Chapter 37: Dark Aura

5.8K 224 4
                                    

Zach POV



Okay na uli si Riley, parang hindi nga mababakas na nagkasugat yan eh. Hindi namin nagamot si Riley nang masaksak dahil sa patalim na may lason. Bago nawalan ng malay si Riley, sya rin namang huling paghinga ni Jill


Tama nga si Mayson, hindi sya nagtagal. I've read numerous books about hell fire it states one thing in common

'Hell fire is meant to be used for torment and punishment it is cursed flames of Hell, which can completely destroy anything it touches. The flames are not created, but instead summoned from the depths of Hell itself. Hell-fire can cause excruciating pain or even cause an instant death on the victim'

Tumindig ang aking mga balahibo sa mga nabasa ko. Even the sovereign and heroes die practicing that hell fire! Some souls fall into hell. Pano kung nagkamali sya ng mga panahon na yun?

He truly master fire element! And he even said that he will raise hell for me. Ayoko nun, ayokong ayoko


"Ang weird ng mga students today" puna ni Collie

Papunta kaming dalawa sa training center at dahil walang pasok ngayon, maraming nagkalat na estudyante dito

"I know" pagsang-ayon ko nang mapansin ang kataka takang kilos


Totoo naman kasing ang weird ng mga tao ngayon, dati kasi naglilingunan pa sila sa amin pero ngayon tuloy tuloy silang naglakad na parang walang ibang tao sa dadaanan nila


"Uy si Zharm" turo ni Collie sa harap lang


"Zharm!" tawag sa kanya ni Collie

Nilingunan nya ito ngunit mabilis din itong nagbawi ng tingin at umalis.

"Lah? Anong nangyari?" tanong ni Collie

"Baka may problema lang" kibit balikat na sagot ni Collie


Nakarating kaming Training Hall at wala ngang tao roon. Nagsimula kaming pumosisyon sa magkabilang dulo nun

"Ready?" tanong ko sa kanya

"Oo naman! Ako pa!" pagmamalaki nya


Tumakbo sya pasugod sa akin naghanda ako para sa kanyang atake ngunit nang kaunting distansya na lang ang layo nya sakin ay bigla sya lumagapak sa sahig


"Ano ba yan Collie! Clumsy ah!" humagalpak ako sa tawa

"Ikaw! Ang saya mo talaga pag nasasaktan ako eh!" pagbatok nya sa kin nang makatayo

"Talaga!" ang epic ng mukha ni Collie nung pabagsak na sya

"Tse!" singhal nya sakin

"Okay okay hahahahaha take two na!" di ko talaga matigil yung pagtawa ko kaya lalo syang napasimangot



"Okay ready na" naghanda sya ng katana nya at itinapat sa akin



"Okay" sa hudyat kong yun ay sumugod na sya sa akin pero this time wala nang commercial



"Oy ano toh?! Di man lang nagyayaya!" natigil kami bigla nang biglang pumasok si Riley at Ava na may dala ring kanya kanyang sandata

"Game!" sigaw ko

Kalaban ko na ngayon ay si Ava. Pinansangga ko ang katana ko dahil sa pagsugod nya sa akin, gamit ang pwersa ko ay inalis ko iyon at umikot at saka itinapat sa kanya ang katana ko. Saglit syang natigilan pero hinampas nya rin ang katana ko gamit ang sa kanya. Puro tunog lang ng nagbabanggaang katana ang naririnig sa buong training Center

Kingdom Of Elements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon