Dedicated to AndrianneArizoCollie POV
Limang araw na mula nung makarating kami sa academy, kasabay nang lumipas na limang araw na yun ang ang hindi pa rin paggising ni Riley.
It level up the pain when you see someone you love, in pain. It feels just like when you got your home but for a brief moment, you're homeless.
Nung araw na makabalik kami dito ay hanggang sa Infirmary ay wala kaming tigil sa pag-iyak, lalo na ako. Pero masasabi kong si Caleb ang pinaka apektado sa lahat, yung mapang-asar at masayahing Caleb ay napalitan ng tulala at tahimik na Caleb.
Sya lagi ang taga-bantay sa Infirmary, Ni ayaw na nga umuwi sa dorm yan eh kahit alam naming safe na si Riley pero hindi pa rin namin maaalis ang pag-aalala lalo na at hindi pa sya gumigising hanggang ngayon. Lalo na si Caleb na hindi pa namin nakikitang ngumiti man lang o magsalita
"Miss ko na kaingayan nyan" sabi ni Ava, binabasag ang katahimikan
Andito kaming lahat sa Infirmary. Kasama ang tropa, naghihintay kmai ng paggising mo Riley
"Wala yung maingay at mabungangang Riley" malungkot na sabi ni Edward
"Uy deng, andami nang nakakamiss sayo oh" sabi ni Zach
"Oy tumayo ka nga dyan" nilamutak pa ni Patrick yung mukha ni Riley kaya natawa kami ng bahagya
"Hoy panget.. Alam mo ba? Iniyakan kita? Di ko nga alam kung bakit eh! Humanda ka sakin pagkagising mo! Pagkagising mo, kahit araw-araw mo pa kong sigawan okay lang! I just wanna see my cute little tiger shouting at me'' natatawang sabi ni Caleb habang ako ay di mapigilan maging emosyonal habang naririnig sya
The way Caleb broke makes me cry. Kahit si Ava at Zharm ay pinipigilan na rin ang pagluha. Tanging si Zach lang ang nanatiling matatag ngunit mababakas ang lungkot na umaaapaw sa mga mata
"Ang tagal tagal mo naman magising pero asahan mo lang na maghihintay ako. Alam mo bang mas pipiliin ko pang makita na ngumingiti ka sa iba kesa naman andito ka at may sugat? Kaya gumising ka na dyan! Just come back please..." Ngarag na pagkakasabi nito, tuluyan na akong naluha kaya inabutan ako ng Luke ng panyo at inalo alo ako
Napatayo kaming lahat ng biglang dumilat ang mga mata ni Riley at tinignan kami isa-isa. Para kaming inalisan ng hangin sa puntong ito. Hindi pa rin makapaniwala na gising na sya
"Kung makapag-salita kayo parang patay na ko ah!" Sigaw nya sa amin
"K-Kanina ka pa gising?" tanong ko, di pa rin makapaniwala
"Oo at narinig ko lahat HAHAHAHA!" malakas syang tumawa
Susugurin sana namin ng yakap si Riley ngunit may nakauna na sa amin. Oh yes, may moment na naman sila. Halata sa mukha ni Riley ang pamumula at pagka awkward.
"Aray naman! Panget ka talaga eh!" sigaw ni Riley kay Caleb pero mahina lang itong tumawa na ngayo'y mukhang natanggalan ng malaking tinik
"Hoy! Akala mo nakakalimu-" magsusumbat sana si Riley nang bigla itong putulin ni Caleb
"I love you"
Riley POV
"I love you"
Parang tumigil ang lahat maski ang paghinga ko dahil sa narinig kong sinabi nya. My heart just throb when I heard him
It throb so much that it hurts. I like the way it affect me. The butterflies in my stomach just roared to life.