Chapter 12

932 16 1
                                    

[ Sa bahay ]

"Oh anak, kamusta na pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong sakin ni mama. Sinabi ko kasi kay mama yung nangyari kanina sa school. "Ok, lang po ako ma... medyo masakit nalang po ng kunti yung ulo ko." Sagot ko naman kay mama. "Alam mo, magpahinga kana dun sa kwarto mo, wag kanang masyadong magpapagod." Payo ni mama sakin. "ok po ma..." agad naman akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa kwarto ko...

Hanggang ngayun di pa rin ako mapalagay. Sa tuwing naiisip ko kasi si Christian kumukulo talaga yung kalamnan ku eh... yung tipong gusto ko syang bugbugin... KAKAINIS!!!

"Ay KABAYO!" sabi ko nung biglang tumunog yung phone ko.

"Hello Mitch... kamusta kana? Balita ko nahimatay ka raw kanina sa school?" pag-aalalang tanong ni Zam sa kabilang linya

"Ok na ko Zam, wag ka ng mag-alala pa sakin..." sabi ko dito

"Ok...' pag may problema ka alam mo kung san ka tatawag ah..." – Zam

"Opo Mom..." pagkasabi ko nun, agad nya na ring binaba ang phone. Zam is my second mother... nakakatawa mang isipin pero parang pangalawang nanay ko na rin sya. She's very protective saming dalawa ni Jea, ayaw nyang nakikita kaming nasasaktan lalo na sakin. Kaya ganyan nalang sya kung mag-alala kapag nalaman nya yung mga nangyayari sa buhay ko.

{Hayst! Ano ba tong buhay ko?! Pinaglalaruan mu ba ko destiny? Kasi kung Oo, ayuko na... pagod na ko... pede ba kahit 'yung bagay lang na to... ilayu mu na sakin? PLEASE! I already suffered this kind of situation in the first place... ayuko ng maulit muli ang mga bagay na kinatatakutan kung mangyari, hindi ko na kaya...} sabi ko sa sarili ko, and then... di ku na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko, I don't know why... siguro di pa nahihilum yung sakit... yung sakit ng nakaraan ko!

------------------------------------------------------------------------------------

"Moo... I love you, ipagtatanggol kita sa lahat... sa lahat ng may hadlang sa pag-iibigan natin" sabi nya sakin habang nakahiga sya sa lap ko.

"I love you too Moo... pangako ko ikaw lang, wala ng iba" sabi ko na kinatayo nya naman... and then, we kiss each other...

\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/

"Layuan mo sya, kung ayaw mong patayin ko itong babaing pinakamamahal mo..." sabi ng Dad nya sa kanya...

"Dad I love her, mahirap po bang intindihin yun... please, hayaan nyo na po ako sa buhay ko..." sabi nya naman sa Dad nya

"Son, kung ayaw mong magkagulo ang lahat... layuan mo na sya! Walang magandang idudulot sayo ang babaing 'yan!" sabi ng Dad nya... habang hawak-hawak ang baril na meron sya

"Please, sumama kana sa Daddy mo. Tama sya, walang magandang patutunguhan ang relasyon nating to" sabi ko naman dito...

"Hindi! Hindi tayo bibitaw, tsaka... mahal natin ang isa't-isa, kaya haharapin natin to..." pagtatanggol nyang sabi

"Son, ano ba?! Halikana dito... tantanan mo na ang babaing yan, merong mas deserving sayo at hindi sya..." sabi ng Daddy nya

"Dad, kung di ko na man lang sya makakasama sa buong buhay ko... patayin nyo nalang din po ako!" – Siya

"Wag mo kung subukan! Hindi kaba aalis dyan?! Papatayin kung babaing yan! Isa!!!" sabi ng Daddy nya habang nakatari sa akin ang baril na hawak nito...

"Moo, sumama kana sa Daddy mo... ayaw kung madamay kapa dito. Ayaw kung may mangyaring masama sayo. Sige na... please, kung mahal muko gagawin mu to para sakin... sa atin..." sabi ko sa kanya... Agad nya naman akung hinalikan sa forehead ku "Ok, basta pangako natin... walang bibitaw ah, huwag kang mag-alala. Aayusin ku ang lahat. Pangako ko yan!" at kaagad na nga syang umalis at sumama sa Daddy nya pagkatapos nun sabay-sabay ng tumulo ang luha ko na hindi kuna mapigilan.

After 3months

Walang connection ang namagitan saming dalawa ni Moo... hanggang sa makatanggap nalang ako ng sulat galing sa kanya...

"I'm so sorry, di ko na kaya... suko naku. Susukuan na kita. Hindi na kita mahal. Simula ngayun, kalimutan muna ko... isipin mu nalang na walang TAYO! Sana makahanap ka ng taong mas deserving sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin...

From: Moo"

---------------------------------------------------------------------------------

Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala yung luha sa mga mata ko,! Akala ko totoo! Akala ko bumalik ako! Buti nalang at HINDI!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon