Ava POV
May pagkakaiba itong mundong toh sa normal na mundo, bakit? ang tawag kasi nila sa break/lunch time ay Pass time , ang tawag nila sa teacher ay Headmaster, at ang uwian ay Off time
Marami kaming naoobserba na kakaibang gawain ng mga tao rito tulad ng paglalaban kahit saan sa facilities, Pag-aalaga ng dragon, paggawa ng potions, paggamit ng wand at higit sa lahat ay ang pambubully samin
Binubully kami rito! Samantalang sa normal naming mundo ay halong sambahin kami! Si Riley kanina bigla na lang natumba pagkaupo dahil may kung sino ang nag-alis ng upuan sa likod nya, Si Collie ay nakatanggap ng potion na nagsabog ng harina, Ako naman napagtripan ng mga babae na idapa sa hallway at Si Zach ay nasugatan dahil sa blade petals na tumama na lang bigla sa braso nya. This is so much fun, please note the sarcasm!
"Uy tulala ka pa dyan! Lika na!" tawag ni Riley
"Urgh! Maiksing maiksi na talaga ang pasensya ko dahil sa mga isip batang studyante dito!" asar na asar na kasi talaga si Collie sa mga Bitch student dito! At hindi ko sya masisisi
"Lika na. Baka andun na sila Zharm"aya ni Zach matapos naming gamutin ang sugat nya sa braso
Naglalakad lang kami ng tahimik at kung siniswerte ka nga naman. Andito na naman ang aming 'bestfriends' sa classroom. Tss kala mo naman ang gaganda eh mukha naman silang clown na nahulog sa langit at guess what? Nauna ang mukha!
"Well, well, well" maarteng sabi ng lider ng mga bibe "Look who's there. Isn't them pity?" malandi pang tumawa ang bruha
Wrong grammaring si Ate! My nose tuloy is blooding! Anlakas mambully ni hindi naman nakapag aral ng tamang english!
"Yes Sis! Them so..... pathetic" dagdag pa ng left bibe
Pffft! Nakita ko ang mga kasama ko na nagpipigil rin ng tawa. This is so much for our first day! Dadagdag pa ang mga bibe na hindi ko alam kung sang lupalop nakukuha ang mga sinasabi!
"What your laughing?!" asar na tanong ni Bibe leader
"Wala.. Our nose is blooding na kase" natatawang sabi ni Riley
"Yuck! Them are very stupid talaga!" maarteng sabi ni Right Bibe
Di na namin napigilan kaya natawa na talaga kami! As in Halakhakan talaga! Lalo na si Collie na halos lumabas na yung ngala ngala sa pagtawa! Pano ba naman! Kami pa ang stupid! Estupidong bitches pwe.
"Are you angrying us?!" inis na tanong ni Bibe leader
Natigil kami sa halakhakan nang hawakan sa kamay ni Leader Bibe si Collie. Nakita kong napangiwi si Collie dahil sa bumabaon na kuko nito. Aalisin ko sana iyon pero naunahan ako ni Zach, hinawakan ni Zach sa braso yung bitch at nagulat kami ng ngumiwi ito sa sakit dahilan ng pagbitaw nya kay Collie. Ang arte naman nito! Hinawakan pa nga lang ni Zach e! Buti nga
"Ouchie!!!!! Why so init!!" reklamo nito , kitang kita ang pula ng braso nito. Pero teka! Dumaplis lang yung kamay ni Zach ah! Mainit daw? Nilalagnat ba si Zach?
"You------ Magbabayad kayo!" sigaw nya samin bago magwalk out. Naubusan na ata ng english
Dumiretso na kami sa Canteen ng academy. This is so catch! Walang pila! Nakaupo lang ang mga studyante sa lamesa nila at lumulutang lang ang mga pagkain at kusa itong pupuntahan! Pare-parehas ang pagkain!
May nakita kaming kumakaway sa bandang dulo ng Canteen. Sila na yun at may mga oagkain na rin para samin
"Icerich! Zharm!" bati ni Riley