Riley POV
Limang araw na rin ang lumipas simula noong malaman nila ang ability namin. There's no change at all, nanatili kami sa C-class section at nakakagulat na di pa rin ito alam ng iba maliban na lang sa mga kaibigan namin at dun sa Apat na royalties. Bumalik na rin sa normal ang lahat.
"Lalim ng iniisip ah" bati ni Collie, andito kami ngayon sa multi-purpose hall at naghihintay kay Headmaster Yuri dahil sa biglaang announcement.
"Sisirin mo" pambabara ko sa kanya
"Lah! Pilosopo ka ah!" binatukan nya ko kaya ginantihan ko rin sya at ayun na nga nagsimula ang World War III
"Huy! Tumigil nga kayong dalawa dyan!Ang ingay nyo! Andyan na yung Royalties oh!" turo ni Ava sa apat na naglalakad mismo sa gitna.
Pasikat! Napatingin sa akin si Caleb at binelatan pa ko! Tsh! Tanggalin ko yang dila mo eh!
"Ehem" nakuwa ni Headmaster Yuri ang atensyon naming lahat "May I request the presence of our Royalty Princes here in front" tawag nya dun sa apat na monggoloid
"Siguro nagtataka kayo kung bakit namin kayo ipinatawag dito. May magandang balita lamang kaming sasabihin sa inyo" ano naman kaya yun? Ngiting ngiti si Headmaster habang nagsasalita. Naexcite tuloy ako
"Lika labas tayo" aya ni Zach na mukhang hindi mapakali. Whats with her?
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko
"Sa labas na ko magpapaliwanag lika na!" natataranta nyang utos sa amin
Tumayo na kami pero sabi ni Zach yumuko lang daw para di makaistorbo. Ang weird talaga nuto! Kung kean naman naeexcite ako sa announcement. Pano kung sembreak pala yun! Edi hindi kami makakasamang sumigaw dahil sa saya!
"Let me present to you, The Long Lost but now found Princesses! Zachary Louise, Sienna Collie, Tanya Riley and Ava Hailey!" nagtinginan naman sa amin yung mga tao na nandito at mukhang gulat na gulat, napatingin ako kay Zach na napapikit dahil sa narinig at mukhang iritang irita
"I knew it!" Frustrated na sabi nito. Umayos kami ng tayo ay siniguradong hindi mapapahiya. Grabe toh! So much attention! Hindi na ako sanay
"Please Come here" tawag sa amin ng Headmaster kaya nagsimula na kaming lumakad papuntang stage "From now on, You must give respect to them"
Nagbow silang lahat sa amin, di ko alam gagawin ko. This is awkward! Nginitian ko ang mga nakita kong nakatingin sa amin. Di ko inaasahang ganito pala ang feeling ng pinupuri ng lahat! Ganito pala ang feeling ng mga hari at reyna. Even though some are just worthless, people still bow to them as if they surrender their life to them. People give respect and all you have to do is play your role
Nakaakyat kami sa stage at nagbow din. Nagpalakpakan ang lahat. They're getting their hopes up. We bring hope? Dapat ba silang mag expect?
"Pwede na kayong bumalik sa mga rooms nyo" nagsi-alisan na ang lahat at pati sana kami ay lalabas na nang tawagin kami ni Headmaster
"Princesses? Pumunta kayo sa office ko" magalang na tawag nya sa amin kaya sinundan namin sya
Malaki ang office nila at may mahabang table kung saan nakaupo yung apat na Monggoloid at yung limang headmaster. Pinaupo nila kami sa harap nung apat na Mongoloid kaya sinunod namin. Inismiran ko si Caleb dahil sa nakakaloko na namang mukha nito.
"Masaya kami sa muling pagbabalik nyo" nakangiting bati ni Headmaster Celestine, sa pagkakaalam ko may limang headmaster ang namumuno sa Academy. Pinakamataas si Headmaster Yuri, sunod si Headmaster Celestine tapos si Headmaster Hera tapos si Headmaster Zeus at huli ay si Headmaster Athena