Zachary
Hindi na pinansin ni Mayson ang pagrereklamo ni Zachary kaya tumigil na rin ito.
~°~°~°~°~°~°
Fise or Mayson? Hahahaha
~Nicxanne_opena