Ava POV
Di ko na alam ang gagawin ko. Pangatlong araw na namin ito na nasayang, ang unang araw namin ay wala ring nangyare dahil pagkadating namin dito ay natulog na agad sya, kahapon naman ay sinubukan namin ng isang beses pero kumawala lang rin ang hangin at pagtapos nun ay iniwan nya na ako.
Ngayon nga ay natutulog na naman sya, di ko na talaga kaya ito! Napaka-selfish nya! Ang gusto ko lang nama'y makaalis kami agad dito! All I feel is indifference to him, parang hindi ko sya kilala
Kung maari ay ayokong lumaput ang personal naming buhay sa misyon na ito. Magkahiwalay dapat iyon. Sa ngayon sa nakikita ko ay malabo pa ring mangyari sa amin ang katuparan ng misyon. Kainis!
Nilapitan ko ang pwesto kung saan sya nakahiga at natutulog.
"Lucas!" paggising ko sa kanya "Lucas! Lucaaaaaaaaaaaaas!" sigaw ko pa
"Ano ba!" Inis na sigaw nya sakin
"Ganto na lang ba?! Wala pa tayong nasisimulan!" inis na sigaw ko sa kanya, kung pwede lang mag-isa ginawa ko na eh!
"The hell I care" malamig nyang sabi, nag tiim ang aking mga bagang at napapikit sa frustration. Pakshet ka Lucas, sagad!
"Ang selfish mo! Ayaw mo bang makaalis na agad dito at matapos ang misyon para makabalik ka na sa mga babae mo?" Tinignan nya ako ng mariin habang nag aangat baba ang dibdib ko sa inis "kasi ako gustong gusto ko!"
Nag-igting ang mga panga nya at kumuyom ang kamao. Wow, looks like his patience are gone, so am I!
"Get the fuck out of here" walang emosyon nyang sabi
Mas lalo akong pinamulahan ng pisnge sa inis. P*tangina ka Lucas!
"Kung wala kang pakielam, ako meron! Kung ayaw mo makipag cooperate edi wag!" lumayo ako sa kanya at tumalikod
Nagpunta ako malapit sa batis at dinama ang malinis at mahalimuyak na hangin sa paligid. Malayo sa distraction at kadiliman. I'll do it without him then! Sino bang may sabi na kailangan ko sya?
Nagfocus ako sa pagpapalabas ng enough na ability para makagawa ng elemental dragon. Baka katulad lang naman ito ng pagpapalabas ng air eagle ko. Habang ginagawa ko ito ay naramdaman ko ang basang luha sa aking mga mata.
Ava mag isa ka. Kaya mo. Hindi mo kailangan ng kahit sino. You're more than enough to be treated like that.
"Aaaaack!" daing ko dahil sumabog ang hangin na inipon ko at naging malilit na air blades, masyadong mabilis ang pangyayari at ang alam ko na lang ay ang mga hiwa na natatamo ko sa bawat daplis ng mga air blades
Hindi na lang luha ang dumadaloy sa mukha ko ngayon kundi sarili kong dugo. Pakshet Ava, pilitin mo! Kaya mo.
"Urgh! You need to do this Ava" pag-cheer ko sa sarili ko, puro dugo na yung damit ko! May iilang punit na rin dito. Kung tutuusin ay suicide tong ginagawa ko pero wala naman akong choice!
Hirap na hirap din akong tumayo. Pinaghilom ko yung mga maliliit at mababaw kong sugat dahil yun lang ang kaya ng lakas ko
Pinag-ipon kong muli ang natitirang lakas ko para subukan palabasin ang Air dragon ngunit sa pangalawang pagkakataon ay sumabog uli ito, mas malakas ang pwersa nito kaya tumalsik ako sa isang puno
"Accck!" daing ko, mababalian ata ako!
Ang hapdi ng mga air blades na humihiwa sa balat ko! Lasog lasog ang aking mga damit at puro hiwa ang aking katawan. Naramdaman ko rin ang dugong dumadaloy mula sa ulo ko. Nahihilo ako at nawawalan na ng pag asa