Collie POV"Di ka ba magpapasalamat?" naiirita na talaga ako dito sa lalaking toh eh, nakakainis! Ang yabang! Ayaw patahimikin ang buhay ko!
"Para san?" tinaasaan ko sya ng kilay at kumunot naman ang noo nya
"Tuwing napapahamak ka, ako lagi makikita mo dito sa Infirmary. Bakit ba napakalapit nyo sa disgrasya?" bakit ba napakadaldal nito? Lalaki ba talaga toh?
"Bakit ka ba kasi nandito?!" Di ko na napigilan yung sarili ko kaya nasigawan ko na sya
"Yah! Wanna die?!" Sigaw nya sakin! Sa lahat ba naman kasi ng ibibigay na kasama ko eh si Luke pa?!
"Eh bakit kasi pumunta punta ka pa rito!" sigaw ko sa kanya
"Ang kulit mo!" sigaw nya ng maangas sa akin. What's wrong with this guy? Seriously? Mag baby sit ba ko ngayon?
"Wow ako pa ah?! Sino kaya tong pumasok na lang ng basta basta dito?! Ako ba?!" bwisit talaga!
Bigla syang lumabas at binalibag pasara yung pinto. Nasa Infirmary pa rin kami. Finally, peace of mind. Makakatulog na ako ng tahimik-
"Hala next target kawawa"
"Grabe oh"
"Mukhang galit na galit si prince"
Sigawan sa labas. Out of curiosity ay napasilip ako sa labas ng pinto at agad na napatakip sa bibig ko. S-Si Luke m-may binubugbog! Physical na lakas lang ang gamit nya pero malakas pa rin sya! Puro Dugo na yung damit nang lalaki! Wala man lang ni isang umaawat. Anong klase toh! Walang kalaban laban baka mapatay pa ni Luke toh!
"Luke!" napatingin sa akin lahat nang nandito pati na rin si Luke na natigil na sa pagsuntok habang ang kawawang nilalang ay wala nang malay
Lumapit si Luke sa direksyon ko at tinignan ako mata sa mata, natatakot ako at nangangatog ang tuhod ngunit hindi nagpatinag sa titig nya. Hinigit nya ang kamay ko paalis sa bundok ng tao at dinala sa kwarto. Hinayaan ko syang kaladkarin ako kesa naman hayaan syang mapatay ang lalaki kanina.
"Bakit mo ginawa yun?" pinilit kong alisin yung takot ko at tinignan sya sa mata. It is full of unknown emotion. Naka igting ang kanyang panga at halatang hindi pa tapos sa pananakit kanina.
"Bakit ka lumabas?" Malamig nyang tanong
"Sagutin mo muna yung tanong ko" pilit ko. Kung titignan ang lalaking kanina ay makikitang wala talaga syang laban kay Luke. Sa laki ng katawan at sa tangkad ni Luke, kahit hindi nya gamitin ang ability ay kayang kaya nyang tapusin ang lalaking yun
"That guy is stalking you!" nagulat ako sa nakikita kong galit sa mga mata nya na pilit nyang inalis
"What? How do you know?" tanong ko
"For a couple of days" mahinahon nyang sagot "Why Am I explaining myself to you?" Nilapitan ko sya at hinawakan ang kamao na ngayo'y may bahid rin ng dugo.
"Thank you" halos pabulong na yun pero nasisigurado kong narinig nya dahilan ng pagkatigil nya. Amusement is evident in his eyes na ikinapula ko. Tumayo ako at akmang aalis nang tumayos sya na ikinatigil ko
"Say it again" kinulong nya ko sa mga braso nya at yumuko para pumantay ang tingin nya nang nakangisi
"Abuso" pagtataray ko sa kanya pero mas lalo lang syang ngumisi